I think I...

17 2 0
                                    

Unfortunately, hindi ako napili sa Marian Bonding... Yun yung tawag sa bonding ng mga sister schools namin, sa buong Luzon. Mag-s-stay kami sa isang school. At dun magsasama-sama ang mga magkaka-Marian. Atleast 40 students per school, kaya 3 students per batch. Randomly pinipili yung mga students. Napili si Cristine. Hala. Sana naman next year ako na. Grabe pag hindi, torture na yun ah... Lagi na lang ako nakkwentuhan.

Next week, may role play kami, makakalaban namin kabilang sections.

Hindi namin natapos yung props kaya before  the play day, nag-half day kami the next day. Ako, dinala ko yung phone ko, kasi kailangan ko ma-contact yung mga kaibigan ko, tsaka yung mga ka-group ko na pumasok..

*beep*  HA??? SINO NAMANG MAGTETEXT SA AKIN NG GANITO ORAS? HINDI KAYA NANAY KO.. TEKA. NAGPAALAM NAMAN AKO AH.

Oy bat di ka pumasok

What the. Si Dominic? May dalang phone? Lagot ‘to.

Nireplyan ko nga para pagalitan, para maconfiscate.. >:D

From: Bianca

Trip ko lang..

From: Dominic Panget

Wehhh..

From: Bianca:

Ewan ko sau baliw sana mahuli ka ng teacher natin

From: Dominic Panget

Asa! Wala pang mga teacher... San kau?

From: Bianca

Anong pake mo?

From Dominic Panget

Sunget mo, panget!

From: Bianca

Mas panget ka, sobra!

From Bianca:

K.

Aynako. Hindi na ako nagreply. Imbyerna ako sa kanya... May school service kasi sila Jerica kaya pinaiwan muna namin sa driver yung mga cellphone namin. Pumasok na kami ng school, tapos tinulungan pa kami ng mga kuya na iakyat yung mga props. Naamazed naman yung mga iba naming kaklase sa mga props. Aba’y syempre, ako leader niyan. *kaway ng pang-Miss Universe*

Mr.Zaragosa: I’m so happy and nakaka-proud yung ginawa niyong effort, hoping manalo section natin

Awwww nawala pagod ko dun ah.. Natuwa naman kaming magkakaibigan. Lumabas muna ako kasi nauuhaw ako, iinom ako sa drinking fountain.

“Bianca..”

Lumingon ako at alam ko namang boses niya yun..

“Binili ko kanina...kala ko sabay tayo kakain eh.” Natouch naman ako sa ginawa niya. Nag-smile lang ako tapos nag-thank you. Nakita kong ngumiti siya.. Waaaaaa. Bakit ako kinikilig?? Crush ko na siya?? :O

Panalo pala kami sa play... Kahit na kalaban namin sila Dominic, kahit na ang galing niyangumarte nun ah, infernezz! Every after class may meeting kami, kasi kailangan namin magpractice para sa competition laban sa ibang school sa community namin. Ginagabi na nga ako lago eh, atat na atat na akong umuwi gusto kong mahiga, magpahinga, maligo, matulog..

“Okay booklovers, dismiss!”

3 little words. Big meaning. Happiness.

Ang sarap sa feeling na ang tahimik ng school, tapos kasama mo mga kaibigan mo. Wala nautuwa na ako sa ganitong situation. Nagkayayaan sa Mcdo..

First Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon