ZUNTAO
Ng makarating kami dito, kaagad naming sinundan ang barkong linagyan ng perang ninakaw.
Marami ang bantay kaya kahit mas magaling pa kami sa kanila, wala talaga kaming magagawa.
Sapat ng malaman namin ang lugar kung saan at ang mga plano nila.Kailangan naming mabawi ang pera at mahatid sa Lin Family, dahil kung hindi mapapahamak ang asawa ng emperor at ang ibang babae sa kaharian.
Nakita ko ang imortal bird nang kapatid ko,at ng mabasa ko ito halos mahulog ako sa bangka dahil nawalan ako bigla ng lakas.
"Anong nangyari?" kunot noong sambit ni Meng.
"K-kailangan kong bumalik sa palasyo"- na mamaang na sambit ko.
Mas lalo pang kumunot ang noo nya."Hindi pwede, alam mo naman siguro na buhay ang nakataya dito."- inis na sambit nya.
Inabot ko sa kanya ang pangalawang sulat.
Tumaas ang kaliwang kilay nya habang nagbabasa.
Buntong hininga nyang inabot sa akin pabalik ang sulat habang nakatingin sa malayo."Kailangan nating gumawa ng panibagong plano. Kailangan nating malaman ang plano nila."- sabi pa nya.
Tumango lang ako sa kanya.
Ng makarating kami sa isang isla,
Tama naman dahil may nakita akong tagapaglinis.
Dali dali akong pumunta sa kanya at hinigit sya papunta sa likod ng patung patung na dayami.
Sisigaw na sana sya ng mabilis na tinutuk ni Meng ang kanyang dagger sa leig nito."Anong kailangan nyo?"- kinakabahang sambit nya.
"Bantayan mo ang pera at ang pinuno para sa amin. Pag nagkamali ka papatayin kita"- sabi nya sabay diin ng dagger sa leig nong babae.
"Pakinggan mo ang mga plano nila, bukas mag kita tayo dito."- Deritsong saad ni Meng sabay abot ng pera..
"Pag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, dadagdagan ko
yan" - Sambit ko with smirk.
Naguguluhan pa ang babae ngunit tumango tango naman sya ng ma proseso na sa kanyang utak ang mga sinabi nami.
Mag tatanong pa sana sya ng dali dali kaming umalis dahil may paparating na mga kawal.
Tinago naman nya ang perang bigay ni Meng at umalis na doon.JAROU
Bakas ang takot naming lahat ng bigla nalang dumating ang emperor. Maraming kawal ang nakapalibot sa boung silid namin.
Pinaliwanag na namin ang lahat sa kanya pero hindi parin sya naniniwala.
Galit ang emperor dahil nawalan ng malay ang pangalawa nyang anak at nag sinungaling kami tungkol sa kalagayan ng panganay nyang anak.
Nagising kanina si Lian ngunit dahil sa hilo, ay nawalan na naman sya ng malay at dahil narin sa naninibago sya dito sa lupa. Nakakandong lang sya sa aking bisig habang natutulog.
Si kuya Shien naman ang sumasagot sa lahat ng mga katanungan ng emperor.Nandito na kami sa Hall of Justice para husgahan.
Ang tanging pag-asa nalang namin ay ang makabalik si Kuya Zuntao at brother Meng at ang mag kamalay si FeiQing."Kung Papipiliin kayo, mawalan ng trabaho o mawala ang babaeng yan?"- Hindi na yan tinatanong pa.
Mas gustuhin kong mamuhay sa labas kesa sa mawala si Lian."Mawalan ng trabaho"- Disididong sambit naming Lima.
Galit ang rumehistro sa mukha ng emperor."Mas importante ang buhay ng nag-iisa naming babaeng kapatid kesa sa trabaho, mahal na Emperor"- tela na buhayan kaming lahat ng makarating si kuya kasama ang dalawang Prinsipe.
Seryoso ang mukha ni Kuya at tela ba nawalan sya ng galang sa mga opisyalis at emperor na nasa harapan namin.
Pinatayo nya kami galing sa pag kalubod at kinuha si Lian sa akin na hinang hina at wala paring malay.
Lumapit si FeiQing kay Lian at hinablot ang kwentas na suot nito.
Nagalit kaming anim dahil hindi namin basta basta nalang pinapahawakan ang kapatid namin.
YOU ARE READING
Journey Into The Mortal Realm
Ficción históricaMay mga bagay talagang nangyayari nalang sa hindi inaasahang pagkakataon, o mas maganda kung tawagin nating AKSIDENTE. Dahil sa aksidente, minsan napapahamak tayo, minsan naman ito ang makapag pabago sa atin o makatulong sa atin.. Sa Storyang ito...