|| CHAPTER TWELVE ||

410 17 12
                                    

Pauwi na kami nila Jin,Jungkook at ni Avi. Gusto ko na rin umuwi kasi ansakit na ng paa ko kakalakad kanina pa, sobrang tahimik naming apat akala mo sobrang titino eh.

“galit ka Noona?” nasira ang katahimikan sa tanong sakin ni Jk.

“saan?kanino?" Sunod sunod kong tanong pero hindi naman ako galit eh kaya nagtaka ako bakit niya natanong.

“kay Jimin hyung pati dun sa Vernize” sagot niya sa tanong ko na parang natatakot pa sumagot.

“hindi ah, hayaan mo na lang sila malalaki naman na sila” sabi ko sakanya.

Bakit ganto nararamdaman ko? Inlove na ba talaga ako? pero diba sabi ko sa sarili ko hanggang crush lang. Ayokong masaktan na baka ako lang nafall eh.

“nagseselos ka lang eh” pang aasar sakin ni Jin. Selos? Baka nga syempre gusto ko yung tao tas may kausap na babae eh sarap pektusan ni Vernize eh.

“ewan ko sainyo! Tara na bilis” pag aya ko para bumilis bilis yung lakad nila. “antagal niyo maglakad eh”

“bakit ka ba nag mamadali ha? Hinahabol ka ba ng halimaw ha” pagbibiro pa niya sakin.

“oo ikaw charot! Ansakit na ng paa ko kasi-” pagkasabi ko sakanila biglang may nagsalita na pamilyar samin kaya nalingon na namin.

“ako na maghahatid sayo" sabi ni Jimin.

“kung hinihintay niyo sila Jin tsaka Jk kunin niyo na, Avi halika na!” pag aya ko kay aya at hahawakan ko na sana pulsuhan ni Avi kaso biglang hinawakan ako ni Jimin.

“isa.” seryosong sabi ni Jimin.

“sige na una na kayong lahat, ingat kayo ha? Ingatan niyo si Avi engot pa naman yan” bilin ko sakanila at si Jimin sumama na talaga sakin para ihatid.

Hahatid niya lang naman ako eh pero bakit ganto kabog ng dibdib ko parang wala ng bukas amp. Sobrang tahimik namin habang naglalakad bakit kasi di niya pinasama si Avi eh magkalapit lang naman kami.

“bakit ka umalis agad?" Tanong niya sakin.

Bakit nga ba ako umalis agad? Miski sarili ko pala hindi ko alam basta ang alam ko masakit lang talaga paa ko dahil sa kakalakad.

“ansakit na ng paa ko” maikli kong sagot habang naglalakad.

“pwede mo naman sakin sabihin eh para naman sana di kami nag aalala" pagkasabi niy sakin ay hinarap niya ako para magkaharap kaming mag uusap kaya napatigil kami sa gitna ng kalsada buti na lang wala pang nadaan na sasakyan.

sana di kami nag aalala’ kasama ko naman yung dalawa eh pati na rin si Avi pero bakit siya di nag aalala sakin? Charot ang harot ko parin ha.

“pasencya na, tsaka may kausap ka rin naman kanina eh bakit di mo yun hinatid? Gusto ka pa naman nun kaso pangit ugali eh” ani ko sakanya.

Ansakit pala neto 'no? Bakit parang dati grabe ako magkwento at mag imagine saming dalawa, ganto ba pag nag m-matured na? Parang walang nagbago naman sakin eh baka sakanya oo.

“umuwi ka na, kaya ko na saril--”

“ikaw ang gusto ko” putol niya sa sinasabi ko at nahalata niya pa ata yung itsura kong pagtataka. “gusto kita” ulit niya.

“puta? Ops sorry! Seryoso kaaa?” tumawa ako ng bahadya nagbabaka sakaling nagbibiro lang.

“isa.” seryosong sabi niya “alam kong gusto mo ko pero di naman ako nag mamadali”

“hindi- ah!” utal kong sabi saknya medyo nakakahiya to ha. “umuwi ka na kaya ko na t-”

“ihahatid kita sa ayaw at gusto mo” pamimilit neto" pamimilit pa neto sakin.

Wala na 'kong nagawa kundi magpahatid pero nakita siya ni mama kaya pinapasok na rin siya.

“Jimin dito ka na lang kumain, gusto mo?” alok ni mama.

Hindi ko na narinig yung usapan nila kasi nag palit na ako ng damit kasi nararamdaman ko ng malagkit ako kaya bago kumain nag palit na ako. Pagkatapo ko magpalit bumaba na ako at naka upo na sila sa lamesa mukang ako na lang iniintay nila.

“sorry nalate" sabi ko kay mama sabay inom ng tubig medyo nauuhaw na rin ako e.

“dito mo na lang patulugin si Jimin ha, gabi na rin eh” nasamid ako sa pagsabi ni mama.

“ma? Saan mo naman papatulugin yan? Wala naman tayong guest room” pagtataka kong sabi.

Pwede naman siya sa sofa tutal wala rin naman kaming banig eh tsaka ginusto niya yan eh hatid hatid pa kasing nalalaman ayan di tuloy makaka uwi.

“edi sa kwarto mo” seryosong sabi sakin ni mama.

“tita payag po ba kayong ligawan ko anak niyo?”

---TO BE CONTINUE---

|| I WON'T STOP ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon