Chapter 26

9.1K 535 378
                                    



Fin's POV

"Hi babe." nakahalik na bati sakin ni Mayumi.

"Pagod ah?" binigyan ko sya ng all time favorite nyang coffee. Nandito ako ngayon sa pinagsho-shootingan nila sa new movie nya. Mabilis syang sumikat sa una nyang palabas kaya naman nagkaroon agad sya ng bagong project. Marami ngang nag-aayang kunin sya pero may dalawa na syang project na ginagawa at bukod pa ron ay tuloy pa rin ang pagmo-model nya sa mga iba nyang pinag-kontrakan kasama na roon ang kompanya ko.

"Ikaw kaya na apat na oras lang tulog." nakangusong sabi nya. Napangiti ako.

"Kailan ka makakapagbakasyon?" tanong ko. Dahil dalawa na ang project nya, madala lang kami magkita ni Mayumi. Kung saan saang lupalop ng pilipinas sya nagpupunta. Dinadalaw ko lang sya kapag nasa malapit sya dahil hindi ko rin maiwan ang trabaho ko.

"Next week!" masayang balita nya. Natawa naman ako. "Kaso tatlong araw lang." biglang lungkot lungkutan nya.

"Ayos na 'yon para makapagbonding tayo. Doon tayo sa malapit na pagshoshootingan ninyo kinabukasan pumunta para hindi ka ma-rush umalis."

"Sa Batangas?" tumango ako. "Thank you, the best ka talagang girlfriend." nginitian ko sya at hinalikan sa noo.

"Ewan ko ba kasi, dapat ikaw yung bumabawi satin dalawa eh." may himutok kong sabi.

"Sorry na." pagba-baby nyang sabi nya. Pinaggigilan ko ang pisngi nya.

"No worries, hindi naman ako nagtatampo." sabi ko. "Oh sya, babalik na ako sa office. Dalawang oras na akong nasa labas." pagpapaalam ko.

"Kung kailan break ko?" nakangusong sabi nya.

"May meeting ako kaya rin inagahan ko talaga kanina." sabi ko habang nakatingin sa orasan. "Susunduin kita mamaya. Sa condo mo ako matutulog mamaya."

"Sige na nga." napipilitan nyang sabi. Hinalikan ko sya sa pisngi at tumayo. "Ingat ka."

"Yes boss. Pahinga ka na muna dyan. Kitakits mamaya." paalam ko. Nagtungo na ako sa sasakyan ko. Bago pumasok ay nilingon ko si Mayumi. Nakatingin sya sakin ng malungkot. Kumaway ako sa kanya tsaka pumasok ng sasakyan ko.

Girlfriend ko si Mayumi at mahigit isang taon na kaming magkarelasyon. Tatlong buwan syang nanligaw sakin bago ko syang sagutin. Wala talaga akong balak syang sagutin non dahil kahit na crush ko sya ay ayoko naman syang saktan. Si Gardenia pa rin ang gusto ko kahit na mailap na kami sa isa't isa. Sya lang ng insist na itry naming dalawa kahit na hindi ko sya gusto ng lubusan. Handa syang maging rebound. Nung una hindi ako pumayag, ayoko talaga syang saktan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko maibabalik ang nararamdaman nya para sakin.

"Kahit hanggang ngayon." bulong ko at bumuntong hininga.

Lumabas ako ng elevator at nakita ko yung dalawa na busy sa computer nila. Napatingin sakin si Priya pero si Gardenia ay hindi. Isa't kalhating taon na rin simula nung ibasted nya ako. Naging sila ng lalaking nagugustuhan nya at hanggang ngayon ay sila pa rin. Halata sa mukha ni Gardenia ang saya kahit na hindi na kami ganon nag-uusap. Kapag nagkikita ko sila na magkausap ni Priya tungkol sa boyfriend nya ay nahahalata ko.

Nginitian ko lang si Priya nung dumaan ako sa kanila. Pumasok ako sa office ko at nagtungo sa lamesa ko. Tinignan ko ang mga kakailanganin ko sa meeting mamaya pero napatigil din nung tumunog ang cellphone ko. Message mula kay Mayumi na tapos na ang break nya kaya kung nakabalik na ako at magme-message sa kanya ay hindi sya makakapagreply.

Yeah, ang unfair ko kay Mayumi dahil hanggang ngayon ay si Gardenia pa rin ang gusto ko. Pinilit ko naman magkagusto kay Mayumi. Kapag marami akong oras ay pinupuntahan ko sya. Lagi ko syang binibigyan ng atensyon pero mahigit isang taon na hindi ko man lang magawa syang mahalin. Minsan binabalak ko ng tigilan ito pero hindi ko magawa dahil ayokong makitang masaktan si Mayumi. Iniisip ko na kung tatagal pa kami baka mahulog din ako sa kanya. At least kay Mayumi ay hindi na ako masasaktan pero hindi lang ako ganong kasaya. Hindi lang ako buo.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon