Eunbi's POV
Nandito na kami sa airport ngayon dahil papunta kami sa Jeju. Doon kami nagbabakasyon every summer o pagtapos ng school year. Hay. Yes! Makakapagpahinga na ng maayos.
Naglalakad lakad kami nila Jisung oppa nang makita naming ang kanilang mga kaibigan. Yup, kaibigan nila. Kaibigan niya, kaibigan ko din naman sila pero maraming nagbago simula noon.
"Eunbi! Namiss kita dongsaeng." Sabi ni Seongwoo oppa. Nakakamiss din naman sila pero simula non hindi na katulad nung dati 'yung pakikitungo ko sa kanila.
Tinignan ko lang si Seongwoo oppa at naglakad palayo. Sorry naman kung masyado akong harsh sa kanila. Di ko alam kung nakamove-on na ba talaga ako sa pangyayaring 'yon o hindi pa. Hay! Kamusta ka na kaya?
"A-ah,,, Seongwoo hyung hayaan mo muna si kambal. Ahahaha! Baka kasi nagugutom na naman. Alam mo naman 'yon diba kapag gutom?" Sambit ni Minhyun kay Seongwoo oppa. Yep, gutom naman talaga ako pero at the same time naiilang pa din ako sa kanila. Except nalang siguro doon sa mga sobrang ka-close ko sa kanila.
Sa dami nga nilang magbabarkada, sobrang minimal lang din ng ka-close ko. Oo, lahat sila kaibigan ko. Oo, lahat sila kinakausap ko pero nag-iba na lahat simula nung iwan mo ko bigla..
"H-hahaha.. O-oo naman kala ko kasi iniiwasan pa din niya kami, kasi alam mo naman.. Si Eunbi talaga ang payat payat pero sobrang takaw. Saan ba non nilalagay 'yung kinakain niya?" sabi ni Jaehwan sabay kamot sa ulo niya. Natawa naman ng kaunti ang magkakapatid. Syempre namimiss na din nila ang kanilang Prinsesa na makihalubilo sa kanilang magkakaibigan.
"Just let her be. Hayaan muna natin siya sa ngayon dahil alam naman natin pare-pareho na kahit naging ganyan 'yan kalamig ay may puwang pa din tayo sa puso niya. Pagpasensyahan niyo na medyo pabebe." Biro naman ni Seongcheol oppa. Baliw talaga kahit kailan. Akala naman nila nakakaalis na ko e nasa likod pa din nila ako. Duh!
"Ehem. Kung pag-uusapan niyo ko sana 'yung wala ako sa paligid niyo. Nandito pa ko sa likod niyo at di pa nakakalayo kaya rinig na rinig ko usapan niyo. Patunayan niyo muna sakin na karapat-dapat ko na kayong kausapin at pagkatiwalaang muli. Lahat kayo. Kung gusto niyo na bumalik 'yung dati kong pakikisama sainyo." Tugon ko sa kanila tsaka naglakad na ng tuluyan palayo sa kanila.
Woooooh. Salamat naman naka... Ay! Ano ba yan! Sino ba 'tong bumangga sakin. Nakaka-....
"Hala! Sorry hindi ko sinasadya miss. Nagmamadali kasi a—Eunbi?!!" sambit nung lalaki. Huh? Hala. Kilala niya ko baka mamaya stalker ko 'to. Bigla naman akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at tinignan ang lalaki.
"Wait... OMG! Mingyu? Hala. Minmin, waaaaah namiss kita!" OMG! Nakita kong muli ang isa sa mga malalapit kong kaibigan sa barkada nila oppa.
Magkababata nga pala kami ni Mingyu and kabarkada naman siya nila kuya. Bestfriend ko siya pero iniwasan ko siya noon. Pero.. Waaaaah! Langya naman. Namiss ko 'tong lalaking to.
"What the?! Minmin pa din tawag mo sakin? Pero namiss din kita panget! Jusko! Makatawag talaga ng panget. Di ba niya makitang mas lalo akong gumanda? Masasapok ko 'to e.
"Yah! Anong panget?! Subukan mo lang akong tawaging panget. Di na kita talaga papansinin. Lika nga, samahan mo nalang akong kumain. Bat ka ba nandito?"
"Duh? Malamang pupunta akong Jeju. Alam mo naman diba kapag summer don tayo nagbabakasyon. Tara na nga, may sawa ka talaga sa tyan mo." kahit kailan talaga, dami pa satsat e. Sasamahan din naman ako.
MINGYU's POV
Grabe! Ang ganda na ni bff lalo. Wala talagang kupas to kahit kailan. Namiss ko 'tong babaitang 'to. Iwasan ba naman kami ng mahigit 2 taon e. Nadamay buong barkada dahil sa nangyari 2 years ago...
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME
Teen FictionMahirap kapag nag-iisa kang babae sa magkakapatid na puno ng overprotective kuyas and a bunso. But I am thankful for them kasi hindi nila ako hinahayaan na malayo ang loob ko sa kanila. Masaya ako sa aking mga kapatid. Magiging masaya din ba ako ka...