MSB Chapter 4 : Mansion

20 3 0
                                    

Chapter 4 : MANSION

Inabot ng humigit kumulang ng dalawang oras ang byahe niyo patungo sa inyong pupuntahan, dalawang oras na nabalot ng katahimikan habang binabaybay niyo daanan patungo dito, napansin mo ang binata kunot noong nakatitig sa napaka laking gate sa inyong harapan nang inihinto nito ang sasakyan. Tiim bagang pa rin ang boss mong si Liam hanggang sa pagkakataong ito. Biglang bumukas ang napakalaking gate nito,  tulaktulak ng dalawang guwardiya na naroon, sumenyas ito na pwede ng ipasok ang sasakyan, ngunit di kumibo si Liam, nakatitig lang ito sa bukas na Gate. Napatitig ka dito habang nagtataka, ilang minuto din ay pinaandar na nito ang sasakyan saka malalim na bumuntong hininga.

Tumambad sa iyong mga mata ang mala-palasyong bahay, di man ito modernong pagkakagawa ngunit naroon pa din ang ganda at natatangi nitong itsura.

Bago ka pa magbukas ng pinto ng sasakyan di mo namalayang bumaba na pala si Liam, kaya dalidali kang bumaba. Nilapitan ka ng isang naka-unipormeng babae na halatang me edad na ito, marahang kinuha nito ang bitbit mong Suit na nakalagay pa sa mamahaling lagayan.

Ito ba yung susuotin ni Sir Liam Mamaya Maam? (Nakangiting saad nito sayo)
Ah eh siguro? (Maang sagot mo)
Mukha pong pagod po kayo sa byeha, hayaan niyo po akong dalhin ko kayo sa iyong silid upang makapagpahinga.. (ngiting saad nito sayo habang marahang inaakay ka papasok)

Ngayon lang nagdala si Sir Liam ng babae dito, maaaring espesyal ka! (Ngiting ngiti ito sa iyo) Luh! Naku naku! Nagkakamali ka! P.A. niya lang po ako! Kakasimula ko nga lang kahapon. (Bahagya kang napangiti sabay kamot sa batog mo habang sinasagot mo ang kausap) At baka ngayon araw naman ako sesesantihin ng amo mo..(Bulong mo sa sarili) Bihira lang ba nauwi si Sir Liam dito? (Tanong mo dito, ngunit tumango lang ito,saka humito sa harap ng isang kwarto, sabay bukas ng isang pinto) Magpahinga ka muna dito Maam. Tatawagin nalang kita kung handa na ang pagkain.. ( Di na ito pumasok sa kwarto, saka agad na itong nagpaalam)

Nilibot mo ang iyong paningin sa kwarto, katangi tangi ang disenyo nito, maging ang bawat sulok nito, walang masyadong palamuti o dekorasyon maliban ang isang malaking Portrait ng isang Babae at batang lalaki na nakasakay sa puting kabayo, nag iisa ngunit kaaya ayang tingnan ang larawan, isa ngunit sapat na para mas maging maganda ang silid. Tinungo mo ang bintana, napaka ganda ng  harden sa baba, napaka presko ng hangin na animoy nasa gitna ka sa isang mahiwagang harden na puno ng bulaklak, napapikit ka sabay langhap ng sariwang hangin na nagmumula sa malapit na harden, kalaunan nakaramdam ka ng pagod! Tinungo mo ang paliguan, at nakita mo ang malaking banyera/bathtub.

Perfect! (Bulong mo sa sarili)
Kahit sandali lang..bago ko harapin ang galit na leon! (Isa isa mong hinubad ang iyong sout at inayos ito bago pumasok sa malaking banyera)

Pagkarating ni Liam sa Mansion agad nitong tinungo ang amang naka upo sa gilid ng malawak na swimming pool,nagpapalit palit ng paniha ng pahayagan na animo'y me hinahanap ng isang importanteng artikulo. Binati nito ang ama at hinalikan ang buhok saka umupo sa bakanteng upuan sa harap nito.

So, what's the rush Dad?
(Mahinahong tanong nito sa ama habang nilalaro nito ang ice sa juice nito)
I just missed you my son, that's the rush!
(Nakangiti nitong tugon kasabay nitong ibinaba ang pahayagan sa mesa)
Really Dad?
I have a Company to run 2hrs away from here, tapos sasabihin mo sakin, you just missed me? Inutusan mo pa yung paborito mong si Arnel para tawagan ako at pauwiin ako dito!
(Iritang saad nito sa ama)
At napauwi din naman kita hindi ba? Your here now! Im happy to see you son..
(Natatawa nitong sagot sa binata)
What's the catch Dad?
(Seryosong tanong ng binata sa ama)
Nakalimutan mo na siguro, Its your mom and i wedding anniversary, naisip ko lang baka this time you can celebrate it with me?
(Saad nitong me lungkot sa mga binitawan  salita sa binata)
Hmmm...do i have a choice dad?
(Natatawa nitong sagot sa ama, lumiwanag ang mukha ng matanda sa sinabi ng anak)
Come here! Give me a huge hug son!
I really missed you really..
(Nilapitan nito ng binata at inakap)
I miss you too Dad!
Guess, i'll grab a nap and a warm bath..
(Paalam nito sa ama para bitawan siya nito sa mahigpit na akap,tinapik siya nito sa balikat,saka hinayaan na umalis)

Tinungo ng binata ang  silid nito, nilibot ang paningin sa bawat sulok ng dating kwarto, walang ipinagbago mula ng iwan niya ito..hinubad nito ang lahat ng saplot, hubo't hubad nitong tinungo ang paliguan.

Pagbukas nya ng pinto ng paliguan, tumambad  sa kanyang harapan ang nakatalikod na isang babaeng mala Eva ang hubog ng katawan, ang kutis nitong kala mo'y nakasisilaw habang nagtatalimsaw ang tubig mula buhok hanggang sa paanan, ilang minuto na muna itong pinagmasdan, na para bang tinatawag neto ang kanyang katawan,napa Igtad ang binata ng bigla nalang me sumigaw!

Rape! Rape! Rapist!
(Hawak nito ang sarili habang nagsisisigaw!)
What?! (Gulat nitong saad)
What the hell! (Dalidali nitong hinawakan ang iyong bibig) What-- (Saka mo lang nakilala ang lalaki, Nanlaki bigla ang yung mga mata at Nagkasalubong ang iyong mga mata, naibaba mo ang iyong paningin sa katawan nito,pababa ng pababa..pareho kayo nanlaki ang mata ng mapagtanto ninyong pareho pala kayong hubo't hubad, dalidali ninyong kinuha ang tuwalya.)

What the hell are you doing here!?
(Kunot noo nitong tanong sayo,  kasabay mong hinablot ang tuwalyang hawak nito para tabunan ang iyong hubad na katawan)
What the--- hmmm... (Tiningnan ka mula ulo hanggang paa,di nito pinansin ang hubad na katawang nakabandera sa iyong harapan) A few hours ago You humiliate me and calling me Gay! At ngayon naman! Pinasok mo ang kwarto ko ng walang paalam, So! What's Next? Are you going to seduce me now? (ipinatong niya ang mga braso sa dibdib, habang naka arko ang kilay na nakatitig pa rin sayo, naglalaro ang nakakalukong ngiti sa gilid ng labing mapupula nito.)

Ano? Wala- i mean! Ano kasi--  (Di ka makasagot ng deretcho, dahil sa hubad na katawang nasa harap mo.)

What is it Miss? (Saad habang Marahan ka nitong nilalapitan, ngunit sa pagkakataong ito,seryoso itong naka tingin sa iyong mga mata) Please! Wag po! (Mahigpit mong hinawakan ang tuwalya sabay mong ipinikit ang iyong mga mata, Ramdam mo ang init ng hininga nito sa iyong noo, kasabay nito ang pag agus ng malakas ng buhos ng tubig, marahan mong idinilat ang iyong mga mata at napansin mong nasa loob na ito ng malaking Banyera/bathtub, Nakatayo at ninanamnam ang lamig ng tubig sa mukha, doon mo napagtantong lumabas na ng banyo.)

Oh my! Oh my! (Nahihiya mong saad sa sarili) this is totally disaster! ( Mabilis kang nagbihis at nilisan ang kwarto)

My Snobbish BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon