Again, sana wag kayong manghusga.
Sa isang maganda na hapon isinilang ang isang babaeng sanggol.
Isang magandang hapon para sa pamilya at sa kaharian nila sa langit dahil sa wakas may kaisaisahan na silang prinsesa..Limang Taon ang nakalipas masayang masaya at sabik ang batang babae dahil sa wakas masisilayan na nya ang kanyang mga kuya na hindi pa nya nakikita kailanman..
Sa loob ng limang taon, isang beses lang kasing pwedeng maka bisita ang mga kuya dahil sa kanilang mga mabibigat na tungkulin kahit mga bata pa ito.Ang anim nyang mga kapatid na lalaki ay sabik at nag madaling pumunta sa langit para makita ang kanilang nag-iisang prinsesa..
(Ang kanyang mga lalaking kapatid ay mas pinili nilang mamuhay sa lupa kasama ang mga mortal at magsilbi sa SILANGANG KAHARIAN.)
Pag dating nila sa palasyo ng kaharian ay agad silang sinalubong ng mga magulang at mga maharlika.
Yumuko sila upang magbigay galang:
"Magandang araw po sa inyo mga kamahalan at sa inyo rin po ama, ina"- sabay nilang sabi"Maligayang pag babalik mga
anak" - nakangising saad ng ina."Brothers? " - Mangiyak ngiyak na sambit ng batang babae sa kanyang mga kapatid.
dali-daling silang pumunta sa kinarutuonan ng ama at ina kung nasaan ang kapatid.
Malawak ang kanilang mga ngiti sa labi ng isa-isa nilang nahawakan at nahagkan ang bunso...
Masayang masaya sila dahil sa wakas may kapatid na silang babae"Ang aming pinakamagandang bunsong Yu'er Lian Shein, pasensya at ngayon molang kami nasilayan. "- Shien (pangalawa)
"Walang problema kuya Shien, nandito nanaman kayo diba? Sapat na sa akin yong nandito kayo.^.^" - Yu'er
"Basta bunso tandaan mo palagi, gagawin namin lahat para protektahan ka" - Zuntao (panganay)
"Totoo yan bunso" - sabay na sambit ng lima."Maraming salamat ^.^"- nakangising sambit ng batang babae.
"Maghanda kayo sa dadausin nating pagsalo-salo" - saad ng isang maharlika
***
Pagkatapos ng inggrandeng pagsasalo ay bumalik na ang anim na lalaki sa lupa upang tugunan ang kanilang mga tungkulin.SheiQing
Pagkalabas namin sa lagusan, napagpasyahan naming anim na maglakad nalang papuntang kaharian kung saan kami naninilbihan bilang mga matapat na disipolo at nag aaral kung paano ipaglaban o ipagtanggol ang aming nasasakupan.
Ang lagusan ay medyo may kalayuan sa palasyo at hindi ito makikita ng basta basta nalang.."Matagal na nating pinangarap na magkaroon ng kapatid na babae, at natupad nayon."- Shefing
" ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo" - nakangising sambit ni kuya Jarou
Nakatingin kaming lima sa kanya ng masama.
"anong ikaw lang, pati kaya kami"- pairap na sabi ng kakambal ko na si Shefeng..
Ngapala nakalimotan kong mag pakilala..hahah..
ZUNTAO - panganay, right hand ng panganay na anak ng emperor (14 y/o)
SHIEN - nangugulo sa ¼ na mga sundalo sa kaharian..(13 y/o)
HUAJUN - nangungulo din sya ng ¼ na mga sundalo (12 y/o)
YOU ARE READING
Journey Into The Mortal Realm
Исторические романыMay mga bagay talagang nangyayari nalang sa hindi inaasahang pagkakataon, o mas maganda kung tawagin nating AKSIDENTE. Dahil sa aksidente, minsan napapahamak tayo, minsan naman ito ang makapag pabago sa atin o makatulong sa atin.. Sa Storyang ito...