Chapter 1

180 18 28
                                    

Alizah's POV

Mula sa pagkakaupo, inangat ko ang aking kaliwang kamay. Napabuntong-hininga na lamang ako ng mawari ang oras. Pasado alas-onse na ng umaga, hindi pa rin natatawag ang aking magandang pangalan.

Linibot ko ang aking paningin at pasimpleng nagbilang. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Lima pa kaming matiyagang naghihintay para sa aming kanya-kanyang interbyu.

Lumapit ang gwardiya, "Sino si Mr. Dizon?"

Nagtaas ng kamay ang katabi kong lalake. Sa kanyang pag-galaw, matagumpay na nasakop ng kanyang pabango ang aking ilong. Sakto lang, hindi matapang. Sa katunayan nga, nakaka-inlove.

Hindi nagtagal, kinalabit ako ng katabi ko sa kaliwa. Nagtataka naman akong napatingin rito. Mas lalo akong naweirduhan dahil sa kanyang abot tengang ngiti.

"I'm Shiela by the way," inabot nito ang kanyang kamay sa akin na malugod ko namang kinamayan.

"Alizah," tipid kong sagot.

"I know this will sound childish. But, who cares!" Inipit nito ang kanyang buhok sa magkabilang tenga at maya-maya'y pinaglaruan ang kanyang mga kamay.

Abang na abang ako sa kanyang sasabihin kung kaya't umayos pa talaga ako ng upo. Pigil hininga kong hinintay ang kanyang pasabog.

"Can you accompany me in the toilet?" hinawakan pa nito ang aking kamay. Sa paglapat ng mga ito ay naramdaman ko ang lamig.

Hala! Ihing-ihi na yata siya!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at hinawakan ko na kanyang kamay. Kinalakad ko siya patungong palikuran, himala nga at hindi man lang ito umangal.

Sa aming pagdating, dali-dali nitong tinungo ang pinakamalapit na bakanteng cubicle. Napa-iling na lamang ako.

Lumapit ako sa lababo at pinagmasdan ang aking mukha. Nginitian ito at nagpasyang hugasan sana ngunit napahinto sa kalagitnaan na aking paggalaw.

"You like Mr Dizon."

Tumikwas ang kilay kong sabog, na noong dalawang lumipas na buwan ko pa yata huling nahait. Pumihit ako paharap at sinalubong maamo nitong mukha. Ngiting-ngiti ito, napaka-inosente rin ng hilatsa.

"Kailan? Paano mo--"

"That type of guy will not acquint himself to someone like you. Better cut the infatuation now before it burst like a fire. My way of giving a gentle reminder to a friend," she paused.

"Oh, before I forgot. Thanks a lot for being here with me." Dumiretso siya sa lababo at naghugas ng kamay matapos ibato sa akin ang hindi ko inaasahang speech.

Natulala ako. Sakit naman niyang magsalita. Pinatay agad ang pag-asa kong magka-jowa?

Hindi ko namalayan ng natapos na siya sa kanyang ginagawa. Napabalik lang akong sa aking ulirat ng bumunghalit ito ng tawa. Saan mang sulok ng palikuran, bumalot ang kanyang malutong na tawa.

Sinamaan ko nga ng tingin.

"Woah! Easy! You just look like a cute little puppy early, bite your tongue? Now, amazingly transform into a tiger that ready to devour her prey? Nice, quick change!" Natutuwa pang komento nito.

"Ano naman kung gusto ko nga siya?" Pabalang kong sagot. Naiirita na ako sa babaeng ito.

"Alizah, mark my words." Pinal na sabi niya at iniwan akong naguguluhan sa kanyang mga pinagsasabi.

Natapos ang aking interbyu na palaisipan pa rin ang mga sinabi sa akin ni Sheila. Sobrang pasasalamat ko sa Panginooon na kahit mayroong gumugulo sa aking isipan ay nagabayan pa rin niya ako. Sinagot niya rin ang aking panalangin, natanggap ako sa trabaho. Isang Document Controller sa Sze Paper Manufacturing, nangungunang supplier ng papel sa bansa.

"Mababa man ang aking posisyon sa ngayon, ang mahalaga nama'y mayroong akong kita na maiimpok para sa aking hinaharap."

"Hey! Got insane? Nagsasalitang mag-isa?" sabi ng istorbo.

Mula sa pagkaka-upo sa bench ng waiting area ay umangat ang tingin ko sa dambuhala. Abot balikat lamang niya ako. Malaki ang tikas ng kanyang pangangatawan. Suot ang kanyang simpleng kasuotan. White t-shirt at brown cotton short.

"Nag-a-apply ka ba rito?"

"Hey! You look pale. Kumain ka na ba, Miss?"

"Bingi ka ba?"

Rinig kong mga tanong niya, hindi ko nakuhang makasagot. Unti-unti, nilalamon ako ng kadilimang hindi ko alam kung saan nagmula.

Nagising na lamang ako na nakahiga na sa isang maliit na kwarto. Sa pagmulat ng aking mga mata ang buong akala ko nga ay nasa isang hospital na ako, hindi pala. Nasa klinika pala ng aming kumpanya. Nakakapagtaka. Pwede ba talagang ganoon? Baka nga, dahil dito naman ang pinakamalapit.

Hindi na ako nakapagpasalamat pa kaya Kuyang Dambs. Sabi ni Ateng nurse na may magandang kulot na buhok, ibinilin nito sa kanya na ipakain raw sa akin 'yong pork adobo na dala niya. Dala nga ng gutom, kaya ako'y nahimatay kanina. Sayang ang once in a lifetime moment! Ang gwapo kaya ni Kuyang Dambs! Kaso nga lang, nakakainis siya! Pinagkamalan ba raw akong baliw? Suntukin ko abs niya! Yay, mayroon kaya? Bakit kinilig ako bigla?

"Miss? Miss! Mis--"

"Nakikinig ako. Wala naman sigawan, Ateng maganda ang pagkakakulot ng buhok. I heard everything," mayabang na saad ko.

"Nichole. Nichole nga. Paulit-paulit? Hindi ba 'yon ang tinatanong mo?" nagpipigil sa inis na sabi niya.

"Narinig raw, hindi naman. Pinagpapantasyahan pa rin yata si Sir Steven," dagdag nito na hindi nakarating ng malinaw sa aking pandinig.

"May sinasabi ka, Ate?" mabilis na tanong ko.

Umiling naman ito kaagad, "Sabi ko, kumain ka na."

"Akala ko kasi may sinasabi ka. Ikaw, kumain na ba? Kain!" Tinaas ko 'yong tupper at ngumiti sa kanya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang aking katanungan kanina, "Pwede pa lang dito ideretso sa kumpanya 'yong mga katulad ng nangyare sa akin kanina? Emergency."

"Miss, ang alam ko po. Hired na po kayo--"

"Ibig sabihin nagtatrabaho rito si Kuya Dambs?" Nanlalaking mata na tanong ko.

"Sino po 'yon?" naguguluhan naman niyang tanong.

"Si Kuya Dambs. 'Yong lalakeng naghatid sa akin dito," pagka-klaro ko.

"Si Sir Steven po 'yon. Opo, dito po siya nagtatrabaho. Ang swerte mo talaga, Miss! Nakaka-inggit ka!" Nagbago ang mood ni Ateng maganda ang pagkakakulot ng buhok. Ano nga kasing pangalan niya? Nichole yata?

"Bakit naman?" curious na tanong ko at pasimpleng sumubo ng kanin at ang ulam na adobo.

"Anak siya ng may-ari ng Sze Paper Manufacturing!"

Naibuga ko sa kanya ang sana'y lulunukin ko ng pagkain. Katakot-takot na ubo ko ang umokupa sa buong silid. Hindi naman magkanda-ugaga sa paghagod sa likod ko si Nurse Nichole.

Finally, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon