Chapter 7

26 11 4
                                    

Alizah's POV

Lumipas ang mga araw at buwan, halos mag-iisang taon na rin ako sa kumpanya. Maayos na ulit ang samahan namin ni Venice matapos ang pangyayari sa mall. Naipaliwanag ko rin noong araw na 'yon kay Tita Cristy na mali lahat ng kanyang hinala. Tinanggap naman niya lahat ng mga sinabi ko na magkaibigan lamang talaga kami ni Venice.

Sa ilang buwan kong pamamalagi sa TQM Department ay halos nagamay ko na mga gawain rito. Mula sa simpleng pag-monitor ng mga files ng iba't-ibang departamento na dapat isumite sa amin. Meetings and presentations. Monthly audits of the departments on how they apply the three management system respectively. Namely, Quality, Environmental and OHSAS. Ibang usapan pa 'yong audit na isinasagawa sa buong kumpanya upang ma-certify sa ISO Standard.

"Babae! Hoy! Babae! Babae! Babae!" Yugyog pa sa akin ninuman.

Sinamaan ko nga ng tingin. Ano na naman kaya?

Nilapit nito ang kanyang upuan sa cubicle ko. "Napapansin ko lalo kang gumaganda. Anong sikreto?"

Tiningnan ko siya saglit at tinuon muli ang atensyon ko sa computer. Tinuloy ko ang aking ginagawa.

"Babae! Blooming ka talaga. Seryoso! Anong gamit mong sabon? Nag-gu-gluta ka ba? Anong ginagawa mo?" tuloy pa rin niyang pangungulit. Niyugyog pa niya braso ko.

Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya matapos matadtad ng letrang X ang ginagawa ko.

"Wala. Matagal na akong maganda, Girl. Slow ka lang mag-appreciate ng rare beauty," mayabang na sagot ko.

"Woah! Angas! Mayroon sigurong nagpapaganda sa'yo! Aysus! Aminin!" Tinusok pa talaga nito ang aking tagilirin. OMG! Huwag diyan! May kiliti ako riyan! Huwag diyan! Mama! Help!

Isang tunog ang pumukaw sa atensyon naming dalawa. Napabaling ako rito at mabilis itong kinuha. Mayroon akong mensaheng natanggap. Binuksan ko ito at halos lumuwa ang mata ko sa nabasa.

Kiel: Bibe ko, kumain ka na ba? Alam kong hindi niyo pa lunch break pero heto ako nangungulit na. Gusto mo bang magpa-deliver ako ng pagkain diyan? Ayokong magutom ang Bibe ko.

How sweet! Enebe! Gesh! Keleg se eke!

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Parang kang takas sa mental. Pangiti-ngiti tapos maya-maya pabaling-baling sa kaliwa at kanan. Ano ba 'yan? Huwag mo sabihing natuluyan ka na? Alizah naman! Nandito ako! Bakit hindi ka nagsabi na mayroon kang problema? Naghanap sana ako ng boylet. Ang dami kaya riyan! Chossy mo kasing babae ka! Gusto gwapo, matangos ang ilong at maputi? Aba! Maganda ba, Ate?" mahabang putak niya.

"Ang dami mo namang sinasabi! Panira ka ng moment!" angal ko.

Inabot niya ang cellphone ko at mabuti na lamang ay mabilis kong nailayo ito. "Ano ba kasing mayroon diyan?"

"Secret!" mabilis kong sagot sabay ngisi.

"Ganoon? Pa-secret-secret na lang tayo? Sa tagal nating magkaibigan, ngayon maglilihim ka na lang bigla. Your so hard to me! You! You're so mean!" mangiyak-ngiyak na drama niya.

Mayroong biglaang sumagi sa isip ko na pwedeng pantapat sa gusto niya. Napangisi ako at ngumiti. Malawak na ngiti, ngiting tagumpay.

"Kain na tayo sa canteen, libre mo ko! Sasabihin ko ang lahat." Sabay kindat at tayo ko. Iniwan ko siyang napanganga.

Walang nagawa si Venice kundi sumunod sa akin. Nagpalibre ako ng mashed potato at fried chicken. Nagpa-reserved din ng pancit para meryenda mamaya. Aba! Wala ng libre sa panahon ngayon, lahat may kapalit na.

"Nakilala ko siya sa facebook noong isang buwan pa," anunsyo ko at sumubong muli.

Tumikwas ang kilay niya at umismid, "Iba! Isang buwan na pala! Hindi man lang naikwento sa akin. Grabe! Ano ito? B-E-T-R-A-Y-A-L?"

Napatigil ako sa pagnguya at tinitigan siya. "Privacy."

"Basta! Dapat nagsabi ka pa rin. Paano kung scam 'yan? Na-goyo ka na naman? Hay naku! Parang hindi ka dumaan sa mga iba't-ibang lalaki na iisa ang ginagawa, nanakit." Iiling-iling na palatak niya.

"Mabuti pa ang Miguel ko," dagdag niya.

"Mabait naman. Maalalahanin. Lagi pa nga akong iniintindi," paliwanag ko naman.

"Paano, aber? Nagkita na ba kayo? Baka puro text lang 'yan?" duda niya.

"Hindi pa. Pero malapit na. Sabi niya sa darating na sa Sabado magkikita kami. Nanabik na nga ako sa unang date namin," sagot ko.

"Binalaan kita. Ako bilang kaibigan mo, gusto kong lang maging maayos at maligaya ka. Hindi naman sa nangingialam pero oo na, nangingialam na! Ayoko lang masaktan ka na naman. Iiyak. Mag-mu-mukmok. Hindi papasok. Masisisante. Magiging palaboy katulad ng taong grasa pagkatapos mamamatay." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.

Natawa tuloy ako. Bumitaw ako sa hawak niya at nagpatuloy kumain. Nagugutom pa kaya ako.

"Si Kiel 'yong naka-assign sa productions," tiningnan ko ang reaksyon niya matapos kong sabihin 'yon.

Natulala siya at hindi kaagad nakabawi.

"Kiel? As in Kiel Raymundo? Talaga? Siya? Paano? Hindi ako naniniwala!" eksaheradang sigaw niya. Kaya lahat ng mga tao na nandito sa canteen ay napatingin sa gawi namin.

Nakakahiya! Ipagsigawan ba? Gusto pa yata ng mikropono? Hay naku naman! Tiles lamunin mo na ako!

"Bahala ka riyan," sabi ko na lang. As if I care. Huwag kasi siyang maniwala.

"Ginayuma mo?" walang pakundangan niyang paratang.

Naibuga ko tuloy iyong mashed potato na kinakain ko. Tumalsik ang alin sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pag-ngiwi niya sabay busangot na nagpunas.

"Girl, hindi ako ganoon kadesperada. Siya nga unang nag-chat sa facebook. Nag-reply lang ako," sagot ko.

"Malay ko ba, d'ba? Pero, Babae ka! Jackpot ka! Aysus! Baka heto na, Babae! Your destiny!" Pumalakpak pa talaga at kita kong masaya talaga siya para sa sa akin.

Saktong naman pagambit niya sa dalawang salita, bumukas ang pinto ng canteen at niluwa ang taong kanina pa namin pinag-uusapan. Pakiramdam ko huminto ang oras at tanging siya lamang ang bukod tanging gumagalaw. Nagulat ako ng magawi ang tingin niya sa aming kinaroroonan at ng makita ako ay walang atubiling nagpalipad ng halik kasabay ng kanyang pagkindat. Naramdaman ko na lamang ang unti-unting pag-iinit ng aking mukha. Bigla yatang nawala ang lamig ng aircon?

Finally, He CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon