LIAN
"Lian, Gising na. Ang tagalbandang mo nang natulog dyan. Hoy!"Huh? Anong ibig nyang sabihin?
Natutulog?
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid at bumungad sa akin ang maraming taong nag hihintay na magising ako.
(Para akong pinag lamayan)
Yuck! Ano bayong panaginip ko? Nakakadiri. Ang taas naman ata ng panaginip ko."Hay salamat naman at nagising kana. Alam mo bang halos mag-isang linggo kanang tulog
dyan?"- Kanina pa ang lalaking to,daldal ng daldal."Anak?, Hay dyosko buti nalang at gising kana."- Sabi ni ina.
Habang yakap yakap ako ni ina dumating naman si ama.
Tumingin sya sa akin na parang naibtan ng tinik.
Ang OA.
Palagi nalang akong dinadalaw ng mga lalaking yon sa panaginip.
Sino sino ba sila?..
Kunot noo lang talaga palagi ang pinapakita kong mukha sa kanila."Pinuno, Hinihintay po kayo ng pinuno ng Wu gang "-Sambit naman ng isang assistant ni ama. Agad akong umalis sa kama at kinuha ang rapier ko.
"Oh anak, san ka pupunta?"- tanong ni ina.
"Sa Labas"- tugon ko.
"Hindi pwede anak, hindi pa nila alam na may anak ang pinuno na babae. Baka pag nalaman nila, kukunin ka nila at gagawing pain"- pag mamakaawa naman ni ina. Mga walang puso talaga ang mga taong yun. Pati sa panaginip ko mga masasamang bagay parin ang mga ginagawa nila.
"Kaya ko ang sarili ko,Hindi ako mahina"- taas noo kong sambit. Mayabang na kung mayabang, wala akong pakialam.
Sumunod sa akin ang dalawa kung kapatid, nauna na si ama. Walang makakapigil sa akin. Habang palabas kami, kinuha ko ang aking pana at limang palaso.
"Ohh, At sino naman ang magandang binibining ito"- sambit nong nasa kaliwa nong pinuno nila.
IRAP. Tsk.
Taka ang rumehistro sa mukha ni ama dahil sa hindi nya alam na lalabas ako. "Ano nanaman ba ang kailangan nyo? "- Inis na sambit ni kuya ren.
Huminga naman ng malalim si kuya Shan.REN
Nakakainis talaga ang gang na to.
Walang ibang magawa, kundi ang mangnakaw. Hindi pa talaga sila kontento sa kung anaong meron sila.
Kinabahan ako para kay Lian pero wala akong magagawa, ni si ina hindi makakapigil sa kanya."Anak pumasok ka muna sa loob"- sambit ni ama kay Lian kahit nakatalikod ito sa kanya.
Ng hindi sumunod si Lian ay hinarap ito ni ama.
Nagulat ako ng may lumipad na palaso na tatama sana sa likod ni ama.
"Ama!!?"- sabay naming sabi ni Shan.
Mabuti nalang at mabilis kumilos si Lian at pinatamaan din ng palaso ang palaso na tatama sana sa kay ama,kaya nag-iba ito ng direksyon at tumama sa ulo ng dalawang membro ng Gang.
Naglagay ng dalawang palaso si Lian sa Pana at tinutok sa pinuno.
"Aalis o mamamatay?"- pag babanta ni Lian.
May isa namang sumugod nalang na parang ewan.
Agad pinakawalan ni Lian ang isang palaso at tumama ito sa dibdib ng parang ewan na lalaki at kaagad tinutok ang natirang palaso sa pinuno ng akmang kikilos na ito.
"Umalis kana kung gusto mo pang mabuhay, Baliw"-walang takot na sabi ni Lian.
Bilib na talaga ako sa kapatid kong to.
Halata ang pag ka-inis ng pinuno nila at padabog na umalis.
Parang batang hindi napag bigyan."Hindi kana sana nangialam Lian. Paano kung napahamak ka?"- sambit ni ama.
Tinitigan lang sya ni Lian na halatang na inis.
"Grabe ka talaga Lian, ang galing mong umasinta kanina"- pang babasag ni Shan sa Tensyon.
Umiiling-iling na umalis si ama at kami nalang tatlo ang natira.
"Salamat sa pag ligtas kay
ama"- nakangiting sambit ko sabay tap sa kanyang balikat.
"Pasok na tayo sa loob"- pang-aani ni Shan.
"Mauna na kayo"- sambit ni Lian tsaka tumalikod sa amin at nag lakad palayo.
Nag katinginan lang kami ni Shan at pumasok na sa loob.
Mag lalabas siguro ng inis ang babaeng yon. Tsk,tsk,tsk,tsk..
YOU ARE READING
Journey Into The Mortal Realm
Historical FictionMay mga bagay talagang nangyayari nalang sa hindi inaasahang pagkakataon, o mas maganda kung tawagin nating AKSIDENTE. Dahil sa aksidente, minsan napapahamak tayo, minsan naman ito ang makapag pabago sa atin o makatulong sa atin.. Sa Storyang ito...