32

538 27 14
                                    

• Justin •

Pagkabasa ko sa text ay ay agad kong ibinato sa kung saan ang cellphone ko. Bahala na kung mabasag.

Kanina ba ako nakahiga sa kama ko pero hindi ako makatulog. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong nangyari sa resort. That damn kiss.

Medyo kumalma na na ako ngayon. At ngayon ko lang narealize 'yong sinabi ko kay Josh. "...we're done."

Aish! Katangahan ko din minsan kasi! Nadala lang naman kasi ako ng galit ko kanina kaya nasabi ko 'yon.

Para tuloy nagmukhang wala akong tiwala kay Josh. Aish! Kanina dun sa halik ang issue ngayon naman 'yong mga sinabi ko kay Josh. Napaka tanga ko rin eh 'no?!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa frustration.

Tumayo ako sa pagkakahiga at pinulot ang cellphone ko sa sahig. Buti nalang hindi nabasag.

Agad akong lumabas ng bahay at dumeretyo sa condo. Pagkarating ko dun hindi ko nakita si Josh.

Sinubukan kong tawagan siya pero hindi ko siya ma-contact.

At dahil hindi ko naman siya matawagan, umuwi nalang din ulit ako. Gabi na rin kaya bukas ko nalang siya ulit tawagan.

Buong gabi hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kung paano ko kakausapin si Josh bukas. Hayst parang ako naman 'yong may dapat ipaliwanag nito eh.

Kinabukasan late na ako nagising. Madaling araw na kasi nung makatulog ako.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ulit si Josh pero hindi ko parin siya ma-contact. Anak naman ng tokwa.

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok at pumunta sa coffee shop ni Ken baka sakaling pumasok siya dun pero wala.

"Nasaan na ba kasi siya!" Inis na hinampas ko 'yong manibela ng kotse ko habang nagd-drive. Iniisip kung saan siya pwedeng pumunta. "Ay tanga, malamang baka umuwi sa bahay nila." Pagkausap ko pa sa sarili ko at tinahak na ang daan papunta sa kanila.

Pagkarating ko dun ay agad na akong kumatok at agad naman na pinagbuksan ako ni Gail. Tinaasan pa ako ng kilay kaya napakamot nalang ako sa ulo. Baka naikwento na ni Josh 'yong nangyari.

"Si Josh?" Tanong ko.

"Tulog pa si kuya. Sabi niya ayaw niya maistorbo. Balik ka nalang bukas." Sagot niya.

"Grabe naman 'yon, parang ako pa may kasalanan dito ah." Bulong ko pero tinaasan niya ako ng kilay kaya napangiti ako ng alanganin. "Hontayin ko nalang siya na magising." Sagot ko sa kanya at bumalik na sa loob ng kotse para doon maghintay.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito pero hindi parin lumalabas si Josh. Awit naman 'yon!

Inis akong bumalik sa condo dahil gutom na ako. Babalik nalang ako mamaya. Naman! Para talagang ako 'yong may kasalanan sa aming dalawa, ah. Parang gago naman! Karma ko ba 'to?!

Pagkarating ko sa unit ni Josh ay nagulat pa ako dahil nadatnan ko doon ang mama niya.

Nang makita ako ay agad na sumeryoso ang mukha. "Nasaan si Josh?" Agad na tanong niya.

"Umuwi po sa bahay ng Papa niya." Sagot ko. Tumawa naman siya ng pilit kaya napatikhim ako.

"Totoo nga ang chismis. May relasyon kayo at kinukunsinti pa ng magaling niyang ama." Sabi nito.

"Mawalang galang na po. Wala naman pong masama kung may relasyon kami ni Josh." Dahil sa sinabi ko agad na sumama pa ang tingin niya sa akin.

"Wala kang karapatan na sagutin ako ng ganyan." Matalim na sabi nito sa'kin. "Hiwalayan mo ang anak ko, hindi ikaw para sa kanya. Ang lalaki ay para sa babae," patuloy pa nito.

"Mahal ko ang anak niyo, kaya pasensya na po pero hindi ko magagawa ang gusto niyo." Sagot ko at tatalikod na sana pero nagsalita siya ulit.

"Sa tingin mo mahal ka ni Josh? Baka nga ginamamit ka lang niya para makapag-aral-"

"Ano bang alam mo sa'kin Ma?" Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa iyon si Josh na masama ang tingin sa mama niya. "Hindi kita pinigilan noon sumama ka sa ibang lalaki at iwan kami ni Papa. Kahit gustong-gusto kong maging pround ka sa'kin kaya ginawa ko ang lahat. Pero wala eh, hindi parin naging sapat. Pagod na akong mabuhay na may pinapatunayan sa iba, gusto ko nalang mabuhay para sa'kin. Ibigay mo na sa'kin 'yon, Ma." Malamig na sabi nito sa Mama niya. "Tara na." Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad niyang binitawan ang kamay ko. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero tumango siya. "Josh, sorry kung hindi ako nagtiwala sa'yo. Hindi ko naisip na bigyan ka ng chance para magpaliwanag. I'm sorry." Sabi ko sa kanya.

"Galing ako sa restroom 'non. Hinarang niya ako at sinabing hiwalayan kita, pero sinabi ko na hindi ko 'yon magagawa." Sabi nito hindi ako nagsalita at hinintay ang sunod niyang sasabihin. "Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinila at hinalikan." Patuloy niya.

Napayuko nalang ako dahil nakokonsensya ako. Pinag-isipan ko siya ng masama. "I'm sorry." Paghingi ko ng tawad.

"Okay lang, kung ako rin naman siguro ang makakita na nakipaghalikan ka sa iba, ganon din ang magiging reaksyon ko." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya at magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya sakin. Gusto ko tuloy maiyak.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Promise hindi na ako magagalit sa'yo hanggang sa hindi ko pa naririnig ang paliwanag mo." Sabi ko rito. Tinapik naman niya ang likod ko kaya mas hinigpintan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.






"Mahal kita."






"Mahal din kita... Justin."


_

_____________________________

To be continued...

Promote: Still Her (Josh ff)

Nakakainggit 'yong iba na may mga kaibigan na fan din ng SB19 tapos writer din. Pahingi ako😭

Balcony | JoshTin AU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon