Her

24 16 7
                                    

"Ayan! Wala ka talagang utak! Simpleng bagay na pinapahanap hindi mo magawa!! Tabi nga! Wala kang kwenta! Buti pa si Shamille, pag inutusan nahahanap kaagad! Kainis ka!" Inis na sabi ni Nanay at padabog na nilampasan ako.

Nasagi pa nga ang balikat ko ngunit hindi ko na iyon ininda. ---------------------------------------------------

"Ang galing mo talaga Hazel, sigurado proud sa iyo ang Nanay mo!" Nakangiting sabi ni Aling Yolly sa akin.

"Sana po. Salamat po Aling Yolly!"

"Wala yun. Sa susunod ulit!" Paalam nito bago umalis

"Nay, heto na po card ko." Nakangiting bungad ko kay Nanay at saka iniabot ang card na pinakuha ko kay Aling Yolly.

Wala daw kasing time si Nanay.

Tuwing kuhaan ng card ko ay wala siya pero kumpleto sa attendance pag kay Shamille, hindi ko nalang pinapansin, baka kasi nagkataon lang.

"Ano bang klaseng grades ito. 93? Mababa! kumpara kay Shamille na nakakuha ng 95. Ayan Puro ka kasi barkada. Landi-landi mo pa!! Edi nga- nga  ka ngayon. Buset to, walang kuwenta!" Naiinis na sabi nito saka padarag na ibinato sa sahig ang card ko.

Nagpipigil Luha ko itong pinulot at saka ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya.

"Salamat po. Aakyat na po ako sa taas" paalam ko at saka nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko at umiyak. ---------------------------------------

"Mare, may mutya ng brgy. ulit ngayong buwan. Isali mo si Hazel, ganda pa naman nun"

Napalingon ako sa dako nila nanay ng marinig ko ang pangalan ko.

Mutya ng brgy?

Mukang masaya at maganda yun ahh. Gusto kong sumali!

"Si Hazel? Wag iyon, hindi mananalo pag ka iyon ang nilaban. Si Shamille sigurado hakot award yun. Siya nalang. Di hamak na Mas maganda naman si Shamille kaysa sa ate niya" sagot ni Nanay na siya namang ikinalungkot ko.

Si Shamille nga ang isinali at gaya ng inaasahan ni Nanay ay siya nga ang nanalo kaya naman nagpahanda ña siya sa sobrang tuwa.

-----------------------------------
"Nay, gusto ko pong sumali sa singing contest sa school. Papayagan niyo po ba ako?" Pagpapaalam ko

"Singing contest? Ano naman kalokohan ang pumasok sa kokote mo at naisipan mo iyan? Kala mo naman marunong. Magkakalat ka lang don, tumigil ka!" Inis na bulyaw nito sa akin

"Bwis*et to, panira ng araw!!!" -------------------------------------------- Tumutugtog ako ng gitara sa sala ng pumasok sa bahay si kapitan.

"Aba, Hazel! Mahusay ka pala maggitara?"

"Naku kap, hindi naman po, marunong lang po" nahihiyang sabi ko

"Ayy kap! Kung nakita mo si Shamille, ang galing galing mag piano, marunong din iyon mag violin at kumakanta pa ng mahusay. Mas mahusay iyon kay Hazel, magaling din iyon sa~"

-----------------------------------

"Graduate na po ako nay!" Masayang bati ko dala ang diploma at medalya na nakuha ko.

" EDI mabuti, para may saysay ang buhay mong walang kwenta, hindi yung barkada ka mg barkada at landi ng landi kung saan saan" pairap nitong sabi atsaka ipinagpatuloy ang paggagayat ng mga rekado, hindi para sa handa ng graduation ko kundi sa paparty na hiling ni Shamille kasama ang mga kaibigan nito.

Mabigat ang loob na pumanhik ako sa aking kuwarto atsaka tinext si Yohan, ang best friend ko -----------------------------

"Nay, si Yohan po, boyfriend ko" pagpapakilala ko kay Nanay.

My One Shot StoriesWhere stories live. Discover now