(Javeline's PoV)
"Pierce!" Sigaw ko.
"Anak gising ka na." Natutuwang sabi ni Mommy.
Tumingin ako sa paligid ko at nasa isa akong hospital room. Nakahiga ako sa kama habang nakaswero.
"A-ano po ang nangyari?" Nanghihina kong tanong.
"Naaksidente ka anak."
Naaksidente ako?
Nagflashback ang lahat sa isip ko. Ang nangyari. Kung paano ako naaksidente. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
"Si Pierce!?" Bigla kong tanong kay Mommy.
Nalungkot ang muka niya at yumuko.
"I'm sorry anak." Naluluha niyang sabi.
"Sorry? Saan? Mommy si Pierce?" Naluluha kong sabi. Pagpupumilit ko sa tanong ko.
"The boy that saved you
...
He's gone."
Lumabas ang nga luha ko.
"No! Hindi totoo yan! Stop joking Mommy. It's not funny." Ayokong maniwala.
Sinubukan kong bumangon sa kama kahit nanghihina ako pero sinubukan akong pigilan ako ni Mommy.
Sinusubukan kong pumiglas sa pagpigil ni Mommy.
"I'm so sorry anak." Sabay yakap sakin ni Mommy at napakalma ako nito.
Nagiyakan kaming dalawa ni Mommy.
Kumawala na kami sa pagyakap sa isa't isa
"Anong nangyari?" tanong ko.
Huminga ng malalim si Mommy bago nagsalita.
"Na comatose ka for 3 months."
"3 months!?" Gulat kong sabi. Ang tagal.
"Oo. Nabangga ka ng isang truck kasama yung isang lalake. Kung hindi dahil sa lalaking yun. malamang wala ka na ngayon. Sinagip niya ang buhay mo."
"Siya ang nagligtas sakin." Naiiyak kong sabi.
Pagkatapos kong pagisipan siya ng masama at subukang layuan siya. Nagawa niya paring iligtas ang isang tulad ko.
"Hindi lang yun ang pagligtas niya sayo."
"Meron pa?"
"Tumama ang nasira na windshield ng truck sa mga mata mo. Supposed to be bulag ka na ngayon at di ka na nakakakita."
Dapat bulag na ako? Pero paano ako nakakakita? Siguro may nagdonate ng mga mata nila.
"You don't mean..."
"Oo. Siya nga ang nagdonate."
(Pierce PoV (Before Javeline wakes up))
Nasa hospital ako ngayon. Dahil sa aksidente. Sinubukan kong iligtas si Javeline.
Nakausap ko na ang doctor kanina and I'm glad that she's safe.
Sabi ng doctor na-comatose si Javeline at sa ngayon natutulog siya.
Sadly, kung magigising siya wala na siyang makikita. Dahil nabulag na siya.
Sabi ng doctor hindi na daw ako magtatagal pa dito sa mundo. Dahil sa sobrang dami ng dugo na nawala sakin at dahil sa lakas ng pagkakabangga ko. Himala nga na gising parin ako ngayon.
...
Pero panandalian na lang.
Nakahiga ako ngayon sa isang kama sa hospital at isang oxygen tank nalang ang tumutulong sakin para sa paghinga. Sa dami ng dugo na nawala ko nangayayat na ako at nanghihina.
Ilang minuto nalang at mawawalan na ng buhay ang katawan ko.
Huminga ako ng malalim mula sa hangin na binibigay ng oxygen tank.
Tinanggal ko ang nakalagay sa bunganga ko. Kahit na nanghihina sinubukan kong abutin ang ballpen at papel na nasa table sa tabi ko.
Gamit ng ballpen sinulat ko sa papel ang mga salitang ito.
"I would like to donate my eyes to Javeline.
Please make sure that she will be able to see again."
I have my signature at the bottom right portion of the paper.
Wala na akong hangin at hindi ako makahinga. Nabitawan ko ang ballpen at bumagsak na ako sa sahig.
Totoo nga. Magagawa mo ang lahat para sa taong mahal mo.
Magagawang mong magpanggap na bulag para sa taong mahal mo. And do even crazier things.
Gaya ng ginawa sakin ni Javeline.
Silly girl.
Mamamatay man ako. Masaya ako na nakilala ko siya. Sayang nga lang at hindi ko nasabi sa kanya. O kaya nasulat sa papel ang nararamdaman ko.
Pero masaya parin ako.
(Javeline's PoV (Back to present))
"...Natagpuan nalang siyang nakahiga sa sahig." Kwento ni Mommy.
Hindi ako makapaniwalang nagawa niya lahat nang yun. Para sakin. Lalong lumakas ang pagtulo ng mga luha ko.
"Eto ang papel na pinagsulatan niya." Inabot ni Mommy sakin ang isang pirasong papel.
"I would like to donate my eyes to Javeline.
Please make sure that she will be able to see again."
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
Halata sa sulat niya na nangingig pa siya habang sinusulat niya ang mga 'to.
Hindi ko na yata kaya. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na ibigin ka Pierce.
You're making me fall in love with you all over again. This time, a lot more.
Niyakap ko ang papel na huli niyang pinagsulatan.
Simula ngayon pahahalagahan ko na ang buhay ko. And my moments with you. I'll treasure them all.
Goodbye Pierce. I love you.
The end
P.S.
Pierce' signature is a smiley emoji.
BINABASA MO ANG
Eye Love You
Short StoryPierce, a gore loving guy, has a beautiful stalker. His stalker, Javeline, found out that how much of a gore loving person he is and decided to pretend being blind for him to take care of her. Find out more about their twisted yet cute and touching...