(ATHEENA's POV)
Ahm yes bestfriend muna sasabihin ko saka na yung boyfriend tsaka ayoko munang magpursigi na magustuhan niya baka mabaliw sakin si Jimin feelingera?!
“may gusto ka ba sakin?” tanong ko sakanya.
Agad siyang nasamid habang nginunguya yung nilibre ko sakanya.
“a-ano?” utal niyang tanong sakin.
“sabi ko may gusto ka ba sakin? Kasi kung oo mag a-apply ka muna kila mama” lakas loob kong sabi.
Ganito akong babae masyadong straight forward mag salita kaya ayaw ako minsan isama nila Jin parang kinahihiya ata yung pinaka magandang kaibigan nila hayss.
“paano ba ako mag a-apply kila tita” bulong niya sabi. “charot” habol niya.
“wag mo kong macharot-charot jan umayos ka! Tsaka tutal bagay naman tayo eh tapos tita na rin tawag mo kay mama” sabi ko saknya.
“btw may tanong pala ako sayo” sabi ko saknya.
“ano yon?” habang nanguya.
“may gusto ka ba? Sino? Bakit? Antagal naman neto” sunod sunod kong tanong saknya at uminom lang siya ng ice tea.
“andaming tanong ha” sabi niya sakin pagkatapos netong uminom.
“sagutin mo na mga tanong ko bilis” pagmamadali ko saknya.
“ahm ayoko pa." diin netong sinabi na parang nakulitan sakin.
Napatigil na ako kakatanong tsaka baka magalit pa sakin to tsaka baka di niya pa ako magustuhan. Ansakit lang ng ‘ayoko pa’ pero sabagay kakagaling lang neto sa break up hay nako ang boba kasi sana ako na lang pinili edi sana masaya tayong nagawa ng bata. Charot!
“I mean di pa ako ready rin tapos alam ko namang walang nagkakagusto pa saki-” pag explain niy sakin na pinutol ko agad.
“alam mo g*go ka! Napaka manhid mo, di mo ba ako nakikita?” sabi ko saknya.
“kumain na lang tayo para manahimik ka na” sabi neto habang bumalik sa kinakain niya.
“tayo na lang magkainan” ngisi kong sabi saknya.
Nasamid lang siya at di na siya nagsalita at ako naman napangiti na lang dahil nabigla ata siya sa sinabi ko pero wala napaka straight forward kong babae.
[oh kamusta l*ndi natin jan Atheena] sabi ni Jin sa telepono.
“wala atang magpal*ndi bebe ko eh” sabi ko saknya.
[b*bo wag ka na kasing umasa Atheena haynako tsaka may manliligaw ka naman ah? Si kenji] sabi neto saknya habang naecho at mukang nat*e ata.
“Jin ang kulet mo eh no? Irereto mo ko sa di ko pa gusto pwede mo naman akong ireto kay Jimin eh” tanggi kong sabi.
[ul*l bahala kang umasa jan, osya bye na sana makatulog ka sa pinagsasabi ko saknya]ani neto.
“hindi naman ako nagsisi eh bahala siya jan tsaka pag naging kami ni Jimin wag ka mag alala magiging ninong ka” sabi ko saknya habang natawa.
[sige Atheena managinip ka pang gising g*ga ka! Bye na goodnight see you tomorrow!] Sabi neto at binaba ang telepono.
Bakita ba ako magsisi eh gusto ko rin naman yun sabihin saknya tsaka atleast naging totoo ako saknya.
Nakatulog na pala ako pagkatapos namin mag usap ni Jin, nagising na lang ako maliwanag na at nakatutok na sakin ang araw kala mo galit na galit sa sobrang tirik eh.
“p*ta!” sabi ko ng makita ang orasan.
Sh*t 8:00 AM na tapos pasok ko 9 hindi pa ako nakakaligo at nag ayos. Nag madali ako maligo pero maayos naman at mabango ako after non nag pulbo at liptint lang ng onti para may kulay naman yung labi ko at hindi sobrang putla.
Naglakad lang ako tutal mga 10mins lang naman yung school tsaka sayang pamasahe para exercise na rin. Habang naglalakad ako biglang nag vibrate ang cellphone ko at agad agad kong tinignan.
[jimin: Goodmorning] bungad sa text.
Nagulat ako pero mas nangingibabaw yung ngiti ko infairness chinat ako ng crush ko pero wala nga lang feelings, napaka manhid kasi!
[Atheena: hey! Morning!] reply ko saknya.
Nagreply na ako tutal di naman ako famous tsaka si Jimin na yon no! Dakilang crush ko!
Hindi na siya nakapag reply pero ok lang atleast nag goodmornig siya sakin kaso ayoko munang lagyan ng meaning mamaya ako lang masaktan p*nyeta.
Pagkapasok ko sa school nakita ko agad si Jimin pero may kausap na babae at ang saya nila tapos yung babae makahampas kala mo talaga, pero ok lang di naman sakin masakit eh onti lang :') charot! Sana all naharot.
“saket? Kawawa ka naman” sabi sakin ni Hobi.
Habang nakatingin ako nagulat ako nasa harap ko na si Hobi at mukang papasok palang rin katulad ko.
“t*nga di kaya!” pagtanggol ko sa sarili ko.
“sus selos ka lang eh, wag mo ng ideny halata sayo, halika na mamaya malate ka pa kakatitig sakanila” pagkasabi neto ay hinatak ako ni Hobi at tumakbo papasok sa room.
Nagseselos ba ako? Bat ako magseselos? Kami ba? Hindi naman kami ah, t*ngina lang kasi nung babaeng yon future kabit ata ni Jimin or kaya baka hadlang sa lablyp ko, charot.
Recess time na at ako niyaya lang naman ako lagi nila Jin at siraul*ng Hobi kinwento kay Joonie,Jin at Suga yung tungkol kanina pagpasok kaya eto inaasar nila ako ‘feelingera’ raw ako pero totoo naman eh.
“porket nag goodmorning may gusto na? Asa pa Atheena” sabi ni Suga habang natawa.
“yieeEe selos siya, saket naman non pero feeling ko ikaw kabit eh” asar sakin ni Jin.
“p*tangina naman eh, bahala kayo jan” inis inisan kong sabi ng maupo samin sa harap sila Jimin,Taehyung at Jungkook.
“Jin hyung palit tayo, tabi kami ni Noonah” sabi ni Jk.
“hi,” bati sakin ni Jimin.
Tumango lang ako at pait na ngumiti saknya.
“Jungkook bili tayo banana milk? Libre ko na tara bilis!” yaya ko kay Jungkook hinatak ko yung kamay nya tutal katabi ko naman siya.
“ako? Hindi mo ko yayain?” tanong ni Jimin.
“bumili ka na lang. Or kaya bilhan mo yung babae kanina, tara na Jk” pagtataray kong sabi at tumayo na.
Nagtaray tarayan lang ako pero ang hirap kasi hindi ko naman ugali magtaray masyado akong maganda para magtaray. Charot.
“selos lang yon” bulong ni Joonie at nag kunyaring di ko narinig.
-- TO BE CONTINUE--
BINABASA MO ANG
|| I WON'T STOP ||
FanfictionSi Atheena ang pinaka maharot na babae at siya ang nagkakagusto ka Jimin hindi siya tumitigil para lang mapasakanya si Jimin. -enjoy!!