Chapter 15. Sprouting Possibilities

1.6K 146 49
                                    

He is like a mighty knight elf in his silver warrior suit with a long black hooded velvet robe paired with long sleeves and white pants.  

Mabilis akong sinulyapan nito mula sa ilalim ng kanyang hood na may silver mesh on top of it to give the appearance of golden chainmail.  Napansin ko ang metallic silver seal ng second region na nakadikit sa bandang dibdib nito. A belt of silver mesh sits along the waist of the robe and is trimmed with black and gold ribbon.  Tila lumilipad ang dalawang mamahaling tela sa magkabilang tagiliran nito pati na ang laylayan ng suto nitong roba na nahati sa harapan. 

This handsome snub is really a prince. Mabilis na tumatakbo ang itim nitong kabayo patungo sa babagsakan ng malaking sibat. Inilahad ni Salinas ang kamay nito sa tagiliran at nagsimulang tumubo ang magkahalong metal at berdeng baging na may malalaking tinik. Sa pagkumpas ng kaliwang kamay nito'y nagawa niyang puluputin ang hawakan ng sibat. 

Kumaliwa paikot ang kabayo kasabay ng malakas na paghampas ng prinsipe sa nakapulupot na sibat. Mabilis nitong naibalik ang sibat patungo sa pinagmulan nito. Bumagsak ang sibat sa di kalayuan at bumuo iyon ng malakas na pag-alog ng lupa. 

"Graen! Take Nott with you!" malakas na tawag ng prinsipe sa pangalang pamilyar sa aking tainga. 

"Graen? Is that my guardian elf na walang kwenta?" naibulong ko.

Bago pa man kami makakilos ni Nott ay mabilis namang lumabas mula sa aking likuran si Graen na lulan ng isang kulay abong kabayo. 

"Walang kwenta, Lind?" Sinamaan ako ng tingin ni Lind. Nagawa pa nitong paikutin ang mga mata habang papalapit saamin. Magsasalita pa sana ako ngunit napansin kong nahablot na niya si Nott gamit ang kanang bisig nito. Walang kahirap-hirap nitong naisakay ang lalaki sa kanyang likuran. 

"Take my hand!" agaw pansing sigaw ni Prinsipe Salinas sa bandang kanan. Nakalahad na ang kamay nito palapit saakin habang rumaragasa ng matulin ang lulan nitong kabayo. 

Nakatitig ang kulay abo nitong mga mata. Halos mapigtas ang aking paghinga habang palapit ang lalaki. Itinaas ko ang kaliwa kong bisig. Napalunok ako. Hinila nito ang katawan ko paakyat sa kabayo. Naramdaman ko ang higpit ng kanyang hawak. 

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Buong akala ko'y sa likuran niya ako hihilain pasakay sa itim nitong kabayo. Nanlaki ang mga mata ko nang patagilid niya akong kinalong patungo sa kanyang harapan. 

Mukha akong prinsesang sinagip ng isang prinsipe. Kinilig ako sampu ng aking mga ugat sa lupa. May karapatan naman siguro akong kiligin. Single ako. So, huwag sana akong husgahan ng buong Springgan!

"Kumapit ka," malakas na sambit ng prinsipe. Naamoy ko ang maprutas na hininga nito dahil halos dumikit na ang bibig nito sa mukha ko. 

"Huh?" wala sa sarili kong nasambit.

"Huwag mo akong titigan! Ang sabi ko kumapit ka!" 

Tila napahiya namang pinulupot ko ang mga bisig sa leeg nito. 

"Huwag diyan! Nasasakal ako! Kumapit ka sa baywang ko!" angil nito.

Muli akong napalunok. Amoy mansanas, ubas, kamias, peras, at bayabas ang hininga ni Salinas! Pakiramdam ko'y naiihi na ako lalo na nang yumakap ako sa matipunong katawan nito. 

"Ang sarap," wala sa sariling usal ko. Napakagat labi ako nang mapagtantong hindi angkop ang binigkas ko. 

"Ang alin?" seryoso nitong sambit. 

Nanlaki ang mga mata ko. Itinuon ko ang aking tingin sa mga nalalagpasan naming matatayog na damo. Mas mabuting huwag na muna akong umimik dahil baka ipagkanulo na naman ako ng malandi kong bibig. 

Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon