Chapter 35

12.5K 665 639
                                    



Fin's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ko sa Grand Elite. Sinurpresa nga ako ng mga loko kaya hindi nila ako sinundo. Kami-kami na lang ang natira ngayon dahil umalis na kanina ang mga magulang namin na sumama sa pa-welcome back party nila kaliwa. Malalim na rin ang gabi pero gising pa rin kaming lima at nag-iinuman. Pinauwi na nila ang mga asawa nila dahil may mga trabaho pa raw. 

"Nalaman lang namin na nagpakasal sa iba si Dani nung umuwi si Sean. Hindi na namin binanggit sayo dahil alam namin na masakit ang ginawa sayo ni Dani." sabi ni Veron. Dani na lang ang tawag nila kay Ms. Dani dahil madalas daw nila ito makita at sa kagustuhan na rin ni Ms. Dani.

Naikwento ko rin sa kanila ang nangyaring pagkikita namin ni Ms. Dani sa airport dahil kay Devon. Kaklase ng kambal ni kaliwa si Devon kaya kilala nila.

"Seven years mong hindi nakita si Dani. Ano feeling na makita mo sya ngayon?" tanong ni Jade pero may ngiti sa labi na halatang may gustong ipahiwatig.

"Wag nga ako." saway ko sa kanya. Natawa naman sila.

"Hindi mo kami maloloko, Fin. Kilala ka namin. Siguradong apektado ka kay Dani." sabi ni kaliwa. Inirapan ko sila.

"Eh ano naman." nakangusong sabi ko. Nagtawanan naman sila. Sinamaan ko sila ng tingin.

"First love never dies talaga!" sigaw ni Gia.

Nakakailang irap na ako sa kanila pero hindi nila iyon pinapansin. Uminom na lang ako ng alak.

"Sa lahat ng minahal mo, si Dani at si Dani talaga 'no?" tanong ni Veron.

"Talagang pag-uusapan natin 'yan?"

"Sino ba nag-umpisa?" nakangising sabi ni kaliwa. Inirapan ko sya.

"Alam mo, Fin, sa lahat ng minahal mo, kay Dani ka lang tumitiklop." sabi ni Gia.

"True! Kay Rose, ang mabilis mo syang niligawan ganon rin kay tinapay. Kay Dianne, nung nalaman mong mahal mo sya, balak mo agad syang sagutin. Kay Dani, hindi ka man lang gumawa ng moves para mapalapit sa kanya." sabi ni Jade.

"Meron naman, Jade. Yung lasing si Dani." natatawang sabi ni Veron.

Namula ang mukha ko nung maalala ang nangyari noon.

"Namumula sya oh." pang-aasar ni Jade.

"Gagu, lasing lang ako." pangdadahilan ko.

"Lokohin mo lelang mo." sabi ni kaliwa. Inirapan ko sila. Nag-eenjoy silang asarin ako.

"Kung hindi lang sana mahal ni Dani si kaliwa noon ay baka kasal na kayo ni Dani." sabi ni Gia.

"Kaya nga eh, may nangyari na lahat-lahat sa kanila pero si kaliwa pa rin." sabi ni Veron. Hindi naman ako umimik.

"May part rin na kasalanan ko." napatingin kami kay kaliwa.

"Hindi mo kasalanan na ikaw ang mahal nya, kaliwa." sabi ko.

"Hindi ko talaga kasalanan 'yon 'no." tinignan namin sya na naguguluhan. 

"May iba ka pa bang kasalanan?" tanong ni Gia.

Bumuntong hininga si kaliwa. "May sinabi sakin si Dani pagkatapos nung may nangyari sa inyo. Naalala ninyo nung tumawag sya sakin noon bago yung nangyari kay lolo?" inalala ko naman yung sinasabi nya. "Hindi totoong kinamusta nya ako dahil ang totoo, sinabi nya lang sakin na may nangyari sa inyo at may nasabi syang bantayan ko si Fin."

"Bantayan si Fin?" sabay na tanong ni Jade at Veron.

Tumango si kaliwa. "Hindi ko na sinabi dahil baka umasa lang lalo si Fin pero umaasam ako na tama yung iniisip ko kay Dani. Umaasa ako na pagbibigyan nya si Fin. At ayun nga dumating si Rose at doon na tinuon ang atensyon ni Fin."

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon