Part 5

27 6 1
                                    

(Javeline's PoV)

Sabi ko na nga ba. Magagalit siya kapag nalaman niya. Hindi ko na sana ito ginawa. Ang t*nga t*nga ko.

Pagkatapos niya akong iwan sa mall umuwi na ako. Kaya ko naman kasi nakakakita naman ako talaga. Hindi naman ako bulag in the first place.

Umiiyak ako dito ngayon sa kwarto ko. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Hindi ko dapat niloko ang taong minamahal ko.

Nagawa ko lang naman lahat ng 'to dahil mahal kita Pierce. Mapatawad mo sana ako.

Mas mabuti pa siguro na hindi niya tanggapin ang pagmamahal ko. O kahit hindi niya pansinin ang nararamdaman ko. Wag niya lang ako aayawan.

Our time at the mall together, our first date, I will treasure all those moments na kahit minsan ay nagkasama kaming dalawa.

Hindi ko na alam abg gagawin ko. Gusto ko na mawala. Siguro kung nawala ako mawawala din ang bigat na nararamdaman ko.

Gusto ko nang mamatay. Hindi ko na kaya.

Bumaba ako sa kitchen at kumuha ako ng knife. Itinutok ko ang knife sa aking leeg. Nagaakmang saksakin ang sarili ko.

"Pierce I love you so much... And goodbye."  Naluluha kong sabi.

Sa pagkakataong ito handa na akong mawala sa mundo.

Nanginginig ako habang hawak ko yung knife.

...

Hindi ko kaya. Ibinaba ko ang knife at binalik ito sa lalagyanan kasama ng iba pang mga knife.

Mas lalo akong napaluha. Hindi ko kaya. Natatakot ako.

Ayoko pang mawala ang buhay ko. Hindi pa ako handa.

I guess I'll just have to stop loving Pierce.

Nang maisip ko yun gumaan ang pakiramdam ko. Siguro ito nga ang solution para mawala ang bigat na nararamdaman ko.

From now on, I'll stop loving you and find someone I can love that will also love me back.

This is my resolve.

(Pierce PoV)

I wonder what happened to Javeline yesterday. Umalis lang naman ako para umihi. Pagbalik ko wala naman na siya.

Ano kaya nangyari sa kanya?

Nalaman ko na niloloko niya ako at nagkukunwari lang pala siyang bulag nung kumakain sa may Turo-Turo. Nung pinaabot ko yung paminta sa kanya I saw her opened her eyes then passed me the powder. That's when I realized.

Nagpanggap muna ako na hindi ko alam kasi gusto kong bumawi sa kanya. Sa pangloloko niya sakin.

Sobrang nagalala ako sa kanya. The thought that hindi na siya muling makakakita. Pero natutuwa ako na that isn't the case.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school. Nagflashback sa isip ko yung mga time na may sumusunod sa likuran ko. Si Javeline. My stalker.

Pagpasok ko sa classroom umupo na ako sa aking proper seat. Sa harapan ko meron na si Sunder. Pero sa tabi ko wala pa si Javeline.

Nasan na kaya siya. Siguro late lang siya. Pero bakit ganito. Parang masama ang kutob ko ngayong araw.

Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi parin pumapasok si Javeline. Dumating na ang first Teacher namin at wala parin siya. Nagaalala na ako.

Tumayo na ako para humingi ng excuse sa teacher.

"Excuse me Teacher may I go ou-" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang nag magbukas sa pintuan.

Eye Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon