SALVATION
UMUPO AKO sa aking kama at napabuntong hininga. Because of my excitement about the training and the slaying of vampires, I can't sleep peacefully.
Damn, is this happiness? Or is this anxiety?
Tumayo ako at napatingin sa kutsilyong bumaon sa pader. Kinuha ko ito at pinagmasdan.
Hindi ito ordinaryong kutsilyo na makikita sa kusina o yung mga pangmilitar. Mayroon pala itong mga kaliskis na parang sa lagari. Ito ba ang ginagamit nila sa pagpaslang ng mga bampira?
Napasulyap ako sa bintana habang hawak hawak ang kutsilyo. Lumiliwanag na ang paligid. Ibig sabihin ay madaling araw na o sa ibang salita, matatapos na ang araw ng mga bampira.
"The humans here have amazing body clocks," sambit ko sa aking sarili.
Sa Python's ay walang araw o gabi sapagkat kahit anong oras ay pwedeng pagsilbihan ang mga bampira ngunit dito sa Herald's ay parang naramdaman kong muli ang dating mundo kung saan may nakalaang oras upang matulog at kumayod.
Napatingin muli ako sa baba at tulad ng inaasahan ko ay walang tao ang makikita.
Siguro ay tulog na ang mga ito dahil mamayang gabi ay panibagong kalbaryo na naman ang kanilang mararanasan.
Napapikit ako.
"Kung gayon ay kailangan kong mag-adjust," para na akong baliw dito na kinakausap ang aking sarili.
Hindi ko alam ngunit tumalikod ako sa bintana at tinungo ang pinto kung saan daglian ko itong pinihit.
Napatingala ako nang makalabas ako sa kwartong pinagtulugan ko. May kataasan ang dingding at ang mga pader ay may lumang mga disenyo. Marami ang ilaw ngunit isa o dalawa lamang ang nakasindi.
Ngayon ko lang napagtanto na isang luma ngunit malaking bahay pala kami nakasilid ngayon. Hindi ko agad ito napagtanto dahil ang mga armas sa mga pader lamang ang kumuha ng atensyon ko kanina.
"Gising ka na pala," napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na ito at nakita ko si Raia na walang suot na kapa at may hawak na kape.
Nagulat ako dahil nakakuha sa atensyon ko ang kaniyang magandang pigura na maari ng pang-pageant at ang katangkaran rin nito. Tila isang modelo ang kaharap ko ngayon isama pa ang kaniyang mukha. Hindi ko agad mapapansin na isa siyang vampire slayer dahil sa kaniyang itsura.
"Raia," iyan lang ang aking nasabi.
Umalis ang tingin nito sa akin at saka nito tinahak ang hagdan pababa na sa tingin ko ay patungong ground floor.
Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa hapag-kainan.
"Let's have breakfast while we talk," nagulat nman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Evil Red (A Vampire Dystopian Novel)
VampirHighest Rank: #36 in Bampira (12/29/18) #40 in Sci-Fi (10/01/18) "In this world we've known as politically and economically chaotic has been altered in her story; where bloodsucking creatures submerged and dominates. Mankind has lost, vampires win...