Chapter 38

12.2K 607 164
                                    




Fin's POV

Dahil sa bahay ko naglaro ang mga bata, sa bahay ko na rin nag-overnight pati si Ms. Dani.  Ayaw pa kasi magsiuwian ng mga bata lalo na si Devon kaya naman napa-overnight sila. Magkakasama ang mga bata sa iisang kwarto habang sa ibang guest room si Ms. Dani. Pinahiram ng kambal ng damit si Devon habang sila Gia naman yung para kay Ms. Dani.

Maaga akong nagising para ipagluto ng almusal ang mga bata. Bago bumaba ng kusina ay tinignan ko muna sila kung may gising na ba at nung makitang tulog pa silang lahat ay bumaba na ako ng kusina. Habang palakad ay may naamoy akong nagluluto. Nagtataka naman ako kung sino.

"Ms. Dani, hindi na sana kayo nag-abala pa." sabi ko nung makita syang nagluluto. Iniwas kong wag tumingin sa lantaran nyang hita. Nakasuot lang sya ng maikling short at white tshirt.

"Good morning." imbis na bati nya. Napakamot ako ng ulo at binati rin sya. "Sorry kung nakialam na ako ng kusina mo. Nasanay lang ako na maagang gumigising at nagluluto ng almusal."

"Ayos lang pero bisita ko kayo kaya hangga't maari ay hindi ko kayo pinapaasikaso." lumapit ako sa kanya. Nagluluto sya ng pancake pero nakaluto na sya ng fried rice. Nakitbitbalikat lang sya sa sinabi ko.

"May kape akong tinimpla. Mainit init pa yan kaya inumin mo na." sabi nya sabay lingon sa may island counter. May dalawang baso roon.

"Nakakahiya na talaga." mahinang sabi ko at lumapit sa mga baso. "Salamat sa kape." dahan-dahan akong humigop dahil mainit init pa nga talaga. Pero parang hindi ata kape ang nainom ko. Ngayon ko lang rin napansin ang bango nito. Hindi talaga kape ang nainom ko pero masarap.

Napansin ko si Ms. Dani na nakaharap sakin kaya nilingon ko sya. Nakatingin lang sakin.

"Ba-bakit?" tanong ko. May dumi ba ako sa mukha? naghilamos naman ako bago bumaba ah.

"Black tea ang iniinom mo, hindi kape." sabi nya. 

"Ohh black tea pala 'to, ang sarap ah."

"At para sakin sana yan." napatigil ako sa higop at tumingin sa kanya. Napanganga ako.

"So-sorry. Hindi ko napansin na black tea na pala 'tong nainom ko." napakagat ako ng labi. Halos magkakulay kasi eh. Akala ko parehas lang na kape kaya hindi na ako namili.

"It's okay. Yung kape na lang ang iinumin ko." sabi nya at nilapag ang pancake na niluto nya sa harapan ko. Nahihiyang napayuko na lang ako. "Nagugutom ka na ba?" tanong nya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi pa naman. Hihintayin ko na lang ang mga bata gumising para sabay-sabay na lang kumain. May maitutulong ba ako?" tanong ko.

"Kaya ko naman. Maupo ka na lang." sabi nya at bumalik sa pagluluto.

Hinayaan ko na lang ito sa gusto nya at ineenjoy ang black tea. Hindi ko alam kung saan sya nakakuha ng black tea dahil wala naman akong kahit anong tea sa bahay. Puro kape lang.

"Anong oras susunduin nila Left ang mga bata?" tanong nya.

"Mamaya pa ang mga 'yon. Naiwan lahat sakin ang mga anak nila eh. Alam mo na, may time sa asawa nila kaya mga puyat 'yon pwera lang kay Jade at Gia. Maya-maya lang nandyan na 'yan." sabi ko. Yung pangalawa nilang anak ay isang taon pa lang kaya hindi pwedeng maiwan sakin dahil palaging hahanapin ang mga magulang.

Lumapit sya sakin at uminom ng kape ko dapat. "Talagang playground ng mga anak nila ang bahay mo." napangiti naman ako.

"Maliit lang kasi yung playroom sa mga bahay nila. Puro pang mga magulang yung laman ng bahay nila." sabi ko. "At sinadya ko na mas malaki ang lugar na paglalaruan ng mga bata. Gusto ko kasi na maraming anak. " nakangiting sabi ko.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon