SWM 5

4 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Nasa byahe na sila Jeonghan at Sinb, tahimik lang sila habang papauwi sa rest house nila Seungcheol. Si Sinb ay nakatingin lang sa labas at mukhang napakalalim ng iniisip. Hindi maiwasan ni Jeonghan na silipin si Sinb dahil ayaw niya na nakikita ang malungkot na mukha nito. Hindi kalaunan ay natanaw na nila ang gate ng rest house nila Sinb at pinasok na agad ni Jeonghan ang sasakyan sa loob ng garahe.

Lalabas na sana si Jeonghan ng sasakyan ng makita niya si Sinb na hindi pa din gumagalaw sa kaniyang upuan at tila walang balak na lumabas.

"Ready ka na ba? Halika na. Hinahanap ka na ng kuya mo sa loob. Kanina pa text ng text." Sabi ni Jeonghan kay Sinb.

"Jeonghan Oppa. Salamat sa pagsama sakin ngayon ha. Actually, hindi ko aakalain na ikaw yung magkakalakas ng loob na sundan ako kanina. I mean, you know na hindi tayo close and never tayo nagkausap. Salamat sa araw na 'to. I owe you a treat maybe?"

Nginitian lang ni Jeonghan si Sinb at saka niya binuksan ang pintuan para makalabas na din si Sinb. Naglakad pa sila saglit para ihanda ni Sinb ang sarili niya bago sila pumasok sa loob nang biglang hawakan ng mahigpit ni Sin bang kamay ni Jeonghan at tila hindi makahinga ng maayos.

"Hey, are you okay? Inaasthma ka ba? Aish. Halika na muna sa loob at baka hindi mo kayanin." Sambit ni Jeonghan.

"No, oppa. Please, s-sa back d-door tayo dumaan. Pleaasee. M-mmas malapit a-ang kusina kung saan nandoon yung f-ffirst aid kit nandoon yung i-inhaler ko." Sinb.

Walang anu-ano'y pinasan na ni Jeonghan si Sinb saa likod at maingat na tumakbo hanggang sa makarating sila sa may back door. Buti nalang at wala ng tao sa baba, lahat sila ay nasa taas na kung saan nandoon ang mga kwarto nila. Dali-daling kinuha ni Sin bang inhaler samantalang si Jeonghan naman ay kumuha ng tubig para inumin ni Sinb pero sa halip na mainom pa ni Sinb ito ay nakita na niya itong nakatulog at nakasandal ang ulo sa lamesa.

"Bro, S.coups, andito na kami sa baba. Si Sinb, tulog na. A-ahh. Sure ka ba? Baka bugbugin ako netong kapatid mo ha. Alam mo naman na hindi na to nagpapapasok ng iba sa kwarto niya. Okay, sige na. Good night." Tinawagan ko si S.coups, magpapatulong sana na iakyat si Sinb sa kwarto nito pero sa halip ay hindi ito tinulungan ni Scoups dahil na din sa pagod..

Dahan-dahang umakyat si Jeonghan na buhat buhat si Sinb. Malapit lang ang kwarto ni Sinb sa kwarto nila ni Joshua at iyon ay ang dulo ng hallway malapit sa may balcony. Palaging tumatambay si Jeonghan sa balcony ng 2nd floor. Narating na niya ang kwarto ng dalaga at dahan dahang pumasok sa loob at binuksan ang ilaw para ilagay na din si Sinb sa may kama nito. Hindi niya aakalain na ganito ang kwarto ng dalaga. Hindi girly ang kwarto nito sa halip ay may isang wall ay buong salamin na parang makikita sa mga dance studio at shades ng blue ang kwarto nito.

Napatingin si Jeonghan sa nag-iisa picture ni Sinb sa may side table – litrato ito ng dalaga na nakangiti habang sumasayaw. Bago pa tuluyang maalimpungatan ito ay binuksan na nito ang night lamp at sinarado ang pintuan. Tsaka siya pumasok sa loob ng kwarto nila ni Joshua. Mahaba ang naging araw niya pero masaya siya na unti-unti niyang nakakausap si Sinb.

Hindi alam ni Jeonghan na may nagmamasid sa kanila sa 2nd floor ng rest house nung time na binuhat niya si Sinb ng pa-bridal style para ihiga ang natutulog na dalaga sa kanyang kwarto.

"Hay nako, hyung. Kung alam mo lang... interesado siya na makilala ka..." Si Mingyu ang nakakita sa kanila dahil bababa sana ito upang kumuha ng inumin pero hindi na niya nagawa pa at nagtago nalang sa isang tabi.

MINGYU'S POV

Kung titignan ko ng maigi si Jeonghan hyung ay mababakas talaga sa kanya ang pag-aalala kay Eunbi at yung mga mata ni hyung na nagbabago kapag nakikita niya ito. Mahal niya talaga ang bestfriend ko. Simula pa noong nakakasama namin si Eunbi ay ito lang ulit ang nakapukaw ng atensyon niya. Galit nga yan si Jeonghan hyung sa ginawa ni Hoshi hyung. Muntik na niya talagang masapak pero sa halip, mas pinili niya na manahimik at wag makialam.

"Gyu, bakit gising ka pa? Akala ko tulog na kayong lahat?" Si Jeonghan hyung na lumabas sa kwarto nila at alam ko na kung saan pupunta yan... Sa balcony..

"A-ah. Ano, kukuha sana ako ng tubig sa baba, hyung. Nakauwi na pala kayo? Saan kayo dumaan? Kamusta si Eunbi?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko na napangiti siya na parang inaalala ang nangyari kanina pero napalitan din yun ng pag-aalala.

"Ayos naman. Hindi ko aakalain na ganito kabilis ang pangyayari. Gyu, alam mo ang sarap pala niya kasama? Hindi ko aakalain na hindi niya sakin pinafeel na hindi kami close. Pero ayun, pag-uwi naming dito inatake siya ng asthma niya. Hindi kami dumaan sa main door, sa back door niya gusto dahil ayaw niyang mag-alala ang mga kapatid nya lalo na si Scoups. Alam mo naman." Sagot ni Jeonghan Hyung.

Kaya pala sa may kusina ko sila nakita. Hay nako, napagod na naman siguro yun lalo na hindi niya inexpect ang nangyari kanina.

"Hyung, pwede mo ba ko samahan? Inaantok ka na ba? Gusto ko sanang bumili ng maluluto bukas. May alam akong mart na bukas 24 hours. Gusto ko din lutuan si bestfriend. Alam mo na hindi ko siya natreat. Haha."

Inakbayan ako ni Jeonghan hyung ng patalon at saka ginulo buhok ko. "Yah! Hyung naman e."

"Hahaha.. Sakin ka pala may atraso, ang dami ng kinain ni Sinb kanina. Halatang ayaw niya mapag-usapan si Hoshi. Tara na, habang hindi pa ko inaantok. Ano? Saan ba yan?" sagot ni Jeonghan hyung.

"Basta! Tara na." At agad kaming umalis at nagdrive papunta doon. Hindi naman ito kalayuan kaya pagkadating naming sa mart ay nagulat si Jeonghan hyung.

"Mingyu-ya. Bakit mo alam tong lugar na to? Dito kami galing ni Sinb kanina. Dito ko siya dinala." Si Jeonghan hyung na gulat na gulat pa din hanggang ngayon.

"Aaisssh!! Hyung naman, may amnesia ka na ba? Baliw ka, ako kasama mo dito nung mga panahon na heartbroken ka kay Eunbi. Hahahaha! Di nga alam nila Scoups hyung pero ako kasama mo nun. Ano ba naman yan. Tsk!"

"Sh*t. Oo nga. Kaya pala naalala ko na may sinama na ako dito. Ikaw pala yun. Buset! Aish. Tara na, libre mo ko ng beer pampatulog lang." Jeonghan hyung.

Loko-loko talaga to. Kasama lang si Eunbi kaninatas kinalimutan na agad ako? Huhuhu. Waeyo Jeonghannie hyung?

-------------------------------


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STAY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon