(Pierce PoV)
Ako nga pala si Pierce. Isang 4th year highschool student. Yung nagkukulong sa madilim na lugar para lang sa games.
I"m just a normal boy. I guess. Mahilig ako sa mga horror stuff and such. Hindi ako natatawa sa mga comedy genres. Hindi rin ako kinikilig sa romance genres. Ang gusto ko horror. Horror genres ang nagpapasaya sakin. Gustong gusto ko ng mga patayan, mga dugo dugo, mga multo, at nakakatakot na mga bagay.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Na madilim at maraming mga design na figures. Nandito sina Chuckie, Anabelle, Monobear, at iba pa. Maskara pa nga ni scream nakasabit sa pintuan ko. Ganda diba? This is my Nirvana. If you know what I mean?
Nag fe-facebook ako ngayon. Matagal na akong hindi nakakapag post ng kung ano sa facebook. Makapagpost nga.
"I love ghosts, brutality, blood, zombies, dead, and gore."
Nag update lang ako nang status. Wala naman na akong gagawin sa facebook kaya nag logout na rin ako kaagad. Hindi ako yung tyoe nangtao nakikipag chat pa at nag lalaro ng games sa facebook. Wala naman kasing gaanong horror games sa facebook.
(Sa School)
Ito ang pinaka-ayaw ko na lugar sa mundo. Di naman dahil sa mga lessons na matututunan sa school. In fact, isa ako sa mga pinaka matatalino sa buong campus wag ka! Nakakapagtaka ba? Ako rin nagtataka.
Ang ayaw ko sa school ay dahil sa isang babae. To be honest she's my stalker. Ngayon nga naglalakad ako sa hallway papunta ng room ko ramdam ko na nakatingin siya sa likuran ko. Natatakot tuloy akong lumingon.
Lagi na akong sinusundan ng babaeng yun dito sa campus. Sa totoo nyan, classmate ko siya. Malay mo nagkataon lang na sabay kami naglalakad papunta ng classroom. Pero hindi! Let me tell you a short story kani-kanina lang.
(Flash back)
"Ugh" gumising ako na nakaupo sa study table ko na pinagpapatungan ng monitor ng computer ko. Umaga na pala.
Bigla akong nakatulog kagabi. Nanonood kasi ako. Uyyyy! Hindi ah! Hindi ako mahilig sa ganyan! Nuh uh! Nanonood ako ng Horror movie kagabi. Uulitin ko nalanh mamaya kasi hindi ko gaanong naintindihan yung pinapanood ko. Pumipikit pikit na kasi ako eh.
Tiningnan ko yung orasan ko na nakalagay sa bunganga ng isang tao at dila yung hour at minute hand. Nahati kasi yung dila niya. Figurine lang yun wag kayong mag alala. kasi may pasok kami ngayon. Lakas ko no? Nagpupuyat kahit may pasok.
Late na ko! This is not a problem for me. Lagi tong nangyayare. As in.
Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako ng pintuan ng bahay at tatakbo na ako papunta ng school. Pagakalabas ko may nakita akong babae na nagtatago. Nakikita ko naman. Sa isang poste.
(Present)
And there you have it! Ano? Duda panba kayo na hindi ko siya stalker? Hindi lang ngayon yan. Pati yesterday and all the past days since high school began.
"Javeline! Sandali lang! Huff huff!" May biglang tumawag sa kanya.
Siya nga pala! Pangalan pala niya ay Javeline. Bago ko pa makalimutan siya ang heartthrob ng campus namin. Sayang nga daw kasi senior nila siya. Masasabi mo na perfect siya. Not only the physically but also mentally.
"Huh? Bakit?" This is my chance! Escape! Binilisan ko yung paglalakad ko pero naman ako tumakbo.
"Mag date naman tayo oh!" Medyo nakakalayo palang ako sa kanila kaya nariring ko parin sila. Napaka-straight to the point naman ni boy.
BINABASA MO ANG
Eye Love You
Short StoryPierce, a gore loving guy, has a beautiful stalker. His stalker, Javeline, found out that how much of a gore loving person he is and decided to pretend being blind for him to take care of her. Find out more about their twisted yet cute and touching...