Chapter 14

20 7 1
                                    

Alizah's POV

Nagising ako kaninang madaling araw na giniginaw. Hanggang ngayon hindi pa rin ako bumabangon habang ako'y balot pa rin ng kumot.

"Ate, kain ka muna," rinig kong sabi ni Jewel.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Mayroon itong dalang mangkok at isang basong tubig. Nahihirapan man ay pinilit ko pa ring umupo.

Inalalayan naman niya ako at sinubuan pagkatapos. Ilang sandali lamang ay binasag niya ang katahimikan, "Ate, may problema ba? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, ang tahimik mo. Uuwi ka ng bahay, kakamustahin mo lang kami ni Tatay pagkatapos magkukulong ka na rito."

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko at hinarap ito. "Pagod lang ako. Tambak ang trabaho ko sa kumpanya, malapit na kasi ang annual audit."

Napatango-tango naman siya kay nakahinga ako ng maluwag. Nagsandok ulit siya ng noodles. "Nandiyan pala si Ate Venice. Yayain ka raw sanang mag-hanap ng susuotin sa engagement party ng boss niyo. Sinabihan ko naman Ate na hindi maganda pakiramdam mo."

"Bakit nandito pa siya?" tanong ko naman bago isubo ang nakaumang na kutsara sa harap ko.

"Kakausapin ka raw Ate pagkatapos mong kumain," kinuha niya ang baso na kanina'y pinatong niya sa aking durabox.

Inabot ko ito at uminom.

"May nanligaw pala sa'yo, Ate! Hindi mo man sinabi sa akin! Ang daya!" reklamo niya.

Hindi ko 'yon inaasahan kaya napaubo ako. Sinamaan ko siya ng tingin habang pinupunasan ang aking bibig. "Saan mo naman 'yan napulot, aber?"

"Kay Ate Venice, kwento niya kanina habang mahimbing pang natutulog ang sleeping beauty namin ni Tatay. Siya ba ang dahilan, Ate?" usisa naman nito at tinabi na ang mangkok.

"Akala ko 'yong pang-basketball player. Ano bang pangalan nung naghatid sa inyo sa hospital dati, Ate?" dagdag pa nito.

Kinuha ko ang mangkok sa kamay niya at kumain muna. Nagugutom ako, maghintay siya riyan.

Matapos kong kumain at uminom ng gamot ay malawak ang ngiti kong sinabihan siya ng, "Papasukin muna."

Nagusot ang mukha ng kapatid ko. Muntik na ako matawa mabuti na lang napigilan ko.

"Ate, naman! Ang daya!" Hindi pa rin ito tumatayo at may nagmamakaawang mukhang nakatingin lang sa akin.

Tuluyan na akong natawa sa hitsura niya. "Ano? Papasukin mo na nga."

"Gusto ko rin marinig," maktol niya.

"Ang alin?" tanong ko naman pabalik.

"Ate, naman!" Inagaw na lamang niya basta ang mangkok na hawak ko at kinuha ang baso.

Tumayo siya at bubulong-bulong na naglakad.

Nang makarating ito sa pinto ay napahinto siya sa aking sinabi. "Sinabi ko lang na papasukin siya. Sinabi ko rin bang umalis ka kapag nandito na siya?"

Malawak ang ngiti nito ng lingunan niya ako. "Hindi. Saglit lang, Ate. Huwag kang matutulog ulit ha?"

Hindi nagtagal ay sabay silang dumating ni Venice. Bakas sa mukha ng aking kaibigan ang pag-aalala.

"Babae, anong ginagawa mo sa sarili mo? Sabi nitong si Jewel umuwi kang basang-basa kagabi. Sa natatandaan ko, walang abiso si Kumareng Pag-asa sa akin na uulan kahapon. Tiningnan ko pa kanina, wala talaga. Paanong nabasa o basa kang umuwi? Magsalita ka naman. Nandito naman kami, handang-handang makinig sa'yo." Sabi nito at tiningnan pa ang kabuaan kong nahilata sa kama.

Napabuntong-hininga ako. Saktong bumuka ang bibig ko ay naglabas na naman siya ng saloobin.

"Ano 'yong naririnig kong usap-usapan sa kumpanya na ikaw pa itong naghahabol kay Kiel? Akala ko ba, ikaw na ang pumutol sa ugnayan niyo? Bakit mayroon pang paghahabol, Babae?" Taas-kilay nitong mga tanong.

Napatingin ako kay Jewel, papalit-palit ang tingin nito sa amin ni Venice. Napailing ako at hinarap na ang aking kaibigan. "Nabigla lamang kasi ako noong isang araw kaya nasabi ko 'yon sa kanya sa tawag. Malay ko bang tinotoo niya."

Nagsimulang tumulo ang aking mga luha, "Gusto lamang siyang makausap. Ngunit lagi akong pinipigilan ni Sabrina, ang girlfriend na niya ngayon. Ang sakit lang. Sasagutin ko na dapat siya, kaso mukhang atat siyang magka-jowa."

Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. "Sa pamimilit ko kahapon na kausapin si Kiel. Bigla na lamang akong binuhusan ni Sabrina ng tubig mula sa kanyang tumbler."

"Aba! Ginawa niya 'yon? Ganda ng ugali! Tingnan mo nga naman!" Lumapit sa kama si Venice at naupo sa tabi ko. Nanatili namang nakatayo sa isang tabi ang kapatid ko.

Nagulat ako ng hawakan ni Venice ang kamay ko. Napatingin ako rito na magkasalubong ang kilay.

"Babae, hayaan mo na siya. Sila na. Mukhang mas gusto ni Kiel si Sabrina, pasensya na kung sinabi ko 'yon. Hindi naman kasi siya bibitaw ng ganoon kabilis kung mahal ka talaga niya. Huwag mo na rin habulin, mapapagod ka lang. Marami pa naman diyan--"

"Kaya nga! Gaya ni Kuya sa hospital!" singit bigla ni Jewel.

Natawa si Venice sa pagsingit ng kapatid ko. Naku naman!

"Si Sir Steve? Pwede-pwede! Gwapo at maganda. Perfect!" sang-ayon naman nitong katabi ko.

"Magtigil nga kayong dalawa riyan! Hindi-hindi ako papatulan ng dambuhalang 'yon. Langit siya, lupa ako. Malay natin, may jowa na 'yong tao. Pilit niyong tinatambal sa akin," sagot ko naman.

"Aysus! Ang nega mo sa parteng 'yan, Babae! Malay mo rin, wala. Malakas lang pala talaga ang topak niya pero torpe pala," bwelta ni Venice.

Maya-maya ay pumalakpak na lamang ito na ikinapitlag ko.

"Alam ko na!" Tumingin ito kay Jewel na abang na abang sa sasabihin niya.

"Dapat maganda tayo sa engagement party para mapansin ka niya. Siguradong nandoon siya, kasi kuya niya ang ikakasal. Ano kaya maganda sa Ate mo, Jewel? 'Yong backless? Makinis naman likod nito, d'ba? Mahaba ang hiwa sa parteng binti? Makinis rin naman siguro? Alam ko na! Labas hinaharap! Para lumuwa mata niya!" Walang pakundangan niyang sabi.

Isang malakas na batok ang binigay ko. "Ayoko nga! Hindi ako pupunta, may sakit pa po ako. See?"

Naging seryoso ang hilatsa ng kanya g mukha at maya-maya lang ay humalukipkip ito. Hindi nagtagal ay pinalapit niya si Jewel at may kung anong binulong dito. Nag-apiran sila pagkatapos na labis kong pinagtaka.

"You will attend the engagement party, Ms. Torevilla! Keep it in mind, ina-apoy ka man ng lagnat o nanlalamig ang estado ng sugatang puso!" Ngumisi si Venice matapos ideklara 'yon.

Finally, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon