Chapter 7

1.6K 81 1
                                    

HUNGER AND THIRST

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HUNGER AND THIRST

The sound of pouring rain slowly vanishes and the drops became minimal.

Nakaramdam ako ng makapal na tela sa aking balikat kaya napatingala ako. Mga kulay kapeng mga mata ang sumalubong sa akin hanggang sa mapagtanto ko na inilagay pala ni Lycan ang isang coat.

Malamig ang temperatura ngayong tag-ulan na at nagpa-ulan pa kami kanina. Sana ay walang magkasakit sa amin.

"Anong oras na?"

Tanong ko kay Lycan na nakatingin din sa'kin.

Umiwas siya ng tingin at bumaling ito sa bintana ng gusaling aming pinaglalagyan ngayon.

"Around 8 in the evening," sagot nito habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"The morning of vampires," bumaling naman ang tingin ko sa sinabi ni Sen.

Napataas ang aking kilay.

"Morning, huh," patango-tangong komento ko.

"Vampires in this court love to go outside with their human partners. They are like just normal citizens but unlike humans, they are not sociable nor friendly, not even with their own kind. Vampires are conceited, cold and ruthless creatures. They've got their ways just to please themselves," mahabang pahayag ni Sen. Kitang-kita ang panlilisik ng kaniyang mga mata na parang gustong gusto niyang mawala ang mga bampira.

"Good. If vampires love to stroll around, hindi na tayo mahihirapang makihalo sa kanila," tugon ko naman.

"Anong gagawin natin 'pag nag-blend na tayo sa kanila?" Ang mapungay na mga mata na naman ni Lycan ang nakakuha ng atensyon ko nang siya ay nagtanong.

Ngumisi ako saka ito tinapik sa balikat.

I know he is new to our environment: criminality, I can feel his anxiety with our plans of revolution.

"We're gonna step up a level: spying," malakas at malinaw ang pagkakasabi ko nito.

Lumingon din ako kay Sen na wala na namang reaksyon ang mukha.

"We're gonna spy the court of herald. We will go near the main court (palace) and observe the noble vampires," pagtutuloy ko.

"So, basically, kikilalanin natin ang mga makakalaban natin," ani Sen sabay tingin sa akin.

Tumango ako. "Yes. Three is enough to perform this task. And I hope, on the way, we will meet more comrades."

Napabaling ang tingin ko sa labas kung saan iilan na lang ang patak ng ulan.

Sa paglabas namin sa abandonadong gusali kung saan kami sumilong ay ang pagbungad ng mundo ng mga bampira.

Ang mundo kung saan ang mga ito ang mas kinikilalang mga mamamayan. Ang mundo kung saan ang tao ay kontrolado.

Evil Red (A Vampire Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon