|| CHAPTER THIRTEEN||

337 19 24
                                    

(ATHEENA's POV)

Kita sa mga mata ni mama ang reaksyon niya sa sinabi ni Jimin pati naman siguro ako eh nagulat sa sinabi niya. Siraulo talaga tong lalaking 'to.

"m-ma nag bibiro lang si Jimin, d-diba?" sabi ko saknya sabay tapik upang bawiin yung sinabi niya.

"syempre naman payag ako, bagay na bagay nga kayong dalawa eh." pag sang-ayon ni mama, "Bakit di pa maging kayo?"

"mAa!" sigaw kong natawag si mama dahil ako naman ang nagulat sa tanong niya.

Bakit ganto naf-feel ko? Bakit parang dati lang gusto ko na maging kami tapos ngayong nanliligaw na siya ang weird na?

"sabi ko po kasi sakanya saka na ako sagutin kapag ready na siyang makasama ako habang buhay," seryosong sabi ni Jimin.

Tinignan ko siya ng matiim pero kinindatan lang ako ng mokong na 'to sabay ngisi na parang proud pang nagpaalam kay mama. proud rin ako sa sarili ko duh! Ganda 'to oh.

"osige iwan ko muna kayo ha? Mag saing lang ako, pumunta ka muna kayo sa kwarto mo Atheena tawagin ko na lang kayo kapag handa na ang pagkain," ani ni mama kaya naman hinatak ko na agad si Jimin sa kwarto upang mag usap. Usap lang promise!

"gaga bakit mo natanong ba yun ha?! Porket alam mong gusto kita paglalaruan mo na puso ko! Nakakapikon ka," sabi ko sakanya pero bulong kasi baka marinig ni mama at mapagalit pa ako kasi inaaway ko si Jimin.

"yan lang ba tingin mo ha? Kaya nga nagpaalam na ako kay tita na liligawan kita eh tas sasabihin mo paglalaruan kita." seryoso niyang sabi sa'kin kaya medyo natakot ako sa pag seryoso ng mukha niya "tignan mo muna kasi lahat ng mga ikikilos at ipapakita ko sayo"

"bahala ka nga jan." seryoso ko rin na sabi at tinalikuran siya ng mahawakan niya ang braso ko. "ano na naman ba?" inis kong sabi kasi hindi ko alam kung totoo ba lahat ng sinasabi niya.

"tandaan mo mamahalin kita." sabi neto at sabay yakap sakin ng mahigpit na akala mo wala ng bukas. "maniwala ka naman sakin" bulong neto.

"osige pero sa isang kondisyon" sabi ko sakanya kaya napahawak siya sa balikat ko para makita niya ang sasabihin ko.

"ano 'yon?" puno ng pagtataka ang mukha niya sa sinabi ko.

"iwasan mo yung babae na yun, at papayagan na kita ligawan ako" ani ko sakanya sabay pikit kasi kinakabahan sa isasagot niya. Malay mo mas mahal niya yung Vernize na yon pero syempre aaminin ko naman sa hindi mas maganda ako. Sa tru lang!

tumawa siya ng bahagya kaya napadilat ako ng mata at nagtataka kung bakit siya tumatawa, may mali ba sa sinabi ko? Siraulo ata to eh.

"akala ko ba hindi ka nagseselos?" tanong neto.

Ang alam ko sila Jin,Jungkook at Avi lang ang kasama ko kanina ah, bakit niya nalaman yon?!

"sinabi sakin ni Jin hyung na tinanong ka raw niya kung nagseselos ka then ang sinabi mo is masakit paa mo" tuloy niyang sabi kasi nahalata niya ata yung pagtataka sa mukha ko.

"sinabi? Saan? Sa chat or call?!" sunod sunod na tanong ko sakanya. "pero di naman talagang nagseselos ako eh, duh! Anong pake ko dun."

"oh kung wala ka palang pake don, bakit mo ko pinapalayo?hmm" pang aasar siyang ngumiti akala mo nakakatuwa yon.

"edi siya na ligawan mo tutal ayaw mo naman lumayo eh." diin kong sabi dahil nakakapikon ako sa sabi niya.

Hinalikan niya ang noo ko sabay sabing "wala akong sinabi di ko lalayuan yon okey? Ikaw ang liligawan ko at ikaw lang ang gusto ko, duh!" ngiti niyang sabi.

|| I WON'T STOP ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon