30

518 22 0
                                    

Justin •

"Sa wakas bakasyon na!" Sigaw ni Ken. Palabas na kami ngayon ng campus.

"Saan tayo ngayon, Justin?" Tanong ni Sejun. Nag-usip naman ako.

"Sa bar malapit sa condo ko." Sagot ko. Tumango naman sila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nauna na silang umuwing dalawa. Naiwan muna ako dito sa labas ng campus dahil hinihintay ko pa si Josh.


Nang palabas na siya ay agad akong ngumiti sa kanya. "Iinom kami ngayon, sama ka?" Tanong ko nang makasakay kami ng kotse.

"Tsk! Ano pa nga ba?" Sagot niya na naiiling.

"Sungit mo naman, sorry na nga!" Sabi ko rito. Nakalimutan ko kasi siya kaninang gisingin ng maaga kaya muntik na siyang ma-late.

Nakarating agad kami nang condo dahil medyo hindi traffic ngayon. Agad na kaming nagpalit dahil nasa bar na daw sila Sejun at Ken, kasama nila si Jewel at Stell.

Pagkapasok palang namin sa bar ay ang ingay na nagmumula sa malakas na music at ang amoy ng alak ang sumalubong sa amin.

"Arggh, sakit sa ilong ng amoy." Pagreklamo ni Josh kaya tinignan ko siya. Nakahawak siya sa ilong. Tsk!

"JoshTin! Dito!" Napatingin kami parehas nang marinig ang sigaw ni Sejun.

Agad na kaming lumapit sa kanila. Marami nang bote ng alak ang nandun sa table nila.

Pagkaupo palang, inabutan na agad kami ni Sejun ng bote. "Pass ako." Pagtanggi ni Josh. Umirap si Sejun dahil sa sinabi niya.

"Come on, Josh, minsan lang naman eh," pagpilit ni Sejun.

"Kung nalasing tayong lahat sino mag-uuwi satin? Tsk!" Sagot niya.

"Konti lang naman!" Si Stell ang nagsalita. Tahimik lang si Ken at Jewel.

"Fine," napipilitan na kinuha ni Josh ang alak at ininom iyon.

Nagsimula nang malasing si Jewel at Ken at kung ano-ano na rin ang sinasabi ni Stell. "Tsk! Hoy Stell bumalik ka dito." Sigaw ni Josh dahil biglang tumayo si Stell. Muntik pang matumba kaya natawa ako.

"Parang tanga ang gago" natatawang sabi ko dahil hinila niya si Sejun at pumunta sila sa gitna at sumayaw doon.

"Tang– Jewel, hoy Ken tulungan mo ako!" Sigaw ulit ni Josh dahil bigla nalang natumba si Jewel dahil sa kalasingan. "Pota, Justin ano?!" Baling niya sakin kaya tumayo ako na tumatawa at tinulungan siya na itayo si Jewel.

"Ang hihina naman ng mga 'to" mahinang sabi ko at pinaupo ulit si Jewel sa sofa.

"Hanapin mo na nga yung dalawa na uuwi na tayo." Nakakunot ang noo niyang sabi kaya inilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin si Sejun at Stell.

Nang makita sila na nasa kabilang table ay lumapit ako doon at hinila na sila.

"Tangena pre, malala na si Ken, torpe pa rin" pang-aasar ni Sejun kay Ken na tahimik lang na nasa likod ng van. Katabi niya si Jewel na natutulog na.

"Gago! Para namang hindi umiyak noong–" hindi na niya natapos ang sasabihin nang batuhin siya ni Sejun ng sapatos.

"Manahimik nga kayo." Naiinis na sabi  ni Josh. Siya yung nagda-drive ngayon.

"Grabe ka naman Josh! Para namang wala tayong pinagsamahan dito!" Sejun dramatically said.

"Itulog niyo nalang yan." Naiiling na sagot niya kay Sejun.

"Sus! May tanong ako, kailan mo hihiwalayan si Justin?" Tanong niya kaya masama akong napatingin sa kanya.

"Gago ka Sejun!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. Napailing lang si Josh at hindi na sinagot ang tanong ni Sejun.

Siraulo tong si Sejun.

---

"Happy birthday, Stell!"

Nandito kami ngayon sa isang resort dahil birthday ni Stell. Inuman na naman.

Kanina pa nagsimula ang inuman dito sa tabi ng dagat. Marami ang inimbita ni Stell, yung iba mga nakilala niya daw sa inuman. Tsk!

"Nasaan si Josh?" Tanong ko kay Ken.

Kanina ko pa kasi siya hinahanap. Nawala nalang bigla.

"Nakita ko kanina naglalakad, bumalik na ata sa hotel room niyo." Sagot niya kaya tumango ako at nagpaalam para sundan si Josh.

Habang naglalakad ako pabalik sa hotel room ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko may hindi magandang mangyayari.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Pero napatigil ako nang makita ko si Josh sa di kalayuan.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakita ko.

Halo-halong emosyon. Galit, gulat at sakit.

"J–Justin..."

Tumalikod ako sa kanila. Sobrang sakit.

Sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na may kahalikan na iba.

"Justin," hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "Mali ang iniisip mo."

Humarap ako sa kanya. Mapait akong tumawa. "Mali? Josh, kitang kita ko. Kitang kita ko kung paano kayo maghalikan. Ano? Hindi pa ba ako sapat sayo?" Pinunasan ko ang luha na tuloy-tuloy sa pagtulo.

"Let me explain, okay?"

"No. Ayaw ko na marinig ang sasabihin mo. Ibinigay ko ang lahat sayo. Minahal kita Josh, sobra.  Kaya sobrang sakit, ang sakit dito." Sabi ko at itinuro ang bandang puso ko.

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad. "Justin!" Tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Agad akong pumunta sa hotel room namin at kinuha ang gamit ko. "Jah, mag-usap tayo, please." Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko yun binawi.

"Wala tayong dapat pag-usapan pa. We're done." Sagot ko at lumabas na.

Mabilis akong naglakad palabas ng hotel. Hindi parin tumitigil yung luha na lumalabas mula sa mga mata ko.

Ang sakit.

Paano niya nagawa sakin 'to? Ni minsan hindi ko naisip na saktan siya, kasi mahal ko siya. Pero heto siya, sinaktan lang ako.

Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sigawan dahil sa ginawa niya. Gusto ko din siyang saktan, pero hindi ko magawa. Dahil kahit anong sakit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya, mahal ko parin siya, eh.

"Dre, saan ka pupunta?" Takang tanong ni Sejun nang makasalubong ko siya.

"Uuwi na ako. Pakisabi nalang kay Stell." Sagot ko at hindi na siya hinintay na sumagot.

Umalis na ako doon.











To be continued...

Sa wakas may update na HAHAHAHA. Sorry ngayon lang bawi ako guys.

Balcony | JoshTin AU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon