Pagod ang mga paa nang dumating ka sa inuupahan mong apartment,halos di muna napansin ang oras at nkatulog ka nalang pagkalapat ng iyong katawan sa kama.Kinabukasan :
Alas 4 ng madaling araw ay nagising ka bigla sa ingay sa labas ng bintana, dinungaw mo ito at tumambad ang nagwawalang lalaki,hawak hawak nito ang bote ng alak, lasing ito at pasuray suray sa daan.
Mang Romy! Inumaga ka ata ng tagay ngayon? Bagong sahod ba? (Malakas mong sigaw sa matandang nasa baba, ngumite ang matanda ng makita ka sa bintana)
Oy! Magandang Gabi! Umaga? (Nalilitong saad nito) Musta! Pasensya na! Me nag aya kasi sakin si pareng tasyo! Bertde! Lika! Tagay tayo! (Akay nito sayo habang pasuray suray sa kalsada, ngunit nagulat ito ng me nagtapon ng tubig sa harapan nito, nagulat ka rin at nakita mong lumabas si Jake sa baba) Ay lintek na---- (nakita nito si jake na nakasuot ng nighties na black) Hi, Byutipol!
(Pakyut nitong bigkas ng makita si jake)Wag mo ko mabyuti-byutipol jan ha! Ke aga aga nangbubulabog ka! Lasing kana naman! Umuwi kna parang awa muna! (Pagtataboy nito sa lalaki) Sige na uwi na! Sasusunod Mang Romy kung mang bubulabog ka dun sa bahay nayon ha! Wag dito! (Turo nito sa bahay ng nakaalitang bakla nito noong isang araw) Kaloka! Pati Beauty Rest ko, Peyld! Wala! Haggardo na ang friendship mo day! (Gigil nito ng pumasok sa loob ng apartment) Coffee fresh from the Maker! (Natatawa mong Offer sa kaibigan mo.)
Alas 6 palang ng umaga ay nasa tapat kana ng Maicz Corp, kinakabahan ka't nae-excite, tinahak mo agad ang Elevator at pinindot ang LMO Button, pagbukas palang nito ay me nakasalubong kang babae, halatang sosyal, mukhang modelo ito sa tangkad at kutis nitofd, nagmamadali itong pumasok sa Elevator, parang me hinahabol na oras o kung anuman, napa awang ang iyong bibig noong napansin mo ang mga saplot ng lalaki sa sahig ng penthouse, agaran mong niligpit ito, habang isa isa mong pinupulot ang mga saplot sa sahig ay di mo namalayang patungo kana pala sa malaking kama neto, napalunok ka nalang ng makita mo ang isang lalaking mahimbing na natutulog, napakagat labi ka ng napansin mo ang mala Christ Hemsworth nitong pangangatawan, labing mapupula na ke sarap halikan.
Gosh! Ano ba ang nagawa kung mabuti at biniyaya mo ko ng ganito ka yummy na Boss! (Bulong mo sa sarili) Lord! Kung nananaginip ako ngayun! Please wag muna ako gisingin! (Habang pinagsasawaan mo ng tingin ang buong katawan nito, napapakagat labi ka nalang sa kilig,nang bigla ito umungol at mukhang naalimpungatan sa liwanag na nagmumula sa labas ng gusali, nagulat ka bigla at dalidali kang nagtungo sa Recieving Area nito, Dali dali kang naglipit ng kalat at gumawa ng kape, ilang sandali lang at lumabas na si Liam, Nakasuot ng tuwalya sa pang ibaba nito ngunit walang saplot sa pang itaas nito, napalunok kang muli ng lumapit ito sayo, nalanghap mo ang bango ng katawan nitong halatang kalalabas lang ng shower, kinuha nito ang kape sayo na iaabot mo sana kanya.
Wala ka bang planong ibigay ang kape ko? (Iritang saad nito sayo) Gaya ng sabi ko kahapon ayoko ng tatanga tanga! (Di mo pinansin ang sinabi nito at hinayaan mo ang sariling i-enjoy ang nakalantad nitong abs sa iyong harapan) Are you done with your day dreaming again? (Nakapamewang nitong saad sayo,doon mo lang napansing nakatulala kana pala sa kanya) Kung patuloy kang ganyan baka hanggang linggo kalang! Ipaghanda mo ko ng makakain (sabay kang tinalikuran nito)
![](https://img.wattpad.com/cover/253843097-288-k890242.jpg)
BINABASA MO ANG
My Snobbish Boss
RomantikMayaman, Matipuno, Balingkinitan, Gwapo at higit sa lahat nag iisang taga pagmana ng Maicz Corp. Ano pa ba ang hahanapin ng isang babae sa lalaking ito? Ang Tanong Mahulog kaya ito sa Simpleng Babae o Me pag asa kayang magkagusto ito? Subaybayan an...