It was exactly 6pm when we arrived, sinundo ako ni Wayne since gabi na raw at malayo pa ang lugar kaya naman delikado.
Napatingin ako sa gilid ko ng bumukas ang pinto ng sasakyan sa may passenger seat kung saan ako nakaupo, bumungad sakin ang nakangiting si Wayne dahilan para mapangiti ako pabalik.
"Hi, are you tired?" He sweetly asked.
I nodded my head bago inalis ang seatbelt, "Slight lang."
Inalalayan niya ko sa pagbaba hangang sa makapasok kami sa loob ng bar. Decent bar, and I guess for elites only.
"Let's go,"
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na akala mo ay takot na mawala ako habang hinahanap niya ang mga kasamahan. Naramdaman kong natigilan si Wayne bago mapalingon sa isang gawi na sinundan ko din naman.
Mula sa malayo ay tanaw namin ang mga kaibigan niya na ngayon ay kumakaway pa samin, hindi na ko nagtaka ng hilahin na naman ako ni Wayne papunta sa gawi nila.
"Oh ang love birds nandito na,"
Mapang asar na ani ni Asher habang nakangisi. Napatingin naman ako kay Nate na ngayon ay napapailing pa habang nakangiti. And lastly, si Alex na ngayon ay masama ang titig saamin bago bumaba ang tingin sa may bandang kamay ko na hawak na ni Wayne.
"Anong meron, bakit may hawak kamay na nagaganap?"
Malisyoso ang mga tingin ni Nate habang nakatingin sa kamay namin bago uminom sakanyang kopita.
Hindi sila pinansin ni Wayne at basta nalang ako hinila paupo sa isang vacant couch, tumabi siya sakin bago binitawan ang kamay ko.
"May gusto kang inumin?"
Napaisip ako saglit sa naging tanong ni Wayne at akmang sasagot na nung may naunang magsalita sa may gilid ko.
"Drink some juice,"
Bago pa ko makapag reklamo ay nailagay na niya sa kamay ko ang basong may lamang juice. Sinamaan ko si Alex ng tingin bago pasimpleng umirap.
"Dito ka lang," Paalam ni Wayne bago tumayo at mag lakad paalis.
Naiwan naman akong mag isa sa vacant couch habang painosenteng pinagmamasdan ang paligid. Ramdam kong may nakatitig sakin dahilan para mapalingon ako dito. Sinalubong ko ang masamang titig ni Alex bago mapalingon sa gawi nila Asher na nagtatawanan ngayon.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. Kunot noo naman akong tiningnan ng tatlo habang may pagtataka sa mga mukha nila.
"Si kuya? Hindi ba siya dadating?"
I saw how they all stifle a smile bago muling mag tawanan as if they never heard what I asked. Due to frustration, I absentmindedly drink the juice Alex gave to me. Nakita ko naman kung paano ito natawa bago uminom sa hawak na kopita.
Just as I am suppose to scold him, an arm encircled on my shoulders. I was waiting for Alex to punch the person who encircled his arms on me but he just smiled so I acted for myself.
YOU ARE READING
Wife Of A Billionaire
Storie d'amore[Season 1 Billionaire Series #1] R18 "Asawa pa din kita, diba? It means, akin ka pa. Akin ka lang." ******* When he first met her, he knew that she's different. Shawn Alexzander McDaven, a powerful CEO and a competent lawyer, his heart beats for her...