21

484 20 2
                                    

- Justin -

"Justin, tulala lang? Alam mo iba na yan." Napatingin ako kay Sejun dahil sa sinabi niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Kanina ka pa tulala. Kung iniisip mo si Josh, bakit hindi mo nalang kausapin." Sagot nito.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil vacant namin at naisipan namin na kumain pero hindi naman ako nakakain dahil sa pag-iisip.

These past few days kasi ay ang daming Tanong sa isip ko. Sobrang nalilito ako sa nararamdaman ko.

"You know what, wala namang masama kung gusto mo siya, e. Huwag mong pigilan. Kasi the more you deny it to yourself, the more na mahuhulog ka sa kanya o baka kakadeny mo magising ka nalang may nauna na." Patuloy niya kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi ko naman dine-deny. Pero kasi iniisip ko, what if hindi niya tanggapin?" I asked.

"Alam mo kasi ganito yan, hindi naman kasi agad magugustuhan ka ng lahat o matatanggap ka kaagad. Gagawa ka lang ng way para matanggap ka nila. Make an effort for them to accept you." He answered and tap my shoulder.

"Zup mga dre! Seryoso naman ng usapan niyo." Napatingin kami pareho ni Sejun kay Ken na kararating lang at umupo sa tabi ni Sejun.

"Pinag-uusapan namin kung paano ka namin sasakalin." Pambabara ko sa kanya.

"Gago! Si Josh nakita ko may kasamang babae" Sabi niya at tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago ka Ken, baka mag-overthink ang hayop na to." Tawa naman ni Sejun sabay turo sakin. Mga siraulo. Trip talaga nila akong asarin, ha? Tignan lang natin pag sila na ang nasa sitwasyon ko.

"Pero gago dre, seryoso, may kasama si Josh kanina na babae" sabi pa ni Ken sabay kuha ng pagkain na nasa harap ko.

---

Pagkatapos sabihin ni Ken na may kasama si Josh na babae ay nagpaalam ako sa kanila ni Sejun at nagdahilan na magc-cr pero ang totoo ay hinanap ko si Josh.

Nakita ko naman siya sa may bench at pinapanood ang mga naglalaro ng soccer sa field.

Nalipat naman ang tingin ko sa tabi niya. Meron nga siyang kasamang babae.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap pala ng ganito.

Agad akong lumapit sa kanila at umupo sa pagitan nila. Tinaasan pa ako ng kilay nung babae pero nginitian ko lang siya.

"Hi, kaibigan ko to si Josh hehe." Sabi ko dun sa babae dahil tinitignan niya ako na para bang hinuhusgahan ako.

"Oh? So, ikaw si Stell?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"No. I'm Justin." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Justin? Ahhh! Ikaw pala yung sinasabi ni Gail! OMG!" Gulat na sabi niya at napatayo pa. Tinignan ko naman si Josh ng alanganin at umirap lang siya sakin.

"She's Kelly. My cousin." He said na parang walang buhay. Tsk!

"So, what's the real score between you two?" Tanong niya sakin dahilan para mapaubo ako. Mukhang nagkamali ako sa babaeng to, mukhang magkakasundo kami. Hahahahaha.

"Tsk! You're talking nonsense again, Kelly" sabi ni Josh kaya napatingin kami doon ni Kelly.

"Hindi ikaw kinakausap ko" pagsusungit niya kay Josh at tumingin ulit siya sakin. Nginitian ko lang siya ng alanganin. "So, ano nga?" Tanong niya ulit sakin.

Napatikhim naman ako. "Well, honestly, I like him" pag-amin ko. Napatili naman siya at niyugyug pa ako at hinampas sa braso. Tf?

Napatingin naman ako kay Josh para makita ang reaction niya.

Cold siyang nakatulala siya ngayon sa field kaya napalunok ako.

"Ahh, hahaha. Mauuna na pala ako sa inyo, may gagawin pa pala ako." Paalam ni Kelly at dali-daling umalis.

Naiwan naman kami ni Josh na tahimik. Walang gustong magsalita. Nagsisi tuloy ako na sabihin yung mga salitang yun. Ayaw ko lang kasi na magpaligoy ligoy pa. Ayaw kong i-deny yung nararamdaman ko.

Yes, I like him. Not just being my friend, but more than that. I don't know when, where and why. I just realized, gusto ko na pala siya.

Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan. I honestly say na sobrang naiinis ako dahil sa cold and straight forward niya. Pero simula nung nalaman ko ang sitwasyon niya between him and his mother, bigla akong naaawa and at the same time sobrang bumilib ako sa kanya. Biruin mo yun, kinaya niyang mabuhay ng mag-isa. Since then, I realized that he deserved to be love. He deserved to be happy.



To be continued...

Alam kong sabaw. Bawi talaga ako next chapter. Seryoso na ako guys. Kailangan ko na talaga matapos to hanggang March 1 para nasimulan ko na yung iba ko pang on-going stories huhu.

Balcony | JoshTin AU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon