Part 4

27 7 0
                                    

(Javeline's PoV)

Ano ba naman to. Nakokonsensya na ako. Ang tagal ko ng niloloko si Pierce. Hindi naman talaga ako nabulag eh. Nagpapanggap lang ako na bulag para sa kanya kasi mga ganitong klase ng babae ang type niya. Ititigil ko na ba to? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Paano kung magalit siya sakin? Natatakot ako.

Hawak-hawak ni Pierce ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dinadala dahil nakapikit ako. Naramdaman ko nalang na inalalayan niya ako na yumuko at umupo. Nasa trycicle ata kami.

"Kuya sa SM po." Sabi ni Pierce.

"Sigurado ka ba dito? Paano yung mga classes natin?" Nagaalalang sabi ko.

"Don't worry. Minsan lang naman ito mangyari sa life natin." Sagot ni Pierce.

Tumahimik nalang ako hangga't sa maramdaman ko na huminto na ang sinasakyan namin.

"Andito na tayo." Sabi ni Pierce sabay hawak sa kamay ko.

Matapos ang ilang minutong paglalakad. Inalalayan niya nanaman akong umupo.

"Anong gusto mong kantahin?" Biglang tanong niya sakin.

"Nasaan ba tayo?" Tanong ko.

"Nasa KTV. Wag kang mahiya. Let's sing. Don't worry no one will hear us." Sabi niya.

"Think of a song that you have memorized. Make sure you know lahat ng lyrics." dagdag pa niya.

Wala akong maisip na kantahin. Hindi naman sa wala akong alam. Ang dami ko kasing naiisip magagandang kanta.

"Dalian mo. Nasulat ko na yung gusto kong kantahin. Ikaw naman. Para mabigay ko na staff." Sabi niya.

"Momenth of truth by FM Static." Sabi ko. Wala akong mapili. Yan nalang.

(/^0^)/

Narinig kong nagsimula na ang kakantahin ni Pierce. Ito ang unang beses na maririnig ko ang boses niya na kumakanta. Sayang ngalang at hindi ko siya makita habang ginagawa niya to.

"It feels just like it was yesterday we were in love, why is it falling apart?"

Alam ko ang kantang ito. Bad by The Cab. Bigla akong nabuhayan ng loob. Dahil sa sobrang gwapo ng boses ni Pierce. Parang kaboses niya ang vocalist ng band na The Cab. Mas maganda pa.

(^_^)

"Yeah I want it bad."

Tapos na ang kanta ni Pierce. Ako na ang susunod. Inabot niya sakin ang mic. At kinuha ko naman. Hindi ako sigurado kung masasabing kagandahan ang boses ko. Sana magustuhan niya. Malapit nang matapos ang intro ng song.

"Here we are in the best years of our lives with no way of knowing."

"Ang ganda ng boses mo Javeline." Sabi ni Pierce.

Umpisa palang ng kanta pinuri na niya ako. Ang saya-saya ko. Dahil sa sinabi niya mas nagkaroon pa ako ng confidense para kumanta.

"I got your picture in my wallet."

"Hmmm..hmm.." Pag-hmm ni Pierce. Sumasabay sa tono ng kanta.

(~^0^)/

"Forever and ever."

Tapos na ang kanta. Pumapalakpak naman si Pierce.

Lumabas na kami ng KTV at ngayon ay nakaupo sa hindi ko alam na restaurant. Nagpaalam sakin si Pierce na oorder lang daw siya ng pagkain.

"Javeline!" Pagtawag niya sakin na parang kinakanta ang pangalan ko.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Sa Foodcourt." Sagot niya.

"Ano binili mo?" Tanong ko ulit.

"Hulaan mo. Say ahhh." Sabi niya.

"Ahhhh~" Ginawa ko naman. Inilapit ko ang muka ko. Hinihintay na subuan niya ako ng pagkain.

"Ano sa tingin mo?" Tanong niya.

"Siomai!" Sagot ko. Dahil naramdaman ko ang pagkalambot nito at hugis nito sa bunganga ko.

"Very good. Pero may kulang." Sabi niya.

"Huh? Ano naman.?" Tanong ko.

"Super Spicy Siomai. Mahilig kasi ako sa maanghang." Sabi niya.

"Waaaahhhhh!!!!" Napasigaw ako nang bigla ko nang nalasahan ang pagka anghang ng siomai na kinain ko.

"Here water." Inabutan niya ako ng tubig at agad ko naman itong ininom.

"Sana sinabi mo muna sakin." Hiling ko sa kanya.

"Your so cute Javeline. Haha!" Sabi niya.

Kinilig naman ako. Kya! Kya!

"Nagbablush ka ba Javeline?" Tanong niya.

"Huh? Hindi ah. Effect yan ng SSS na pinakain mo sakin kanina. Haha" palusot ko.

(^0^) -(°^°~)

Naglalakad kaming dalawa habang magkahawak ang mga kamay namin. Nagtaka nalang ako nang bigla siyang tumigil na maglakad.

"Bakit Pierce?" Pagtataka ko.

"Tell me the truth." Sabi niya.

"Anong truth? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagtataka ko ulit.

"You were never blind in the first place." Sabi niya ng may seryosong tono ng boses.

"Paano mo -" Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Alam ko na ang lahat Javeline." Sabay bitaw sa kamay ko. At naramdaman ko na lumayo siya at iniwan ako sa kinatatayuan ko.

To be continued...

Eye Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon