Kinaumagahan ay nagising ako ng marinig ang pag tunog ng cellphone ko. Pikit mata kong inabot ito bago sinagot ang tawag.
"Jerishee Zaeri,"
Bahagya akong humikab bago mag mulat ng mata. Is it my brother? Agad kong sinilip ang caller bago nanlaki ang mga mata ng mapagtantong si Kuya nga ang tumawag.
"K-Kuya.... napatawag ka?" I stuttered.
I heard how he tsked before breathing heavily. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong kinabahan. Does he know? Oh gosh, wait, Alex already told him, right? Pilit kong pinapagaan ang sarili at nag hintay sa susunod niyang sasabihin.
"Goodmorning to you too. Let me remind you that your class starts at 8am and that---"
Hindi ko na narinig pa ang kasunod niyang sinabi nang mapatingin ako sa orasan. 8:25 am. Bahagya pa akong napakurap upang alamin kung namalik mata lang ba ako o hindi.
"Jerishee, are you listening?"
Hindi ko na pinansin si Kuya at napapikit na lamang bago mahinang napamura. Nang mahimasmasan ay mabilis akong tumakbo papasok ng bathroom. Mabilis pa sa alas kwatro akong naligo.
"Uniform.... uniform," I panicked.
Suot ang manipis na tela na nakataklob sa katawan ko, tumakbo ako at nag simulang hanapin ang uniform ko. A note caught my attention. A note from Alex. That jerk! How dare him ditched me like this, huh?!
I set aside my anger and focus on the note written by him. He informed me that he already cooked breakfast and that my uniform is located inside the cabinet. Napairap ako sandali bago ipatong muli ang note sa lamesa bago mag lakad papunta sa cabinet.
Binuksan ko ito at agad namang bumungad sakin ang aking uniform. Mabilis ko itong isinuot at nag ayos lang sandali since nakita ko ang aking bag sa tabi ng kama. Marahil ay kinuha ni Alex sa room at inilagay sa tabi ko pero whatever, he still ditched me.
Pag labas ko ng kwarto bitbit ang aking bag ay napadaan pa ko sa kusina. Hindi ko na sana papansinin ang mabangong amoy pero natakam agad ako sa amoy ng pagkain.
"Galit ka self." I murmured to myself.
Pinipilit ko ang sarili na huwag kainin ang niluto ng lalaking iyon. Galit ako dahil iniwan niya kong mag isa dito..... pero gutom talaga ko. Napakibit balikat na lamang ako bago mag simulang kumain.
"Ang sarap pala mag luto ng lalaking yon."
Mabilis ang aking kilos ng hugasan ko ang platong pinag kainan. May hiya pa naman ako kahit galit ako sa taong yon, noh. After washing the plate, I immediately brushed my teeth and left the place.
--
"Gosh, isang oras akong late."
Napatingin ako sa cellphone ko at napansin ang mga text messages ni Kuya. He spammed me, tsk. I replied 'See you later.' before entering the room.
All eyes are on me at bilang isang masungit na magandang dilag, tinaasan ko lang sila ng kilay. I greeted my professor na nakangiti lamang saakin.... which is weird.
YOU ARE READING
Wife Of A Billionaire
Romance[Season 1 Billionaire Series #1] R18 "Asawa pa din kita, diba? It means, akin ka pa. Akin ka lang." ******* When he first met her, he knew that she's different. Shawn Alexzander McDaven, a powerful CEO and a competent lawyer, his heart beats for her...