365

64 19 9
                                    

...
"Woi Chase! Truth or dare?" Sabi ni Macky..

Kasalukuyan kasing nasa conference room ang mga teachers kaya free time namin.

Naisipan naming barkada na mag truth or dare or spin the bottle pampalipas oras. Hindi rin naman kasi kami pwedeng umuwi, pagagalitan kami ng guard.

"Chase!!" Tawag uli ni Macky. Sa akin nanaman nakatapat ang bote nakaka-3 na akong truth.

Easy lang mga tanong nila, mga loko.

1st-Anong hinahanap mo sa babae?

Answer: wala basta mahal ako

2nd- Car or motor?

Answer: car

3rd- ano color ng underwear mo?

Answer: secr- green.

"HOY! Chase! Dare ka naman ahh" sabi ni Gerry

"Wala naman akong magagawa" kibit balikat na sabi ko.

"Okay, so.. Ano ba maganda ipagawa dito?" Nakangising sabi ni Macky.

Tuwang tuwa ang loko ay..

"Ayy alam ko na!" Lumapit si Veina sa kanya at bumulong.

"Lah! Lame eh.. Eto na lang!"

Nakangising lumapit si Mike kay Macky, nakinig pa ang loko sa bulong ni Veina

-_-

Bigla namang ngumisi na parang aso si Macky pagkatapos marinig ang binulong ni Mike.

"Okay, Chase! Pag hindi mo ito nagawa, ililibre mo kami sa graduation natin next year! Lahat ng barkada sagot mo haha" Tuwang tuwa na sabi nito.

"G. Ano ba kasi ipapagawa niyo? Para kayong buang eh" natatawang sabi ko

"Kilala mo si Sky Morales?" Tanong niya

"Oo, ano?" Tanong ko

"Kailangan mo siyang mapasagot at magtagal kayo ng more than 6 months. Pero dapat pre hindi ka mahulog sa kanya.Easy lang Yon sayo, may crush yan sayo eh haha ano g ka?" Sabi niya

Sky Morales?

Bahagya akong lumingon sa gawi nito. Tahimik siyang nagbabasa sa dulo ng upuan sa pinakalikod. Mukang inosente, kaya ko naman siguro yung dare? Sabi naman ni Macky crush Ako niyan eh.

"Game!" Sabi ko na ikinatuwa ng mga buset kong kasama. ----------------------------------------------------------- "Hi Sky!" Tawag ko kay Sky. Ngayon ang unang araw na sisimulan ko ang dare ng mga kaibigan ko.

"C-Chase? A-ahh... Bakit? M-may kailangan ka ba?" Nauutal na sabi niya.

Well she's cute but this is just a dare..

So..

"Wala naman.. Gusto lang kitang ayain mag lunch. Okay lang sayo?"

"H-ha? Bakit?" Nagtatakang tanong niya

"Gusto ko lang. Ayaw mo ba?" Tanong ko

"GUSTO! S-Siyempre ano mag lunch Oo. O-okay lang" nakatungong sabi niya.

"Okay Tara.. Akin na yung mga gamit mo, Ako na magdadala" sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis. Nakita ko namang namula siya ng kuhanin ko ang notebook na nasa kamay niya at nahawakan ko ng kaunti ang daliri niya.

"Ang cute mo naman mahiya Sky!" Pang aasar ko pa. Lalo lang siyang yumuko.

"T-tara na.. Malapit na mag b-bell" sabi niya atsaka nauna nang maglakad ---------------------------------------------------------- "Chase! Dinalhan kita ng lunch, gawa ko ito, niluto ko kanina" sabi ni Sky isang araw.

My One Shot StoriesWhere stories live. Discover now