SWM 1
Eunbi's POV
"Hwang Eunbi! Kambal, gising na! Mag-eenroll pa tayo ngayon papagalitan na tayo nila Jisung hyung! Bilis na kambal!" Sigaw ni Minhyun oppa sa labas ng kwarto ko. Ano ba yan inaantok pa ko. Naknang tinapa naman ang aga aga. Huhuhu.
"Oo na. Sige na tsupi ka na dyan. Antayin niyo ko sa baba!" Sagot ko sa kanya.
Hay! Nakakatamad. Kakagraduate lang namin last week tapos mag-eenroll na kami agad. Hindi halatang atat na atat sila mom and dad na magkolehiyo kami. Agad na kong bumangon at dumiretso sa banyo ko at ginawa ang aking ritwal. Lalalalala~
After one hour tapos na din akong mag-ayos at tinignan ko ang sarili sa salamin. Ayos na 'to. Selfie muna ako. Hahahaha!
"Eunbi! Bumaba ka na dyan, malelate na tayo sa university!" Seungcheol oppa said. Ay nako, kahit kailan talaga napakamainipin nung isang 'yon. Makababa na nga.
Nagpunta na ko sa dining table kasi andun na silang lahat at ako nalang talaga yung hinihintay nila. Sasama din pala si bunso?
Ay wait. Let me introduce myself muna. Hello! I'm Hwang Eunbi/Eunbi Hwang, 17 years of age and a pure Korean. Meron akong twin brother, yes tama kayo ng nababasa, I have a twin brother. Si Minhyun oppa, mas nauna siya saking lumabas sa mundong ito kaya mas matanda siya ng 10mins lang naman. Hahahaha! Pero tawagin ko pa din daw siyang oppa. Palagi kaming magkasangga niyan sa kakulitan pero magkaibang magkaiba kami.
Ako makalat, siya tagalinis. Hahahaha! Teka nga kakain na nga ako gutom na ko.
Author: daldal kasi ng daldal maiwan ka nila, lagot ka sa parents mo strikto pa naman.
Che! Manahimik ka author, POV ko to. Ako dapat dadaldal. Tsaka pake ko sa kanila. Duh!
Nang makarating na ko sa dining table agad akong tumabi sa kakambal ko para kumain.
"Missy, you're late again. Diba we already told you na agahan mo ang gising dahil mag-eenroll na kayo ngayon ni Minhyun? Bilisan mong kumain at baka humaba pa ang pila sa pag-eenroll." Sabi ni Seungcheol oppa. Hay! Nagmana talaga yon kay dad kahit kailan tapos ang sungit palagi. Lagi nalang nakasimang. Makakain na nga lang.
BINABASA MO ANG
STAY WITH ME
Teen FictionMahirap kapag nag-iisa kang babae sa magkakapatid na puno ng overprotective kuyas and a bunso. But I am thankful for them kasi hindi nila ako hinahayaan na malayo ang loob ko sa kanila. Masaya ako sa aking mga kapatid. Magiging masaya din ba ako ka...