3

39 2 2
                                        

"Seriously? What the hell did you do?"





Automatikong umarko ang isang kilay ko dahil sa kasungitan nitong kaharap ko.





Saglit kong pinasadahan ng tingin ang  lalaking prenteng nakasandal sakanyang sasakyan habang nakasimangot ngayon.






He's wearing his uniform na bumagay talaga sakanya. Ang buhok niya naman ay gulo gulo na akala mo'y hindi sinuklay. Typical Alexzander McDaven.





"Bakit ka ba kasi pumayag kay Kuya na sunduin ako ngayong araw? Tsk,"




I saw how his lips protruded to what I've said as he rolled his eyes on me.





Maagap kasing umalis si Kuya gawa ng may importante daw siyang meeting habang si Althea naman ay nasa ibang bansa ngayon kasama si Tito. Nagkataon naman na nakiusap si Kuya kay McDaven na ihatid ako sa school. Yung family driver pa man din namin ay naka day off ngayon.




"Jusher is my friend, nakakahiyang tumanggi." Tipid pa itong ngumiti bago ako talikuran.







Matutuwa na sana ako ng buksan niya ang pinto sa passenger seat kaso agad din niya itong sinarado at nag lakad papuntang driver's seat bitbit ang maliit na box dahilan para mawala ang ngiting nakapaskil saking labi.




Sinamaan ko na lamang ito ng tingin bago inis na sumakay sa passenger seat. Wala talagang modo tong panget na toh'!




Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa tumigil kami sa harap ng school. Ipinark niya saglit sa parking lot ang sasakyan bago siya bumaba na ginawa ko din naman.





Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang mood niya. May pagka sungit na medyo malandi, e.





Sabay kaming nag lakad papasok ng campus dahilan para pag tinginan at bulungan kami ng mga nakakasalubong naming estudyante.





"Jerishee Zaeri,"




Sabay kaming napalingon ni Alex sa tumawag sa pangalan ko. Agad akong napangiti nang makita ang papalapit na si Wayne.



"Uy Wayne," I greeted.





Yumakap ito saglit sakin na nakasanayan ko na rin. Ganon kasi siya lagi simula ng maging close kami.




Bumitaw sa yakap si Wayne nang makarinig ng pag tikhim sa tabi ko.




"Bro," Wayne greeted.




Tinanguhan lamang siya ni Alex bago nag simulang mag lakad. Nilingon naman ako ni Wayne na nakakunot noo.



"Kanina pa yan masungit." Sagot ko sa katanungan niya sa isip.






Napapailing na lamang siya habang nakangiti. Inabot niya ang bag ko bago kami sumunod kay Alex na ngayon ay papuntang kung saan.





Tumigil si Alex sa harap ng cafeteria at walang lingon lingon na lumakad papasok sa loob. Napatingin naman ako sa wrist watch ko upang silipin ang oras at mabuti nalang ay maagap pa ako at may 1 hour pa bago mag klase.




Naupo kaming tatlo sa pang apatan na upuan, katabi ko si Wayne habang kaharap ko naman si Alex.






Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya ng bigla itong mag angat ng tingin dahilan para mag tama ang aming mga paningin.





Wife Of A BillionaireWhere stories live. Discover now