Chapter 12. Rooting for You

1.6K 173 20
                                    

Before Nott falls onto the ground, I move quickly to catch his body. His body feels wintry as blood continues to flow down from his flank. He's shaking to the core.  

"Nott, masyado namang maaga para mamatay ka. Stay with me!" I say trying to make my voice calm. 

Kumawala ang nanghihinang tawa sa bibig nito. Ito ang unang pagkakataong tumawa ito simula nang magkita kami. 

"Only a Pranaiahn can heal this wound, Lind."

"Wait, what? Ganiyan katindi ang sugat mo?" gulat kong tanong habang inaalalayan ito patungo sa isang mayabong na punong kahoy. "Can we afford a Pranaiahn? Or can we even make it to their island? It's too far!" 

Sa wakas ay nagawa ko itong isandal sa malaking ugat ng oak tree. Malapit nang lumubog ang araw. Hindi ko alam kung papaano ko matutulungan ang lalaki. 

Bumunghalit ang malalim na paghinga ng lalaki. Sa itsura nito'y halatang nanghihina na siya. "I can't make it to the Mir, Lind."

"B—but you are the only hope of the green kibbutz, Nott. Hindi ka pwedeng mamatay ng ganito na lang?"

"I'm not the only green elf here," he says. His umber eyes setting on mine. Nanginig ito nang umihip ang malamig na hangin. 

It's getting dark. 

"I'll call for help!" 

Akmang patayo na ako para humingi ng saklolo nang pigilan ako ng mahigpit na hawak nito sa aking kaliwang braso. Ramdam nito ang panginginig ng aking kalamnan. I can't lose Nott! Not again!

"It's a hopeless case, Lind," ngumiti ito. Nanginginig ang kanyang mga labi. "Just stay here and spend the night with me for the very last time."

Napaawang ang aking mga labi. Nagsimulang mangilid ang likido sa aking mga mata. Napaluhod ako sa harapan nito habang nanatili itong nakasandal sa puno. "Naghihiganti ka ba, Nott? N—now you're taking your revenge on me for leaving you! That's unfair! How could you give up this easy?"

"This is a brown poison, Lind. It's close to poison from the 4th region's Queen Alondra. Deadly. Incurable," tumulo ang mga luha sa kaniyang kanang mata. Hindi ko alam kung dulot iyon ng matinding kirot o nang kalungkutan nabuo sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ako. "At least I got to see your face before the stars take me. Espes. Virtus. Vita."

Tuluyang bumigay ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko nang narinig ko ang bansag ng ikalawang rehiyon. Hope. Courage. Life.

"Nott. I'm sorry for leaving you. Alam kong ko pa nasasabi ang lahat ng dahilan ng pag-iwan ko sa green kibbutz. But I'm really sorry. Please don't die! Not just yet! Hindi pa ako nagiging reyna ng Springgan!"

Suminghap ito ng hangin.  Muling tumawa nang marinig ang pangarap ko simula pagkabata. He certainly recalls that childhood dream. Araw-araw, iyon ang naririnig niya mula saakin noong bata pa kami. 

He remembers, but it's painful that he does remember such memories in this hard time. 

"You'd be the queen... and I'll be y—your k—king," he recalls smiling.

"Mabubiyuda na kaagad ako?" biro ko. Ano bang pinagsasabi ko? Hindi na yata ako makaisip ng diretso dahil sa sitwasyon. 

"You may be royal blood. You deserve a strong p—prince like Felun blood or Prince Salinas. I am no royalty. T—that's why I can't even survive this poison."

Suminghot ako. Pansamantala'y kinalimutan ko ang maganda kong itsura at postura dahil sa kalagayan ng lalaki. I shake my head in disagreement. 

"Graen! Graen help us! Help us!" desperada kong usal habang nagsisimulang kumagat ang dilim. 

Natigilan ako sa pagngawa nang biglang hawakan ng lalaki ang kaliwa kong braso. "I k—know why you h—had to leave the greens. You were afraid to fail. I remember the last time before you left, the fear in your eyes while I was telling you how special a green elf you could be. N—natatakot kang biguin ako."

Hindi ako nakapagsalita. How the hell did he know this? 

"I've had my means to know everything, Lind. Pero hindi ko sinukuan ang pananalig kong babalik ka para dito. And here you a—are."

Muli akong suminghap. Pakiramdam ko'y hinihimay ng isa-isa ang bawat bahagi ng dibdib ko. I have not seen this coming. He's badly hurt. Assessing Nott's state, he's already weak.  

"We can talk about that kapag napagaling na kita. I have a friend who can help you, Nott. Just stay with me, okay?" 

Umiling-iling ito. Tumitig ang nanghihina niyang mga mata sa mukha ko. Ramdam ko ang malamig nitong palad na nakahawak sa braso ko. 

"Your guardian fae can't help me. I am not under his watch, Lind." 

"I can't give you up! Not this time. Okay? Marami pa tayong dapat pag-usapan. Marami pa akong dapat ihingi ng tawad sa iyo, Nott. So please, stay with me!"

"You've been forgiven since the day you left to spread your wings." Then he closes his eyes. The mark on his left wrist starts to dim like the air is slowly erasing them. 

Mahigpit kong hinawakan ang kaliwang braso nito kung saan naroon ang marka ng green kibbutz. Nanginginig ang dalawa kong palad habang pinipisil ang kamay nito kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha ko. 

"This is not how we part, Nott. This is not how we part!" wala sa sarili kong naisigaw. 

Pumatak ang mga luha ko sa markang nakaguhit sa aking pulso. Napaawang ako nang muli kong naramdaman ang kirot sa bahaging iyon. Halos mapigtas ang aking paghinga nang lumiwanag ang guhit sa aking pulso. Gumapang ang ang mga markang ugat sa sa aking balat patungo sa kanyang kaliwang bisig hanggang sa tuluyan nang nabalot ang dalawang braso namin ng kulay berdeng mga ugat. 

"Whatever you're doing, mysterious, weird mark, heal my friend! Heal him!"

Hinintay kong may mangyari kay Nott. Ngunit ilang segundo na ang lumilipas ay nanatili itong nakapikit. Diniinan ko ang pagpisil sa kaliwang braso nito. Kumawala ang hikbi sa aking bibig. 

"You've taken everything from me! Don't! Just don't take him this time!" banggit ko. "Graen! Please help me!"

Umihip ang malakas na hangin. Walang mukha ng green fae ang nagpakita. Tanging ang wala nang malay na si Nott. Muli akong humikbi. Mas malakas. Pumatak ang masaganang luha ko. Hindi ko binitawan ang mga kamay ng lalaki. Nanatili akong nakayuko sa harap nito. 

"How could the stars take the last person who believes in me? How could this happen? Healing roots! Healing mark! Or whatever super names you have! I am rooting for you! Please heal my friend!"

Laking gulat ko nang muling gumapang ang kirot sa aking kaliwang braso. Nabuhay ang liwanag sa aking marka pati na rin ang mga ugat na gumapang mula dito. Pigil ang bawat paghinga ko habang hinihintay ang kung ano mang mangyayari. 

Umakyat pataas sa braso ng lalaki ang nagliliwanag na ugat. Kumalat ito sa buong katawan ni Nott. Napalunok ako habang mas diniinan ang paghawak sa pulsuhan ng kaibigan ko. Tumagal ito ng ilang segundo hanggang sa maramdaman kong unti-unti nang nawawala ang lamig sa mga kamay ng lalaki. 

Nabuhayan ako nang loob nang maramdaman ko ang paggalaw ng braso ng lalaki. 

"Nott?" tawag ko. 

Hindi ito umimik. 

"Nott! Magsalita ka kung ayaw mong baliin ko 'tong braso mo!" untag ko. 

Unti-unti, nagmulat ng mga mata ang lalaki. Humigpit ang hawak nito sa aking bisig. Mainit. Buhay na buhay. 

###



Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon