"Tawag ka ni Adrian,"
Agad na napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan na iyon mula sa kaklase ko. Isa si Adrian sa manliligaw ko na di ko naman pinapatulan since hindi ko bet ang ugali.
Nginitian ko nalang ang kaklase ko bago pumunta sa may pinto kung saan nag aantay ang binata.
"Flowers for you," Ani nito.
Nakangiti nitong inabot sakin ang bulaklak dahilan para mapakamot ako sa batok bago dahan dahang inabot ang bulaklak.
"S... Salamat," I smiled softly bago mag tanong, "Ano palang ginagawa mo dito sa tapat ng room?"
Akmang ibubuka na niya ang labi upang sumagot ng may bumangga sakin ng malakas dahilan para mahulog ang hawak kong bulaklak.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakabangga sakin at akmang sisinghalan na sana ito ng makilala ko siya.
"What the hell man," Asar na saad ni Adrian.
Napairap agad ako sa tono ni Adrian habang napatigil naman sa paglalakad si Alexzander bago inosenteng tumingin sa gawi namin.
Pinasadahan niya ng tingin si Adrian bago mapatingin sakin sabay iling niya ng ilang ulit. Maya maya ay bumaba ang tingin nito sa bulaklak na nasa sahig na ngayon.
"Kaya pala ang baho," Mapang asar na panimula ni Alexzander bago ibalik ang tingin kay Adrian, "Bigay mo? Nakita ko yan sa garden ng school e."
Agad namang nanlaki ang mata ko sa narinig bago pasadahan muli ng tingin ang bulaklak.
'Oh Ghad! Galing nga sa garden!'
"Ano, uhm... Jerishee..." Nauutal na sabi ni Adrian habang nakatingin sakin.
Itinaas ko ang kanang kamay upang patigilin siya bago pilit na ngumiti, "No need to explain, it's fine. By the way, I told you to stop courting me and I hope that you'll respect my decision."
Marami na ang nanonood ngayon samin dahil na rin sa presence ni Alexzander na talagang nakaagaw sa atensyon ng mga babae.
Agad namang napahalakhak si Alexzander bago mapang asar na tinitigan si Adrian dahilan para samaan siya nito ng tingin.
"Gago ka ba?"
Pikon ang boses ni Adrian nang itanong iyon bago umangat sa ere ang kamao nito. Nagulat naman ako ng higitin ako ni Alexzander at ipinuwesto sa harapan niya upang takluban siya.
Abot tahip ang kaba ko dahilan para mapasigaw ako ng wala sa oras, "Stop it!"
Agad na natauhan si Adrian nang makita ako sa harapan niya kaya naman ibinaba niya ang kamao bago nag aalalang tiningnan ako.
Sinamaan ko siya ng tingin bago ko binalingan ang lalaking ginawa pa kong shield.
"Damn you, McDaven."
Nilagpasan ko silang dalwa bago malalaking hakbang na nag lakad palayo sa lugar na iyon. Bahagya ko pang pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko bago mapabuntong hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/229228197-288-k128731.jpg)
YOU ARE READING
Wife Of A Billionaire
Romance[Season 1 Billionaire Series #1] R18 "Asawa pa din kita, diba? It means, akin ka pa. Akin ka lang." ******* When he first met her, he knew that she's different. Shawn Alexzander McDaven, a powerful CEO and a competent lawyer, his heart beats for her...