Here comes the bonding

11 1 0
                                    

Paglingon ko, si Dominic..

“Anong nice?” Well, bati na kami, mababaw lang naman pinagtampuhan namin... Hehe

“Ikaw..” WHAT....THE....

“Ewan ko sayo..” Pero, kinikilig ako deep inside. Seriously.

Nagstart na yung activities, parang ginawa ng school, amazing race ang peg. Paunahan.. May challenges sa lahat ngc orner ng school..

Unang challenge, sa quadrangle, sa 8 teams/colors, isang representative, paunahan may ma-shoot na “jolen”/”Holen” sa loob ng coke na bote..

Swerte.. Na-shoot agad yung amin in just 8 seconds... kaya, takbo kami sa next station... may binigay na mga clue...

Kung saan lahat ay masaya...

Anong masaya... Teka.. Natutuwa kami pag recess/lunch break na.. Nanghula yung iba, library... hindi, imposible.. pero tumakbo kami sa library... closed. Sinuggest ko, canteen... takbo...

Ayun nga, may naghihintay na teacher dun..

“Galing mo ah!” biglang sabi ni Dominic.  Ngumiti na lang ako, kesa naman sabihin kong ‘Ako pa?’... yabang ng dating ehh.

Yung next challenge... Dapat mahanap yung susi sa isang planganang may harina gamit ang bibig.. para sa room na papasukan namin for the next challenge.. Ako yung napili nung leader, since ako daw nakaisip na dito.. So, kasalanan ko na pala yun? Buti na lang, ka-team ko si Patricia.. Weee! Kami yung sumabak dun... 30 seconds per tao...

Ginalaw-galaw ko yung harina na nasa plangana, seryoso kong hinanap yung susi.. Salitan naman kami ni Pat.. And, finally, nahanap ko.. Gahhd, ang liit niya. Nung nakuha ko na tilian yung mga ka-team ko... Nakalagay sa susi, room 403. ANG TAAS. Tumakbo na kami.. Tapos, biglang may humawak sa braso ko..

“Teka..” tapos, pinunasan na lang niya yung mukha ko na punong-puno ng harina gamit yung kamay niya at panyo niya... Tapos, naka-smile lang siya. Nahihiya nga ako kasi ginawa pa niya yun.

“Pwede ka ng iprito ah..”

“Ewan...halika na dali..”

“Wala man lang thank you?”

“Thank you! Halika na!” Tumakabo na kami..

Hindi ko pa nakikita mga kaibigan ko ah? Nasaan na sila?

“Bianca!!!” Tumingin ako kung san naririnig ko yung sigaw... Aba, nasa 2nd floor sila?? Dun ko lang nalaman na random pala yung pagkakasunod-sunod ng challenges, pero same final destination..  Kumaway lang ako ng napakasaya.. Tumingin din si Dominic.. tapos kumaway din siya...

Ng biglang may kumiliti sa kin, syempre, nagulat naman ako..

“Boom!”

“Aki!!!!” Nag-high five-an na yung dalawa.. Ako na OP.. Lumapit na ako kay Pat.. Buong magdamag, kasama ko na si Pat.... Lumipat na yata ng group si Dominic eh, yaan niyo siya..

Who’s leading??? Biglang  may nagsalit sa microphone.. Familiar voice..

Oh..Gray Team daw sabi ni Mdm. Penalosa...

Nung sumilip ako sa auditorium... si Marie.. Kelan pa siya naging host?? Buti na lang wala siya sa group, kundi, baka forever na silang magkasama ni Dominic..

Medyo, may nakasabay kaming ibang team sa second  to the last challenge.. sa classroom ng kindergarten.. Ako na naman napili ng leader, and this time, partner ko si Dominic...

Ang daming maliliit na colorful balls sa floor, at hahanapin daw namin yung picture ng Eiffel Tower sa ilalim nun.. EH ANG DAMING PICTURES!!!!!! Mga famous landmarks ng iba’t-ibang bansa!!!

First Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon