Chapter 33

9.6K 580 351
                                    




Fin's POV

Mahigit tatlong buwan na rin simula nung makilala ko si Dianne. Sa tatlong buwan na 'yon ay hindi ko natiis ang sobrang kakulitan ni Dianne. Sobra-sobra na yung pangungulit nya na ako mismo ay sumusuko na. Minsan nakakatuwa sya pero minsan sarap nyang iumpog sa pader. Parang bata talaga sya na mabilis magbago ng mood.

Sa loob ng tatlong buwan ay onti-onti nya nakukuha ang loob ko na dati ay ayoko talaga sa kanya. Masyado lang makulit si Dianne pero overall ay masaya syang kasama. Talented pa ang loko kaya maraming nagagawa. Magaling din mag-isip kaya kung saan-saan kami napupuntang dalawa sa mga date kuno nya. Pilya rin ang batang 'yon dahil simula nung mahalikan ako sa labi ay palaging nakakanakaw ng halik sakin. Ang nakakatawa lang sa kanya ay hindi sya humaharap sakin pagkatapos nya akong halikan. Umaalis agad sya. Ang galing eh, sya pa yung nahiya. Ang kapal ng mukha.

Pero ang masasabi ko lang ay masayang kasama si Dianne. Hindi na ako nagugulat kapag bigla na lang syang sumusulpot sa condo o office. Minsan ay ineexpect ko na dadating sya. Nakakapanibago nga kapag tahimik yung paligid. Napapansin ko na talagang wala si Dianne. Masyadong madaldal si Dianne na tipong nasa malayo pa lang ay maririnig mo syang sumisigaw na 'my wife'.

Ganon kataas ang energy ni Dianne.

"Nahuhulog ka na sa kanya." sabi ni Veron.

"Ulol." sabi ko at uminom ng juice. Nandito kami ngayon sa bahay ni kaliwa. Si Jade lang ang hindi namin kasama dahil nagbakasyon sila ni Paris. Inuna na nila yung honeymoon kaysa sa kasal. 

Nakakatuwa nga yung dalawa dahil pareho silang may balak na mag-propose nung anniversary nila. Nauna lang si Paris lumuhod at ilabas yung singsing. Lahat kami nagulat pwera lang yung mga magulang nila. Sila ang unang nakaalam na sabay magpro-propose yung dalawa sa anniversary nila at hindi nila iyon pinagsabi dahil gusto raw nila makita ang mangyayari.

"Nako may isa na naman tayong in denial." sabi ni Gia.

"Wala rito yung master." pang-aasar ni kaliwa kaya natawa kami.

"Masarap lang kasama si Dianne, nahuhulog na agad?" napailing na sabi ko.

"Ikaw pa! Marupok ka!" sabay na sabi ng tatlo.

"Ang reyna ng karupukan." sabi ni Gia at kinoronahan ako ng unan. Inalis ko naman agad yung unan at ibinato sa kanya. "Kada na sasaktan ka, ilang buwan lang nahuhulog ka na agad. Wag nga kami, Fin."

"Talaga ba?" napaisip naman ako. "Oo nga 'no?"

"Ganyan ka karupok. Akala mo mauubusan ng babae sa mundo." sabi ni kaliwa.

"Hindi ka ba napaisip na hindi kaya lalaki ang para sayo?" sabi ni Veron.

"Eww!" ngiwing sabi ko. "Hindi ko na nga ma-imagine na pumatol sa lalaki."

"Sus parang nung nag-aaral pa tayo, panay ka naman lingon sa mga gwapo." sabi ni Gia.

"Noon 'yon nung hindi pa ako lesbian."

"Puro babae na nililingon nya tapos patay na patay agad." pang-aasar ni kaliwa. Binato ko nga sya ng chips. "Hoy! Hindi ikaw bumili nyan kaya wag kang magsayang ah." bineletan ko sya.

"Kaya nga hindi na ako magugulat na sabihin nya bukas na mahal na nya si Dianne." sabi ni Veron. Napairap naman ako sa pinag-iisip nila.

"Hindi makasagot oh! May gusto na 'to sa makulit na bata." sabi ni Gia.

"Nye nye nye! Ako nga tigil tigilan ninyo." pananaway ko. Pero mga gunggong sila ay hindi sila tumigil kakakatyaw sakin kay Dianne.

"Ayan, mahal ka ni Dianne at magugustuhan mo sya. Magiging masaya ka na rin." sabi ni Gia.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon