Chapter 3

0 2 0
                                    

ZUNTAO
Maaga akong nagising dahil narin sanay na ako, pero nagulat nalang ako ng nakita si Yu'er na naka indian sit at nakapikit.
Mas maaga pala syang nagising kesa sa akin..

"Kuya gising kana pala"- nakangiti nyang sambit..

"Ngayon kulang muling ulit nasilayan ang mga ngiting yan, mahal na prinsesa. "- Nakangiting sambit ni Jen..
"Magandang umaga sayo mahal na Prinsipe"- Ani pa nya..
Tumango lang ako

"Anong ibig mong sabihing ngayon mulang ulit na silayan ang mga ngiti ng mahal na Prinsesa ate
Jen?"- Takang tanong ni Shien na kakagising lang..
Yan din sana itatanong ko kaso naunahan ako..

"Alam nyo kasi mga Kamahalan..
Pag-alis nyo,hindi na sya ngumingiti at nag sasalita ng mahaba." -Ani nya..

"Bakit naman?"- sabay sambit ng apat..
Nagising na Pala ang lahat..

"Ewan ko, naging ganito nalang ako. Kaya kasalanan nyo
to." - nakabusangot na sambit ni Yu'er..

"Luhh!?"- sabay sambit ng kambal..
Napatawa nalang kami dahil sa pag mumuka nilang bakla..
Umalis narin si Jen dahil mag hahanda pa daw sya ng pag kain..

Nag kwentuhan lang kaming pito.
Sinulit namin ang panahong kasama pa namin ang aming bunso dahil aalis na kami bandang hapon..

"Alam mo bunso, kaming anim may dalawa kaming kaibigan."- pagmamalaking sambit ni Shei Qing..

"Ganon ba, Sino-sino sila?"- Yu'er
"Sila ang dalawang anak ng emperor, si Gao Xiao Meng na labing limang taong gulang,at ang bunso ay si Fei Qing na magkasing idad mo lang.."- pag papakilala ni ShiFeng..

"Masaya sigurong mag karoon ng kaibigan noh?"-Lungkot na sambit ni Yu'er..

"Oo naman, Pero wala kabang kaibigan dito bunso?"- takang tanong ni Shien habang sinusuklay ang mahabang buhok ni Yu'er gamit ang kamay..

"Si ate Jen lang ang kasama ko araw-araw. Kahit saan ako pupunta sya lang ang nakakasama ko. Ewan ko ba kung bakit hindi lumalapit sa akin ang iba.. Hindi naman siguro ako masama"-lungkot nyang tugon..

"Dahil siguro sa hindi ka palasalita at palangiti kaya sila natatakot sayo..Ngumiti ka naman kasi"- Pabirong saad ni Madaldal na walang iba kundi si Shei Qing..

"Siguro nga, pero hindi ko kayang ngumiti sa harapan nilang
lahat. May kulang kasi eh"- malungkot nyang tugon at saka tumingin sa amin..
Alam ko ang ibig nyang sabihin at alam kong alam din yon ng iba pa..

"Ikinakalungkot ko bunso, pero hindi na namin ito
matatalikuran. "- Ani ni Shien habang yakap nya si Yu'er..

"Hayy nako bunso, sana nalang kasi..hayy wala..wag mona akong pansinin, nagpapa epik lang ako hahha.."- nag tawanan nalang kami sa sinabi ni Jarou...

" Mga kamahalan, handa napo ang pag kain. Kayo nalang ang hinihintay.."- Sambit ng isang katulong habang nakayuko..

Journey Into The Mortal RealmWhere stories live. Discover now