15

478 24 0
                                    

I was sitting at the terrace of the house when my phone rang.

Sino na naman kaya ang demonyong tumatawag? Tsk!

"Oh, Justin. Potek naman nakailang tawag ka na ba ha?" Bungad ko. Simula kasi kaninang 9 PM ay panay ang tawag niya. E, wala namang sasabihin. Bano.

"Tsk! Mag online na kasi kayo mga yawa! Malapit na mag 12 midnight!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Hindi kasi namin siya pinapansin sa GC.

"Fine! Huwag mo na ako tawagan bwesit ka." Sagot ko at hindi ko na siya pinasalita pa at in-end ko na yung tawag.

Pagkabukas ko palang ng messenger ay ang mga kalokohan na naman nila ang bumungad. Tsk! Bat ba ako nasama sa mga to?

11:45 PM nung nagsimula kaming mag video call at hinintay mag 12 midnight.

At dahil nasa kanya-kanya kaming mga pamilya ay sa online handaan nalang kami nag celebrate ng pasko. And balak naming lumabas bukas at pumunta daw ng simbahan to thank God and of course to greet Jesus for his birthday.

Akalain mo yun? Sa kademonyohan nila nagsisimba pala sila?

Anyway, maganda naman yung naging takbo ng buhay ko dito sa bahay nila papa. Though hindi kami ganon kaclose, I'm very thankful parin na inimbitahan nila ako para maki-celebrate sa kanila.

"Josh, I know na hindi mo gustong tumira sa puder ng papa mo, pero welcome ka dito sa bahay namin anytime." Sabi ni Tita Clara. Asawa ni papa.

"Salamat po." Tipid na sagot ko.

"Alam ko na hindi mo tanggap na nag asawa ulit ang papa mo at pati narin ng mama mo. And I know na gusto mo rin maranasan ulit ang buong pamilya at alam ko na gusto mo rin maranasan yung feeling na mayroong ina na nandyan sa tabi mo kung meron kang problema." Mahabang anya kaya napatingin ako sa kanya.

Mabait naman talaga siya. Actually noong bago palang sila ni papa she insisted na sa kanila ako tumira pero tumanggi ako dahil ayaw kong maging pabigat sa kanila.

"Pwedeng pwede mo akong ituring na ina. If you need someone to talk with. Nandito lang ako." Patuloy niya saka ngumiti at lumapit sakin para yakapin.

---

Lumipas ang mga araw. Nandito parin ako kila papa. Dito narin ako nag new year.

Nakatulala ako ngayon sa pinapanood ko sa TV. Hindi ko nga din maintindihan dahil sa kalutangan ko ngayon.

"Kuya!"

Muntik pa akong mahulog sa sofa na kinauupuan ko sa biglaang pagsulpot ng kapatid ko na si Gail.

"Bat ka naman nanggugulat?" May inis na sabi ko pero ngumiti lang siya sakin.

"May bisita ka. Sobrang gwapo kuya hehe." Sagot niya. Kumapit pa siya sa braso ko at parang kinikilig pa.

Kumunot naman ang noo ko. "Sino daw?" Tanong ko. Bumitaw naman siya sa pagkakakapit sakin saka sumagot.

"Justin daw kuya. Sino yun? Jowa mo?" Muntik naman akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

Biglang siyang tumawa kaya hindi ko nalang pinansin at lumabas nalang para makita kung si Justin ba talaga yung bumisita.

Pagkalabas ko ay nandun nga si Justin sa labas na nakasandal sa kotse niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Agad naman siyang umayos ng tayo saka malawak na ngumiti.

"Wala lang." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko. "Gusto lang kitang makita." Patuloy niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Oh Josh, may bisita ka pala." Agad akong napatingin kay papa ng magsalita siya sa likod ko. Palabas siya ng bahay.

"Hello po Tito." Nakangiting bati ni Justin kay papa.

"Hello kuya Josh friend. I'm Gail nga po pala pasok po ikaw sa aming house hehe." Pagsulpot ni Gail sa tabi ni papa na napatingin din sa kapatid ko.

Magsasalita pa sana si Justin pero agad na siyang hinila ni Gail sa loob.

"Hayst! 'Tong kapatid mo talaga. O'siya ikaw na bahala sa kapatid mo at sa bisita mo. Aalis na ako." Sabi ni papa saka tinapik ang balikat ko at tuluyan ng maglakad palabas.

Ako naman ay napapakamot nalang sa batok na pumasok sa loob ng bahay.



To be continued...

Bawi ako. Sa linggo next ud.

Balcony | JoshTin AU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon