"Sara, dali libre kita ice cream!" Pag aya ko sa kaibigan ko.
Siya lang ang kaisa isa kong kaibigang babae, may pag ka nerd kasi ako kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin, buti nalang nakilala ko si Sara.
"Nako Bam-bam, may kailangan ka noh?" Sabi naman nito paglapit.
"Wala kaya, gusto lang kitang itreat, syempre kaibigan kita" sabi ko
"Ows? Ano na naman ba yun?" Natatawang sabi nito
"Magte thank you lang ako kasi naging kaibigan kita. Ikaw lang kaya pumapansin sa akin sa school!" Sabi ko at saka ngumiti.
"Weh??? Ang drama mo Bam haha lika nga payakap!" Natatawang sabi nito atsaka ako hinila para mayakap.
Hindi ko Iyon inaasahan kaya naman nagulat ako at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko na sobrang lakas ng kabog.
Matagal tagal ko na ding kaibigan si Sara at hindi lang ito ang unang beses na ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya.
Para akong batang hindi mapakali at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos hindi ko na marinig ang ibang tunog sa lakas nito. Ang bilis din nito na parang hinahabol ako ng libo libong kabayo.
Minsan na ring nag slow motion ang paligid ko nang matitigan ko siya. Minsan, parang siya na lang ang nakikita ko...
Teka? In love na ba ako sa best friend ko?
Pero, Paano ko aaminin?
Masasabi ko kaya sa kanya Iyon?
Matatanggap kaya niya?
O.... Iiwan niya ako?
Baka masira ang pagkakaibigan namin at iwasan niya ako.
Ayoko nun... Anong gagawin ko?
"Baaaaammm!!! May kuwento ako, dali halika!!!" Maingay na sigaw ni Sara nang isang beses ay magpunta ito sa bahay.
Buti nalang naglinis ako ng kuwarto, bigla na nalang kasi itong pumasok, kaliligo ko lang at nakasuot lang ako ng T-shirt at pajamas.
Wala rin ang salamin ko!!
"Ano ba yan Sara! Basta nalang napasok ihh" inis kunwaring sabi ko pero ang totoo ay eto na naman.. Para nanamang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis.
Hays..
"Ehh kasi Bam!!! Naalala mo si Paolo??? Yung crush ko?"
Ahh si Paolo..
"Yung kinukuwento mo na guwapo at matalino tas mahusay sa basketball?" Tanong ko..
Kilala ko, bukambibig niya lagi ehh.
"Yep!! Nanotice niya ako at inaya magdate.. Wahhhhhh!!! Kinikilig ako, Bam!!! This is it!" Tuwang tuwa na sabi nito.
"Ahh okay" sabi ko nalang.
"Uyy, hindi ka ba masaya?" Tanong niya bigla..
Napansin niya sigurong nalungkot ako.
"Ha? S-syempre, masaya. Wag ka lang nun paiiyakin ha! Patay yun sa akin! Tas aagawin kita" syempre binulong ko yung dulong part.
"Huh?"
"Wala! Sabi ko wag easy to get!"
"Oyy syempre hindi, papaligaw muna ako" kinikilig na sabi nito.
Lumipas ang panahon at saksi ako sa panliligaw ni Paolo sa best friend ko.
Di naman masakit... Sakto lang
"Bam! Sasagutin ko na siya mamaya! After ng championship nila!" Tuwang tuwa na sabi nito
"T-talaga? A-ayos yun!" Sabi ko kahit..
Ang sakit na talaga...
Naging sila..
At gaya ng inaasahan ko unti unti akong nakalimutan ng best friend ko.
Samantalang ako, heto, naiwan at naghihintay parin sa kanya.
Wala ehh.. Mahal ko pa din siya. Kahit alam kong walang chance, mahal ko pa din.
Ang torpe ko kase!!!
Nakakainis!
Mag isa nalang akong kumain ng ice cream..
Mag isa nalang akong magfood trip..
Mag isa nalang ako ulit...
"Bam! Sorry ahh.. Medyo busy lately, yaan mo, babawi ako sayo promise. May bibigay pala ako sayo!" Sabi niya ng minsang magkasalubong kami sa coffee shop.
Inabot niya sa akin ang isang gold envelope.
"Sana makapunta ka..." Sabi niya at nagpaalam na umalis.
~Sara Felicity Caridad & Paolo Gavin Valdez Wedding~
Kasal????
Ganoon na ba kahuli ang lahat?
Bakit kasi hindi pa ako nagtapat noon?
Ngayon ako ang nahihirapan Ang galing...
Ang lupet...
Ang Savage...
Ngayon na ang araw...
Sa isang garden ay nakita ko mula sa bukana ng pinto ang babaeng iniibig ko. Ang nag-iisang minahal ko ng buo. Ang saya niya tingnan habang naglalakad papunta sa amin.
Ang ganda niya sa puting bestida. Bagay sa kanya ang lahat lahat ngayon. Umiiyak siya ng lumapit sa akin.
"Salamat, Bam, Sa lahat.. Ikaw ang best of best friend ko" umiiyak na sabi nito
"Wala yun.. Tandaan mo lang na lagi akong nandito para sayo, bilang bestfriend mo syempre. At best man ng mapapangasawa mo",mapait akong tumawa.
"Oo nga. I love you best friend hihi" natatawang sabi nito.
Tumango lang ako at ibinigay na siya sa KUYA ko.
"Ingatan mo yan kuya! Lagot ka sakin pag sinaktan mo ang nag iisang BESTFRIEND ko"
"Of course little bro! Akong bahala dito. Thanks man!" Sabi nito atsaka ako tinapik sa balikat.
Nagsimula ang seremonya at gusto kong I congratulate ang sarili ko dahil natapos ko ang program nang hindi umiiyak.
I am indeed the best man.
The best man for hiding my own feelings and sacrificing for the sake other people's happiness.
Author's Note:
Hi guys!! Kumusta kayo?? Thank you sa pagbasa hihi.. Comment kayo ahh, para maimprove ko pa pagsulat ko. Soon, i'll be posting poems naman. Sana support niyo den.
Wuv you all!!! <3
