Voice

13 3 4
                                        

Dedicated to: Astronomer_s woi! sana magustuhan mo bhie hahaha salamat!

Amaris' POV

Galing akong school at kapapasok ko lang ng bahay. Agad akong dumiretso sa refrigerator at kumuha ng tubig. Uhaw na uhaw ako mula sa mahabang paglalakad pauwi.

Pagkatapos ibalik ang pitchel ay napansin kong may pink sticky note na nakadikit doon.

'Ate, may group project kami kaya baka hindi muna ko uuwi. Dito ako kanila Rayne tutulog hihi. Pasabi na rin kay mama'
                                           -StellaCute

Mamayang 7 pa ang uwi ni mama. Si kuya naman, ewan ko kung nasaan. Ako lang pala mag isa dito.

Umakyat na ako sa aking kuwarto para makapagpalit na. Pawis na pawis ako kya kailangan ko nang hubarin ang aking uniporme.

"Bakit kasi long sleeves eh kainit init dito sa Pilipinas" bulong ko sa sarili ko.

Habang nagpapalit ng damit, nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin. Kinilabutan ako sa naramdaman ko, malamig kasi at naeexpose talaga balat ko. Lumingon ako sa bintana at nakitang nakabukas pala ito kaya pumapasok ang hangin.

"Binuksan ko ba yung bintana? Bakit parang hindi?" naitanong ko sa sarili ko.

Kahit na nagtataka ay isinara ko ang bintana upang hindi na pumasok pang muli ang hangin. Tinapos ko na rin ang pagbibihis ko upang makapagluto na sa baba.

Magluluto nalang ako ng menudo. Para pag-uwi ni mama at kuya, makakain na kami.

Habang inihahanda ang mga ingredients na gagamitin ko, nakarinig ako ng kakaibang kaluskos sa labas, sa may garden.

'Ano yun?'

Kabado akong sumilip sa pintuan ng garden. Hinawakan ko ang walis at handa nang mamalo ng kung sino mang nandito.

Panibagong kaluskos ang narinig ko, mas malakas kaysa kanina. Geez, ang creepy!

Nadoble ang kaba ko nang makakita ng anino, isang malaking anino, mistulang halimaw. Dahan dahan akong lumapit.

"Wahhhh!!"

Iwinasiwas ko ang walis para mapalo ang kung sino man na nandito o kung ano man ito. Natigil lang ako nang, mapansin ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin.

"Meow..."

Sheezzzz!!! Pusang itim lang pala. Hays, kinabahan ako don ng sobra!

Binugaw ko ang pusa at saka bumalik upang simulan na ang pagluluto ko.

Sa kalagitnaan ng aking pagluluto, nakaramdam ako ng kakaibang presensya sa likod ko. Mahigpit kong hinawakan ang sandok at saka dahan dahang lumingon.

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" sigaw ko matapos makakita ng lalaking nakaitim mula ulo hanggang paa. Nakatakip ang buong mukha nito ng itim na maskara.

"S-sino ka?? A-anong kailangan mo?" kinakabahang tanong ko.

"Kailangan kita, sumama ka sa akin!" malamig na utos niya.

"A-ayoko!!!" sigaw ko at lumayo.

Mabilis niya akong binuhat kaya naman nagpumiglas ako.

"Bitiwan mo ko!!!! sino ka ba?? Ibaba mo ako!! TULONG!!! Tu--" paghingi ng tulong ang huli kong naalala bago ako makaamoy ng nakakahilong amoy at saka nahimatay.

********

"N-nasaan ako?? T-tulong!! Tulungan niyo ako!!!"

Isang oras na akong nagsisigaw dito ngunit wala pa rin akong nakikita kahit isang tao. Mapapaos na ako pero wala pa ring sumasaklolo sa akin.

Tahimik akong umiiyak sa habang nakatali sa isang upuan sa gitna ng blangkong kuwarto.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng nakakakilabot na tawa.

"S-sino ka?"

"Hulaan mo! Wahahaha" anang isang malamig na tinig, muli ay tumawa ng nakakatakot.

"Anong kailangan mo? Ilabas mo na ako dito. Parang awa mo na" pagmamakaawa ko at saka umiyak pang muli.

"Ikaw ang kailangan ko Amaris. Hindi pa tayo tapos maglaro, natutuwa pa akong kasama ka." sabi niya pagkatapos ay nakita ko ang isang tao sa harap ko.

Hindi ko siya makita nang buo pero kitang kita ko ang ngisi sa kanyang labi at ang patalim na hawak niya sa kanyang kamay.

"A-anong gagawin mo?" natatakot na tanong ko.

"Maglalaro tayo Amaris, masaya ito!" sabi niya at saka ngumisi ng isa pa.

Humakbang ito papalapit sa akin kaya naman nagpumiglas ako sa upuan.

"Lumayo ka!" pagmamakaawa ko.

Nang matagumpay na makalapit, hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko gamit ang kutsilyong hawak niya.

"Ang ganda mo talaga Amaris!!" sabi niya at saka tumawa ulit.

"L-layuan mo ako.. please" pakiusap ko pang muli.

"Hmmm.. Ang bango mo!" sabi niya habang inaamoy ang buhok ko.

Umilag naman ako sa kanya, ipinilig ko ang ulo ko sa kanan.

"Humarap ka sa akin, gusto kong makita ang mukha mo habang ginagawa ko ito." nakangisibg sabi niya at hinawakan ako sa pisngi ng mahigpit.

Lumapit siya sa aking mukha at hinalikan ang gilid ng labi ko. Agad ko namang inilayo ang ulo ko sa kanya at humikbi.

"AHHHHH!!" sigaw ko nang maramdaman ang kutsilyo na gumuhit sa binti ko.

Parang namanhid ang buong paa ko sa pakiramdam na yon.

"Ayan!!! Ang ganda mo lalo Amaris! Gusto mo isa pa?! HAHAHAHA"

Umiling ako ng umiling habang patuloy sa pag iyak.

"Tama na" mahinang sabi ko.

Nauubos ang lakas ko sa bawat dampi ng kanyang patalim sa balat ko.

Isang hiwa pa ang ginawa niya sa aking braso, mas matalim kaya napasigaw ulit ako.

"Ahhhhhh!!!" sigaw ko at tawa na naman niya ang huling narinig ko bago nagdilim ang lahat.

"AMARIS!!!!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Pagtingin ko sa kanan ko, nandoon si kuya at nagtatakang nakatingin sa akin.

"K-kuya? Kanina ka pa nanjan?" tanong ko.

"Oo at pagdating ko, umaapaw na yung niluluto mo at nakatulala ka lang!! Bakit kasi nagluto ka pa, dapat nandoon ka lang sa kuwarto mo diba." sabi niya at saka inabutan ako ng tubig.

"Kuya.." wala akong masabi.

"Shh, magpahinga ka na doon, uminom ka ng gamot mo mamaya." sabi niya.

Tumango ako at umakyat na.

Oo nga pala, may sakit ako.

I am a schizoprenic person. I was diagnosed years ago that I have schizoprenia. An illness that creates hallucinations, delusions and hears random voices. At kanina, umatake na naman, nakarinig na naman ako ng kakaibang mga boses at nakaimbento ng nakakatakot na eksena. Kailan kaya ito matitigil?

'Tulungan niyo ako...'

Author's  Note:

Hey!!! Sana nagustuhan niyo hehe.. I'm not really in this type of story, yung parang mystery tsaka medyo thriller so bare with it haha.. I was just trying if I could do other genre. Rate niyo to ha! Wuv you all!!! <3

My One Shot StoriesWhere stories live. Discover now