Mata

2 1 1
                                    

"Uhhmm.. Yes Apple, papunta na ako. Wait for me okay?" Sabi ko sa bestfriend ko and then pinatay na ang phone matapos niyang sumagot.

Foundation day kasi ngayon sa school pero tinanghali ako ng gising. Ayan, ngarag tuloy ako at nagmamadali nang pumasok. Bago pa naman makapunta sa university namin, kailangan ko pang magtake ng train. Kaya tinawagan ko muna si Apple para icheck na ang name ko sa attendance.

Nakapila ako sa labas ng train station at init na init na talaga ako. Ang haggard ko na rin hindi pa nga ako nakakapasok sa tren. Sayang outfit ko beh!

Nang sa wakas ay makapasok na sa train. Hindi naman siksikan, thank goodness. Hindi kasi katulad ng MRT or LRT sa Pinas ang mga train dito sa U.S. makakaupo ka ng matiwasay kahit pa marami kayo.

Habang nakaupo, binuksan ko ang cellphone ko para sabihan si Apple na nakasakay na ako sa tren.

To:Apple Bes

'Bes malapit na ako, nakasakay na ako sa train'

*message sent

Habang hinihintay ang text ni Apple, nagscroll muna ako sa social media ko.

Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaiba.

Uncomfortable feeling, parang may nakatingin sa akin. Parang may isang pares ng mata na sumusuri sa akin at nakakapanindig ng balahibo.

Luminga linga ako sa paligid. Nothing suspicious naman.

'Baka guni guni ko lang kase bangag ako?'

Nagiiscroll ako ng mapansin ang isang lalaki di kalayuan sa akin na pasulyap sulyap sa akin.

Every 1 minute or 2, tumitingin siya sa akin.

Kinakabahan na ako. Although guwapo siya, ang creepy pa rin.

Hindi ko ipinahalata na napansin ko siya. Patuloy pa rin siya sa pagsulyap kaya sinusubukan kong hulihin siya. Tumingin ako sa gawi niya, at siya naman ay agad na yumuyuko.

Hala... Stalker ba ito? Nakakatakot, kinakabahan talaga ako. Hindi naman ako judger pero, ang creepy lang talaga.

Nang makarating sa station na bababaan ko, agad akong tumayo, nagsisimula na rin akong magpanic nang mamataan ang lalaki na tumayo rin.

Susundan niya ba ako?

Pagbukas ng pinto ng train, dali dali akong lumabas. Lakad takbo pa nga ang ginagawa ko. Lalo akong kinabahan nang tumakbo yung lalaki palapit sa akin kaya tumakbo na ako.

Hinahabol niya pa rin ako kaya lakas loob akong humarap at iniharang ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang bag ko at pilit hinahanap ang ballpen ko.

"STOP! Don't do anything or I'll call the police!"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan yung stalker. Nakakapagtaka lang dahil ngumit lang ito sa akin.

"Hey, miss, calm down. I'm not gonna do anything to you. I just want to give you this. I saw you at the train a while ago, I was fascinated with your hazel brown eyes so I took it as the opportunity to draw you." He said.

Nakatulala lang ako sa kanya.

'A-Ano raw?'

Iniabot niya sa akin ang papel, naroon ang drawing or sketch ng mukha ko, nakaharap at may hawak na cellphone. Ito siguro nung humarap ako sa kanya kasi hinahanap ko yung pares ng matang tumitingin sa akin.

"O-oh, really? Thanks.. Y-you draw me so well! I'm sorry I misjudged you." Sincere kong sinabi.

I was so shocked with his drawings. Napakadetailed at mahusay talaga. Mas nakapagpabilib sa akin nang marealize kong, ilang minuto lang kami sa loob ng tren ngunit nagawa niya akong maiguhit ng napakahusay. Naka emphasize rin ang hazel brown eyes ko at dinagdagan niya iyon ng effects na lalong nagpakinang sa aking mga mata.

Ang galing!

"It's okay. I'm Kurt anyway, may I know your name?"

"I'm D-dionne.. N-nice meeting you K-kurt"

And yeah.. Time flies by so fast, Kurt and I is now celebrating our 2nd anniversary. Who would've thought that, because of my eyes, and a pair of eyes suspicious at first, here comes to people binded together to love each other.

-End-

Author's Note:

Hiiiiii!!!! How are you?? I hope you like this story. Please vote and leave a comment if you liked it. I appreciate you very much. Wuv you! <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My One Shot StoriesWhere stories live. Discover now