Malakas ang pagsinghap ni Nott nang tuluyang humilom ang kaniyang sugat. Parang nagulat ito nang magawang makabangon mula sa pagkakasandal sa malaking ugat ng puno. Hinahabol nito ang bawat paghinga nang maglaon. Malakas. Sunod-sunod.
His left hand is still holding mine. His gaze tells me that he's clueless about what is happening. The poison is indeed deadly, and we were both expecting that it could be his end since there is no Pranaiahn nor any help in this forest.
It may seem true that things become almost seems impossible until they actually happen. Kagagawan ko ba ang kusa niyang paggaling? O sadyang kaya niya lang hilumin ang sariling sugat kahit na makamandag ang pinanggalingan nito?
"Lind? W-what happened? he asks.
"Hindi ko alam! Wala akong ideya kung ano ang nangyari!" I answer honestly. Napasulyap ako sa aking kaliwang braso saka ibinalik ang tingin sa gulat pa rin niyang mukha.
"I did not heal that easy because of my blood, Lind. You know that, for sure! I am no royalty."
"Nott, wala din akong ideya kung anong nangyari. Basta hinawakan lang kita tapos ngumawa ako ng ngumawa."
Tinitigan ako nito. Hindi kumurap ang mga mata niya sa loob ng ilang segundo... at sa pagtitig na iyon ay tila nahanap niya ang kasagutang gumugulo saaming pareho. His jaw drops to a degree. Then his gaze shifts from my face down to the scar on my wrist. His eyes are pinned on my green inconspicuous mark.
"Oh, now I know why your green mark is different from ours. You're one of us, but you're definitely not like us," he says.
Base sa reaksyon nito'y nalito din siya sa pahayag.
"W—what do you mean?"
"Do you remember one story that was once shared with us by the ruler of our clan?" he asks.
Napaisip ako saka sinabi, "I can't tell if I can recall all of them. Most of the time, hindi ako nakikinig."
Bumuga ito ng hangin sa pagkadismaya dahil sa narinig mula saakin. "Of course, you weren't. Dahil noon pa man, laman na ng isip mo ang buhay sa labas ng kibbutz."
Sinamaan ko ito ng tingin. Inayos nito ang pagsandal sa may puno.
"Ano nga ang ibig mong sabihin? I hate suspense, Nott."
"The Old Tales of the Four Queens of Springgan," he mentions.
Natigilan ako. Naalala ko ang kwentong iyon. Bumalik ang memorya ko nang ikwento saamin ng tandang ruler ng greens ang dating apat na reyna ng Springgan: Winter, Vernal, Summer, Autum. Bigla kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Bakit parang napakatindi ng koneksyon ng kwentong iyon sa nangyayari ngayon? Sa akin?
"Pinaniniwalaang hindi man buhay ang apat na reyna ay patuloy pa ring nananalaytay ang kanilang dugo sa ilan sa mga elf na may kakayahang kontrolin ang napakalakas na kapangyarihan ng apat na season gauntlets."
Kumunot ang noo ko nang matumbok ko ang gustong sabihin ng lalaki. "Are you telling me that I am an heiress of a gauntlet?"
Umiling ito. "We can't tell yet unless you get to wear a pair of the gauntlet. Kapag nagkataong isa lang gauntlet heiress, manganganib ang buhay mo."
The statement makes me shiver. Alam kong noong kasama ko si Randall ay araw-araw nasa panganib ang buhay ko. But the kind of danger he is referring to is far more blood-curdling. Daunting. "Y—you mean the Council of Trapiz is real too? The horrifying tales about them are real? They're tales! H—how could it be real?"
"In this world, tales constantly become real, Lind. The deadly Council of Trapiz na ginagamit saating panakot noong mga bata pa tayo. They may be real. Even the Meadanach, the protectors of the heiresses can't defeat them."
"I can just ran. You know, kung heiress lang ako at may mamahaling gauntlet, ibebenta ko ang gauntlet saka magbabakasyon sa Cairos o kaya sa Bliss Island. Mas payapa doon." Natawa ako sa ideya. Pero sa loob ko'y nagsimula nang gumapang ang takot sa bawat ugat na nasa aking sistema.
"Face what scares you until you no longer fear them."
Natigil ako sa pagtawa. Napakaseryoso kasi ng sinabi ng lalaki. Alam kong may pasaring na naman ito saakin. Sa pag-alis ko at pagtakas mula sa naghihintay na responsibilidad mula sa greens.
"What if facing your fears means your death?" I ask.
"Then you'd die bravely. You'd die with no regrets."
Hindi ako nakapagsalita. Nott makes sense. He has been. Always. Kaya siguro kung mangyaring kaming dalawa na lang nasa harap ng Mir tree, siya ang mas karapat-dapat piliin. He's brave, just and smart.
"Sana ikaw ang piliin ng Mir tree, Nott," wala sa sarili kong nasambit. Dala siguro marahil ng labis na pagkamangha sa kaniya.
Tumawa ito. Umiling saka tumitig saakin. His umber eyes rest on mine. "Paano kung ikaw?"
"H—hindi ko alam kung paano magsisimula. I have no idea how to rule the kibbutz."
Binawi nito ang titig saka napatanaw sa kawalan. Seryoso ang itsura nito. "Paano kung tayong dalawa na lang ang nasa harap ng Mir tree? One of us must go and one must be selected."
Mas lalo akong napipi sa tanong nito.
One must go... one must die.
Pinaniniwalaan kasing mapanganib ang tumayo sa harap ng fire tree ang elf na hindi pinili. Maaring ikamatay ito ng hindi karapat-dapat na contender. Tanging ang pinili ng Mir ang makakatanggap ng kapangyarihan nito. Papaano kaya kung totoo ngang kaming dalawa na lamang ang nanatiling contender sa harap ng fire tree?
I can't even imagine seeing him die in front of me. I can die for Nott. He is my f—friend. He means so much to me kahit na matagal akong nawalay dito.
Papaano kung ang pagpapatuloy ko sa reaping ay pagpapahamak ko kay Nott?
Pinutol ng kontroladong tawa ng lalaki ang malalim kong pag-iisip. Nakatingin muli ito saakin. "Kaya hindi maganda ang magkaroon ng kaibigan sa reaping. Posibleng mangyaring tayong dalawa na lamang ang nasa harap ng Mir tree. It would be a very hard internal battle."
"You'd let me die?" I ask.
Hindi ito kaagad nakasagot. He sighs and then slightly pouted his lips.
"I wish I could just easily say, I can let you die for me to win, Lind." He purses his lips. Seryoso na muli ito. "Pero hindi, eh. You're Lind. A friend. Kahit na nagawa mong iwan ako sa ere, which felt like you betrayed me, hindi ko pa rin hahayaang masaktan ka para saakin."
There. He said it. His words left me speechless. Again.
"There is something you need to know, Lind. Panahon na para malaman mo 'to, habang magkasama pa tayo," he says.
"Ano 'yon?" I ask.
"Nalaman ko lang din ito kamakailan.I sneaked into the council's forbidden basement. Nag-imbestiga ako tungkol sa mga magulang mo," panimula nito. Muli itong bumaling saakin. Naroon ang katapatan sa mga mata niya. "Hindi namatay sa aksidente ang mga magulang mo katulad ng sinabi sa'yo ng council noong mga bata pa tayo."
"A—anong ibig mong sabihin, Nott?"
"Your father died protecting your mother. Pinatay ang mga magulang mo ng isang grupo ng elf mula sa 7th region."
"The C-Calores?"
Tumango ito. "Base sa dalawang emblem na natagpuan malapit sa bangkay ng mga magulang mo, may guhit ito ng ulo ng agila at nakaukit ang house motto na Opele. Nore. Alkar. The Calores killed your parents."
Uminit ang gilid ng aking mga mata. Alam kong makapangyarihan ang 7th region at ang House Calore. They are the next ruling region after the Feluns of the 5th region. "But why would a powerful house kill elves who simply had nothing but green thumb?"
"Hindi ko pa alam. Isa iyan sa mga bagay na gusto kong hanapan ng kasagutan pagkatapos ng reaping."
###
BINABASA MO ANG
Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)
FantasyHer touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To save a kingdom that is already dead. Lind Vor is a contender for the spring gauntllet. When the green...