Chapter I

50 2 0
                                    

“Bianca!!!!!!!”

Si Mama. Oo nga, may pasok pa pala ako. Nawala na naman sa isip ko, masyado na kasi akong nakatutok sa computer at laro ng laro.

“Ano ba, hindi ka ba magmamadali, late ka na! Ayokong pagalitan ka.”

“Opo Ma, kikilos na ako.”

“Bianca...yung sapatos mo nga pakalat-kalat..” si Kuya. Haynako, may masabi lang eh..

7:15AM...

...

LATE AKO!!!!

“Bianca, punta ka sa Prefect of Discipline Office, kumuha ka ng slip..”

“Ok!” si Kathlyn, student council. May nagbabantay kasi sa gate eh, sila yung nagpapapila para sa mga late.

Umakyat ako dun sa office, aba, ang daming tao. Nakakahiya.

“Ano ba, isang buwan na matapos ang pasukan, lagi na lang kayong late, pare-parehong mukha!”

Natakot naman ako kay Ms. Amizola, nakakatakot siya, malaking teacher (I mean, mataba), terror pa. Hinintay ko matapos yung mga lalaking lower year sa akin. Ang dami nila. Barkada. Paano, naghihintayan sa labas, tapos, feeling nila tigasin sila kung late sila pumasok. Ampu.

“Oh Ms. Hernandez, why you’re late? Anong nangyare?”

“Ahhh..Mdm..Kasi po...hindi po kayo maniniwala sa dahilan eh..”

“Sabihin mo, para malagay ko sa slip na ‘to eh, excused ang pagkaka-late mo..”

“...Nabutas po kasi yung blouse kong isa... Hinintay ko pa po matuyo yung isa pa..”

I’m excused. Hahaha. Liar. Ngayon lang ‘to. Oh, baka good mood lang si Ms. Amizola... Whew.

“Uyy bakit ka naman late?”

“Ehh. Nababad sa computer eh.. nawala sa utak ko.”

“Tsk tsk, ikaw talaga!!” si Nicole, semi-bestfriend ko. Bakit? Kasi, ang dami niyang sinasamahan eh. Pero, ayos lang ako dun, ako pa din naman sinasamahan niya kasi ako yung classmate niya. Actually, barkada kami, all girls....

“May assignment ka?” si Cristine,  kokopya ng assignment sa MAPEH.

“Oo, nasa bag, kunin mo na lang nasa 1 whole..”

Bigla ng dumating yung adviser namin, si Sir Zaragosa. Teacher sa Filipino.  Nagsitahimik na kasi wild kungmagalit ‘tong adviser namin, kahit na private school kami, nambabato ng mga dala niyang visuals, pero hindi sa amin, sa wall niya hinahagis.

Recess time! Yahoooooo! Kainan na ulit.

“Ano bibilhin niyo?” tanong ni Nicole

“Ano ba yan.. ang daming tao... pesteng mga 2nd year na yan!”

“Grabe Cristine, galit na galit ka naman..”

“Gutom na gutom na kasi ako eh”

“Oh.” Inabot ko sa kanya yung baon kong Hello Panda. “Hoy! Hindi ko sinabi lahat kuhanin mo..”

Nakita ko nalang yung Hello Panda ko, hawak na ni Cristine. Argghh

“Penge naman ako..”

“Bigay mo na ‘to db?”

“Grabe... akin yan eh..”

Pilit kong inaabot yung kamay niya...

*BOOG*

“Sorry..”

Ayun. Natamaan ko yung ka-batch ko, si Dominic. Nahulog yung gitara niyang hawak, yung piknik niya at yung takip nun, at yung inuman niya.

First Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon