Chapter 29. Reinforcement

1K 121 56
                                    

"Andami mong pa-suspense, Prince of the sardines, kanina pa kami hirap na hirap dito tapos nandiyan ka lang pala?" singhal ko sa nakatayong prinsip na nasa di kalayuan. Nagsimulang uminit ang gilid ng aking mga mata. Just by seeing him alive makes me happy somehow.

"I died," he replies with certainty in his tone.

"What?"

"I died and you resurrected us!" he utters. His last word put my eyebrows to crease in confusion. What did he mean by 'us'?

"Us?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Lind," isang maamong boses ang tumawag saakin. Pamiyar ang tono nito. Boses iyon ng isa pang lalaking ipinagluksa ko lang kanina.

Bumaling ako sa nagmamay-ari ng boses na tumawag sa napakaganda kong pangalan. Unti-unting nahulog ang aking panga. I should be demanding him to call me 'Heiress Lind' but we'll settle that later. Mas nangibabaw ang pananabik ko na makita at mapatunayan kung talagang buhay siya.

Nang tanawin ko ang kinaroroonan nito'y tumambad saakin ang nakangiting mukha ng kababata ko. Si Nott!

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa prinsipe at sa kababatang si Nott. Hindi ko alam kung sino ang una kong yayakapin. Akmang lilingunin ko na muli ang gwapong prinsipe nang mapansin kong nagsisimula nang bumangon mula sa kinahihigaan nito si Randall.

Gulat na napatitig ang lalaki sa gawi ko. Hindi ko alam kung ang dahilan ng pagkagulat nito ay ang muli niyang pagkabuhay o ang bagong bihis ko bilang isang ganap na spring gauntlet heiress. Hindi kasi maipagkakailang nadagdagan ang dati ko nang nag-uumapaw na kagandahan.

Sa kabila no'n, habang napapalibutan ako ng tatlong gwapong nilalang ay tuluyang tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang galak.

The spring gauntlet resurrected them. They're alive! Alive and handsome! Hindi ako tatandang dalaga! Hindi ako mamamatay na birhen!

Ang pinakamalaking problema ko na lang ngayon, bukod sa tuluyang gapiin ang mga lapastangang Trapiz na nagpahirap saakin ay kung sino sa tatlo ang una kong lalapitan para yakapin. Kaya minsan nagsisisi ako sa kagandahan ko dahil sa sitwasyong ito. Ang hirap pumili. Lahat masasarap! I mean, walang tapon! Kain lahat!

"Oh, Lind! You made it!" sigaw ng isang boses na nagmula sa ere. Naramdaman ko ang pagdapo ng mga paa nito sa lupa at kaagad kong nasamyo ang amoy dinurog na dahon ng catnip at hemlock na pawis nito.

Huli na nang sinubukan kong tumutol sa tangkang pagyakap ng guardian fae na si Graen dahil kaagad na nitong naikulong ang katawan ko sa pawisan niyang mga bisig. Mahigpit ang ginawang pagkabig ng gwapong insekto saakin.

"Finally, heiress" patay malisyang bulong nito saakin habang isinisiksik ako sa amoy dahon nitong dibdib.

"Hindi ikaw ang gusto kong yakapin, animal ka! Matuto kang pumila! Pakawalan mo ako!" angil ko.

Nakatawang kumawala mula sa pagkakayakap si Graen. Nakatitig pa rin ito sa mukha ko kahit na parang hindi makapaniwalang may igaganda pa ako. "You are really the heiress."

"Panira ka ng moment, alam mong may tatlong nasa unahan ng pila nakikisingit ka!"

Magsasalita pa sana si Graen nang biglang lumapag si Kenru ilang metro mula sa likuran nito.

Napalingon ito sa aming lahat. Matalim ang ipinukol nitong pagtitig sa gawi ko. Gusto rin yata ng yakap. Pawisan at halatang malapit nang maubos ang enerhiyang nasa katawan nito. He rolls his eyes showing how irritatedd he is.

"I don't need a hug! I need help with the Trapiz! Mamaya na kayo maglandian diyan!" singhal nito saakin saka muling bumaling sa mga kalabang isa-isa nang nagsilabasan mula sa kagubatan.

Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon