1

64 3 2
                                    

"Papasok ka ba ngayon?"







My bestfriend, Althea Artemio, asked. I simply rolled my eyes bago lumapit sa walk-in closet ko. Napili kong ipares ang isang black coat sa suot kong tube ngayon bago ko lingunin ang kaibigan ko.





"Can you please state the obvious?" Masungit kong tugon bago siya talikuran.





"Nakakagulat lang kasi wala namang klase tapos papasok ka ngayon,"






Natigilan naman ako sa sinabi niya bago ko mabitawan ang hanger kung saan nakasabit ang napili kong black coat. Simangot akong lumapit kay Althea bago mahiga sa kama di kalayuan sa pwesto niya ngayon.






"Oh? Bakit nakahiga ka na ulit? Ang agap ko pumunta sa bahay niyo tapos tutulugan mo lang ako?"






Mariin kong ipinikit ang aking mata habang inaalala ang dahilan kung bakit ang agap kong nagising ngayon. Binuhusan lang naman ako ni Althea ng malamig na tubig pagkarating niya sa bahay.






"Wala namang klase ah," Giit ko pa bago yakapin ang paborito kong unan.





"Gaga ka,"





Natatawang ani niya bago ako hampasin ng unan.






"May event sa concert hall ngayon, duh. For your information Miss 'tinatamad ako pumasok always', may banda sila Kuya at tutugtog sila mamaya,"






Patuloy pa niya dahilan para mapaupo ako ng wala sa oras bago siya lingunin nang nakakunot noo.





"Sila naman ang tutugtog ah? Bakit parang ako kung palabasin mo?"






She rolled her eyes bago ako batuhin ng unan nang may maalala ako bigla dahilan para mapaayos ako ng upo.






"May nakuha na silang kapalit nung dalwang umalis ng bansa?" I asked.






"Aba babae, ano pa't tinawag silang JAWAN Sanctuary kung wala sina Nathaniel at Alexzander,"






Agad namang nanlaki ang mata ko at akmang sasagutin na sana si Althea ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito ang nakatatanda kong kapatid.





"Jerishee, sasabay ka ba ngayon? Maagap dapat tayo ngayon e,"




Bungad sakin ng kapatid ko bago mapalingon kay Althea, "Oh, 'andito ka pala Althea? Hinahanap ka kanina sakin ni Asher di ka daw nagpaalam ah,"




"Luh, nag sabi ako kay Kuya Asher noh." Depensa naman ni Althea.






Napailing na lamang ako bago tumayo at damputin ang nahulog kong black coat kanina. Pinagpagan ko ito bago isuot habang si Kuya at Althea naman ay nag aaway pa.






"I'll go ahead. Ingat kayo sa daan,"





Kinawayan ko lang si Kuya Jusher hanggang sa makalabas na ito ng kwarto ko.






Bahagya ko pang narinig ang tunog ng makina bago ito tuluyang nawala.





"So as I was saying, nakauwi na nang Pinas yung dalawa." Pagbabalik kwento ni Althea.






Humarap ako sa salamin bago mag lagay ng kaunting make up, "Ahuh."






Hindi na siya sumagot pa hanggang sa makarating kami sa school. Hinila niya ko papwesto sa malapit sa gate.





Wife Of A BillionaireWhere stories live. Discover now