SWM 4

4 0 0
                                    

CHAPTER 4

SINB'S POV

Hindi ko aakalain na ang isang Jeonghan pa ang makakasama ko ngayon. I mean, hello, hindi kami kailanman nagkausap neto ever since nung makilala ko ang kailbigan nila Seungcheol oppa.

Anyways, back to reality...

"Nako, patay ako kay Scoups kung gugustuhin mong bumalik ng Pinas. Ganito nalang, sasamahan kita kung saan mo gusto pumunta ngayon, but we need to rent a car first. Don't worry, I have my Korean license so safe ka sa piling ko." Ani ni Jeonghan oppa. Grabe, di ko mabasa talaga ang persosnality netong isang to. Dinaig pa ko sa pagiging misteryoso e. Ano pa nga ba magagawa ko? Ganoon nalang talaga.

"Okay. Wait, can I borrow your phone Jeong oppa? I can contact someone to get my own car from the rest house. And can you also contact my brother which is by the way your best friend? Alam mo na baka maghanap pa. Atleast they know na kasama kita." Sabi ko kay Jeonghan oppa. Sa totoo lang naiilang pa din ako sa presence niya lalo na sa pagtawag ng oppa sa kanya pero ano magagawa ko? Eh mas matanda to sakin.

"Okay, but please just call me Hannie Oppa or Jeonghan Oppa not Jeong. So, pwede bang ako nalang ang pumili kung saan tayo pupunta? Mukhang di ka pa kasi nakakaisip sa lahat ng nangyari sayo ngayong araw?" Saad ni Jeonghan Oppa at tumango nalang ako bilang pagtugon.

Maya-maya pa ay andyan na ang sasakyan na ipinadala ko sa caretaker ng rest house namin. Alam na din nila Seungcheol Oppa na si Jeonghan oppa ang kasama ko kaya hindi na sila masyadong nag-alala pa. Halos palalim na ang gabi. Mag aalas onse (11pm) na ng gabi pero eto mas gugustuhin ko muna na pumunta sa kung saan kami mapadpad kesa sa rest house.

Fastforward.....

Biglang tumigil ang sasakyan ng ipinarada ni Jeonghan oppa ito sa may gilid ng daan. Nandito na ata kami, at pagdungaw ko sa labas, halos mapanganga ako sa ganda ng moon. Ang ganda at nasa may dalampasigan kami. Kitang-kita ang mga bituin at tila mistula silang sumasayaw sa reflection nito sa dagat. May convenient store din kaya dito nalang kami kakain. Ang ganda....

JEONGHAN'S POV

Palihim akong napangiti ng makita ko ang pagmangha ni Sinb sa lugar na pinagdalahan ko sa kanya. Dito ako palaging tumatambay kapag may oras ako tuwing bumibisita kami sa Jeju. Nakakarelax ang tanawin at nakakawala ng iniisip.

"Ano, titignan mo nalang ba yan? Akala ko gutom ka na? Tara na sa loob." Sabi ko kay Sinb at tila nagliwanag ang kaniyang mga mata at dali-daling pumasok sa loob.

Nakakatuwa dahil ang dami niyang kinukuhang pagkain at hindi ko lubos maisip na asa kaniya lang 'to lahat.

"Oppa, ikaw anong gusto mo? Tara na bilis. Kain na din tayo sa labas.." Tila batang sabi ni Sinb at dali daling nilapag lahat ng dala niyang pagkain sa may lamesa sa labas.

Lumabas na din ako at nagsimula na kaming kumain. Sinusulyapan ko siya paunti-unti dahil ang kalat niya kumain ng ramyeon. Nakakatuwa na hindi na niya iniisip ang pagkailang sakin dahil sa gutom. Nahuli ako ni Sinb na nakatingin sa kanya pero sa halip na umiwas ay nginitian pa niya ako at inalok ng pagkain.

"aaahhhmmm. Oppa, bakit hindi ka kumakain? Kain ka na din. May ganitong lugar pala dito sa Jeju? Hindi pa kasi ako halos nakakalibot dito. Ang ganda dito.

Hindi ko agad siya nasagot dahil napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya, "A-ano kasi... eto yung lugar na palagi kong pinupuntahan kapag occupied ang isip ko or kapag hindi ako okay. Sa totoo lang, hindi alam nila Scoups tong lugar na 'to. Ikaw palang sinama ko dito. Pasensya na kung yan lang pagkain natin ah. Sarado na kasi yung ibang kainan. Anong oras na din kasi."

Nakita kong bumilog ang mata ni Sinb ng sabihin ko na late na at nagkatitignan kami sabay naming na-realize na mag-1 na pala ng madaling araw. Dali-dali kaming nagbayad at pumunta sa may kotse niya.

"Jeonghan Oppa.... A-ahmmm. A-ano... Pwede bang picture-an mo ako dito? Pahiram muna ako ng phone mo kung pupwede?" Tanong ni Sinb.

Hindi na nagdalawang isip at ibinigay ko na sa kanya ang aking phone. Nagsefie siya, pinicturan ko siya na nakatalikod at kita ang scenery ng buwan at dagat... Maya maya pa ay.....

"Oppa... Selca tayo kung ok lang sayo? Remembrance ko lang at syempre salamat din sinamahan mo ako at dinala dito." Walang anu-ano ay kinuha ko sa kaniya ang phone ko at nagpicture kaming dalawa. Hindi pa ko sanay na kasama siya kaya nasa may likod ko siya nung nagselca kami. After noon ay umuwi na din kami agad..

S.COUPS POV

Tumawag sa akin si Jeonghan para ipaalam na ayaw pang umuwi ni Sinb kaya sinabihan ko nalang siya na samahan niya muna at wag na wag niyang paiiyakin. Hay nako, si Hoshi kasi.. Ang laki ng impact ng ginawa niya noon kay Sinb kaya yan nagkaganyan..

"Sige na. Pumapayag na ako basta wag na wag mong iiwan 'yan. Lagot ka sakin. May pera ka ba? Panigurado gutom na yung kasama mo. Babayaran nalang kita pag-uwi niyo." Sagot ko kay Jeonghan sa kabilang linya.

Hay nako. Hindi ko aakalain na ganito ang magiging tagpo ng mga pangyayari. Akala ko ay okay na si Sinb pero hay nako.

Nandito na kami sa rest house, actually parang mansion siya kung tutuusin pero palagi lang kaming nandito tuwing summer para magbakasyon. Unwind and some extreme sports ang gusto naming madalas gawin kapag nandito kami.

Ako nga pala si Seungcheol, 2nd sa magkakapatid at ako ang medyo seryoso ang pag-uugali. Siguro ayoko lang na maipakita ko ang aking funny side because of our parents, specially my dad. He wants me to lead our business when I graduated college. Alam ni Jisung hyung yan at siya lang talaga ang kinakausap ko about it kaya I feel sorry for my younger siblings because nakikita nila ang cold side ko. I need to stay focus for that.

Alam ko ang buong pangyayari about Sinb and Hoshi at sa totoo lang muntik ko na masira ang pagkakaibigan naming because of what he did before kay Sinb pero hindi ko din maikakaila na hanggang kapatid lang din ang tingin niya dito.

"Hyung, pasensya na ha. Hindi ko alam na si Sinb ang bubungad sakin kanina pagkasalubong ko sainyo. Hindi pa ata siya okay na makita ako." Ani ni Hoshi. Ang engot talaga nito. Malamang hindi pa tapos 2 years kang mawawala at biglang magpapakita.

"Engot mo kasi Hoshi hyung! Pinapansin na nga niya kami kahit papaano e. Ayan tuloy!" Sabat ni Mingyu. At pati sila Seungkwan at DK ay nakisabat na din.

"Napaka mo talaga Hyung! Aish. Di ko pa nakakausap si Sinb e." Seungkwan.

"Guys, hindi ko alam na siya yung bubungad sakin. Akala ko kasi ibang tao yung nasa unahan niyp. S.coups hyung pasensya na, Jisung hyung, Dino at Minhyun, sana mapatawad niyo pa din ako sa nagawa ko noon. Handa akong magsorry sa kaniya. Kahit papaano ay best friend ko yung kapatid niyo at tinuring kong kapatid. Sa inyo naman na mga nadawit sa gulong nagawa ko. Patawarin niyo din sana ako. Alam ko na mali yung pagtrato ko sa kaniya noon at ngayon kinakain na ko ng guilt. Sorry na." Tugon ni Hoshi sa mga kasama niya ngayon.

"Apology accepted. Pero dahil dyan imbis na si Mingyu ang manlilibre ay ikaw ang manglilibre sa aming lahat. At Hoshi, hanggat maaari ay wag mo muna lalapitan si Eunbi. Ayaw naming na maging winter bigla dito sa Jeju dahil sa pakikitungo niya sainyo. At sainyo naman, hayaan niyo muna si kambal alam ko na nahihiya din yun sainyo dahil nadamay kayo sa nangyari noon. It takes time for her na makisalamuha sainyo. Sa mga nakakausap niya, ipafeel niyo na andyan kayo for her."Si Minhyun yan, kakambal ni Eunbi at higit sa lahat siya ang best friend na tinuturing ni Eunbi.

Kamusta na kaya sila Sinb at Jeonghan? Late na din. Sana makauwi na din sila agad...

Nagsimula ng kumain ang lahat at syempre hindi mawawala ang kwentuhan. Sila Joshua, The8 at DK na ang aayos ng mga pinagkainan namin dahil nagtake-out nalang kami. Ang iba naman ay nasa may sala na para makapagpahinga at nagsisimula na din na umakyat sa kani-kanilang mga kwarto.

Kaming mgakakapatid ay may sari-sariling kwartodito at ang karamihan ay by pair sa kwarto or trio sila. Hindi ko na silapinakelaman dahil alam naman na nila ang room assignments nila. Dating gawilang.


-----------------------

Baguhan lang po sa paggawa ng story. Don't hate. Kamsahamnida!

STAY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon