09

444 26 1
                                    

🗒:
📌Pure fiction
📌Errors ahead
📌Words that are not suitable for minors

Justin De Dios


Nakatulala ako ngayon dito sa kisame ng unit. Kanina ko pa iniisip kung pupuntahan ko ba si Josh o hindi.


Feeling ko kasi ay may kasalanan ako.


Agad akong tumayo at lumabas. Napatigil ako sa labas ng unit ni Josh at nagdadalawang isip kung kakatukin ko ba.


Bahala na...


Kakatok na sana ako nang bigla itong bumukas at iniluwa iyon si Josh na nakakunot ang noo sakin.


"I—I'm sorry," mahinang sabi ko.


"For what?" He asked kaya napakamot ako sa batok. Hindi ko din alam kung bakit ako humihingi ng sorry.


"Sorry dahil pinag-isipan ka pa ng masama ng mama mo because of me." I answered.


"Tss. Don't say sorry. Nasa kanya na yun kung ano ang iisipin niya." Sagot niya. Hindi naman ako nagsalita. Parang naputol ang dila ko. "Kung iniisip mo din na ganon ako, hindi kita masisisi." Patuloy niya kaya agad akong napatingin sa kanya.


"No. I mean, wala naman masama sa pagiging bakla o tomboy o ano man ang tawag sa kanila. It's just that we live in this judgemental society. If you're gay, don't worry, hindi kita iju-judge." Sagot ko saka ngumiti.


Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko pero, totoo iyon. Wala ako sa lugar para manghusga dahil hindi natin alam ang mangyayari sa makalawa. Na baka ang pinaniniwalaan mo ngayon ay maaaring mag-iba.

---

Nandito kami ngayon sa balcony ng unit niya. Sinamahan ko siya mag-inom.


Let me tell you this. Hindi ako ang nagyaya na uminom.


"Can I ask you something?" Pagbasag ko sa katahimikan. Nakadalawang bote na ako ng alak at siya naman ay nakaisa palang pero parang mas marami na siyang nainom dahil ang pula na ng mukha niya.


"Spill it." Sagot niya.


"Huwag kang magagalit ha? A-are y—"


"Gay?" Putol niya sa sasabihin ko. Napailing siya. "Siguro." Patuloy niya.


"Bakit hindi sure?" Tanong ko ulit.


"I just don't know. Gaya nga nang sabi ko sayo noon, never pa akong nagkagusto sa babae at sa lalaki." Sagot niya.


"Ang boring naman ng buhay mo, wala man lang nagpapakilig sayo." Pang-aasar ko at umiling lang siya.


"E 'di pakiligin mo ako."


"E 'di pakiligin mo ako."


"E 'di pakiligin mo ako."


Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Ilang ulit pa na nag echo sa isip ko ang mga salitang iyon.


Pinakiramdaman ko din ang tibok ng puso ko at sobrang lakas ng tibok nito.


A-ano bang nangyayari sakin?





To be continued...

Let me know kung may mga hindi nararapat at makakapahamak sa image ng mga boys para maayos ko iyon. Salamat.

Balcony | JoshTin AU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon