Here's the other guy.

9 1 0
                                    

Club Launching na namin. Ito na, patayan na, hindi literal, pero expect mo nga walang tulog kakaisip  ng bright idea, gagawa ng mga designs, ng overall set-up, yung mga gamit na kailangan, yung mga taong dapat kausapin at magpaalam, para lang sa ISANG ARAW. Pagtapos nito, practice na naman para sa competition, remember?

Nakakapagod, ako kasi yung president eh. Kahit na ayoko, kailangan daw ako sabi ng moderator namin. Hindi ko alam bakit ako pa. Haaaay. Pressure. Pag recess, hindi na kami nakakababa, lagi kaming nagmmeeting sa room, every after English subject..

Wala na nga akong balita kay Dominic eh, kasi hindi ko na napapansin mga text niya, actually, gm lang yun, pero ibig sabihin nun magtext daw ako sa kanya kahit tuldok lang.

Ngayon, naghahabol kami, kasi nagkasakit yung star ng launching namin. Ginawa kasi namin eh, compilation ng mga famous stories with different authors. Sila Nicole nakaisip nun, ako, wala ako, sabaw na sabaw ako, kaya ako na lang nakatoka sa mga props, tutal okay naman daw ako dun.

*beep* Pinindot ko na lang yung gitna at busy ako magpaint..

“Nak! Kain na!” Okay, mamaya na ‘to. Kakain na muna ako.. Tinawagan ako ni Nicole via phone para sabihin na all set na daw ang story line.. Approved daw. Buti naman. Bukas, may major rehearsal naman.. sa Auditorium.

Natapos na din ako kumain, at umakyat agad sa kwarto ko, at tinapos yung pag-paint...

YES!! Tapos na, nakakaiyak. Naisipan kong tignan yung phone ko. Hay. Grabe..

“Wag ka magpapaka-pagod..”

Hulaan niyo kung sino nagsabi niyan...

Tama. Siya nga. At ayun, hindi na ako nakatulog. Hindi naman kasi siya ganun. Ngayon ngayon lang... Nalilito na ako. Nahihirapan ako lalo..

Next day, problema ko kung paano namin dadalhin yung mga props sa school, bawal kasi gumawa sa school, kasi, masisira ng mga pusa.. Tinawagan ko sila Nicole, at papunta na daw sila ng bahay. Wala naman kaming sasakyan.

Buti na lang talaga, mabait yung kapitbahay namin, may pick-up kasi siya eh, tapos, dun namin nilagay sa likod yung mga props, gustuhin ko man na sumama ako sa jeep, kailangan dun ako sa sasakyan ng kapitbahay namin. Sila Cristine, ayun, nag-commute.

Nung nasa school kami, hindi kami late, salamat naman! Tinignan ni kuya guard yung dala namin, tapos nagpatawag ng mga tulong mula dun sa mga iba pang kuya...

“Dami niyan ah..” si Sean, higher year sa amin. Hindi ko  din alam bakit nag-uusap kami nito eh. Siguro, sa text? Pch.

“Ongae, tulong naman, joke!”

“Sige ba, akin na” Tapos bigla niyang kinuha. Nagulat kaming magkakaibigan kasi si SEAN? Ang bigatin, i mean, yung pinakagwapo sa batch niya eh, tutulungan kami? Wow, ano na nagyayare. Umakyat na kami, sinabayan ko siya since ako naman yung nagpatulong na kahit joke lang.

Lumagpas na kami sa room nila Dominic, tapos yung mga kaklase niyang nasa corridor, nag-w-wow. NAMAN! Galing namen! Hahahaha.. Pinasok pa niya yung mga gamit sa likod ng room namin, tapos nagulat yung mga boys and even girls.. kasi, hindi naman usually pumapasok mg 4th year sa room ng 3rd year eh, medyo magkakalaban. Basta.

Nag—thank you na ako sa kanya, pero kinausap pa din niya ako dun sa may pintuan..

“Pambawi, sabay tayo mag-lunch, hintayin kita sa bench sa baba, k?” Ako, nakanga-nga lang, hindi ko alam kung anong lalabas sa bibig ko..

“H-ha?”

“Sige na...”

“Ginawa mo yun tapos may kapalit?”

“Iba na buhay ngayon, kailangan mong maging madiskarte.” Tapos, lumabas na siya, ako nginitian ko lang siya..

“Hindi joke yun ah.” Nag-wave na siya papuntang room nila. Jusme. Ano ba ‘to.. Pagpasok ko ng room nakatingin yung mga kaklase ko sa akin, narinig kasi nila yung usapan namin ni Sean na mahina eh. Si Dominic, busy nag-g-gitara katabi mga kaibigan niya.. Biglang bumukas yung pinto, hala, si Mr. Zarargosa. Lumabas na yung mga taga-hindi ko section, si Aki, lumapit sa akin..

“Paliwanag ka sa akin mamaya.” Tapos, umalis na siya, nakita kong inakbayan niya si Dominic, at wala naman yung meaning di ba?

Ayan.. matatapos na yung 3rd subject before recess. Kinakabahan na naman ako oh. Hindi dahil sa rehearsal mamaya, kundi kay Sean, bakit naman ako sasabay sa kanya..

“Weird ni Sean.”

“May gusto yun sayo.”

“Ewan, Nicole.”

“Pero, nakapagtataka db.”

“Kaya nga Cristine eh.”

*RIIIIIING*

“Goodbye and thank you Sir”

Lumapit ako kay Sir, tatanungin ko kung may meeting pa, at sabi niya WALA na. Yahooo! Ni-remind niya lang kami na uwian kami magpaparactice at mag-s-setup sa auditorium. Sinabayan na namin si Sir pababa, kasi nagpatulong na din siya sa mga dala niyang visuals, and karaoke.

“Bianca!” si Aki, nasa room pa siya? Ang tagal na namin nag-usap sa room ah, hindi pa din siyya bumababa. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko, tapos ‘sige daw’...

“Ano bakit..”

“Angas mo ah, purket kay Sean ka na..”

“ewan! Tantanan niyo nga ako, kanina pa ako inaasar ng BUONG klase dun..” with actions kong sinabi yun. Bigla siyang natawa.

“Eh grabe, ang ganda mo kasi masyado eh... Kaya ang daming nagkakagusto sayo..”

“ANONG MAGANDA. EH HALOS LAMUNIN NA NGA AKO NGBUHOK KO OH. Hindi ako nagpupulbos..hindi ako nag-aayos sa katawan, paano naman ako magiging attractive niyan!”

“Yung mata mo, yung ngiti mo, yung hulma ng mukha mo, yung kilay mo, yung ilong mo, yung kulay mo, yung bangs mo..”

“Teka, Aki, ikaw ba yan?”

“Hindi, may nagpapasabi lang niyan.” Tapos, niyaya na niya akong bumaba. Hindi ko siya maintindihan, anong pinapasabi? Nino?

Ni Dominic, pucha, ASA!

First Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon