Chapter 42

15.5K 709 673
                                    




Fin's POV

Gulat na nakatingin lang ako sa kanya. Matagal ko ng inaasam asam na magustuhan nya rin ako kaya nabibigla ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko na halos nabibingi na ako. Shit talaga.

"Pinigilan ko dahil alam kong hindi mo rin matatanggap pagkatapos ng mga nangyari pero naglakas loob ako ngayon. So please, hayaan mong iparamdam ko sayo ang nararamdaman ko. Alam kong hindi mo agad ako pagbibigyan. Inaasahan ko na 'yon kaya lahat gagawin ko para mahalin mo ulit ako." seryosong sabi nya.

Tinitigan ko sya ng mabuti. Seryoso nga sya sa sinasabi nya. Ganitong ganito sya dati kay kaliwa na gagawin ang lahat kahit na may girlfriend na si kaliwa ay hindi sya titigil.

"Hindi ko alam." bahagya itong nalungkot. "Ayoko ng masaktan ulit, Ms. Dani. Alam mo ba na kaya ako naging ganito dahil ilang beses na akong nasaktan? Hindi ako magawang mahalin ng mga taong minahal ko at iniwanan ako ng mga taong minsan minahal ako. Nangako akong hindi na muli akong magpapakatanga. Na huling beses na 'yon na masasaktan ako kaya naman hindi ko alam kung kaya kong magtiwala sa nararamdaman mo sakin."

"Alam ko. Hindi naman ako nagmamadali dahil gusto ko talagang ipakita sayo na totoo ang nararamdaman ko." napatingin ako sa hinawakan nyang kamay ko. "Hindi ako titigil hanggang sa magtiwala ka sakin."

"Kahit na saktan kita ay hindi ka titigil?" tanong ko.

"Hangga't kaya ko. Lahat tayo may limitasyon pero susubukan kong hindi sumuko."

Sumandal ako sa headboard at nakatingin sa kanya. Pinag-iisipan ko kung hahayaan ko ba sya. Oo nandoon pa rin yung nararamdaman ko para sa kanya kaya masaya ako na nagugustuhan nya na rin ako pero hindi ko talaga alam. Ayoko ng masaktan pa ulit. Ilang beses na nya akong nasaktan kaya hindi ko alam kung mauulit ba o magiging masaya na ba ako.

"Okay." nagliwanag ang mood nya. Palihim naman akong napangiti. "But it doesn't mean na titigil na akong makipag-sex sa ibang babae." napapoker face sya sa sinabi ko. Ako naman ay napangisi at inilapit ang mukha sa kanya. "Nanliligaw ka pa lang kaya hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko. Kung gusto mong tigilan ko, pigilan mo ako na hindi mo ako inuutusan."

"Mas pipiliiin mo ang ibang katawan kaysa sa katawan ko?" manghang tinignan ko sya.

"So payag ka kahit na nanliligaw ka pa lang?" paghahamon ko. Onti-unti na rin akong pumapaibabaw sa kanya.

"I'm not stupid para ishare ka sa iba." seryosong sabi nya. Napangiti ako at hinalikan sya.


Nandito ngayon si Nike sa office ko. Dinalaw nya ako at dinalhan ng pagkain. Alas onse pa lang pero nag-lunch na ako. Baka lumamig pa ang biniling pagkain ni Nike para sakin. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari samin ni Dani nung Friday night. Hindi yung mismong sex kundi yung sinabi nyang nagugustuhan nya na ako.

"Tapos? bumigay ka?" tanong nya habang naka-cross legs sya sa harapan ko. Naka-pencil skirt sya litaw ang makinis nyang mapuputing hita.

"Hmm?" inubos ko muna ang laman sa bibig ko bago ko sya sinagot. "Pinagbigyan ko sya."

"Ang bilis mo talagang bumigay. Ang rupok mo." nakairap na sabi nya. "So titino ka na pala nyan?"

"Matino ako ah." sabi ko.

"What I mean is sa pagiging playgirl mo."

"Nope." kumunot ang noo nya. "Hindi naman kami mag-girlfriend para mawala ang freedom kong gawin ang lahat ng gusto ko lalo na na makipaglandian sa ibang babae. Kung gusto nyang tigilan ko ang mambabae, gumawa sya ng paraan na hindi ako inuutusan. Nanliligaw pa lang sya kaya wala pa syang karapatan para kontrolin ako. "

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon